bc

THE DAUGHTER IN USE

book_age16+
456
FOLLOW
2.0K
READ
heir/heiress
mystery
like
intro-logo
Blurb

Zyra Quincy Fantallion

Ginamit ako para makuha ang gusto niya. Nagtiis ako, ginawa ko lahat dahil kahit na nagmumukha na akong utusan niya. Tiniis ko yun kasi ama ko siya, nanggaling ako sa kanya sa gitna ng pasakit na ibinabato niya sa akin, nagtiis ako. Tapos malalaman ko lang na hindi ko pala siya kadugo and worst hindi siya Fantallion. Hinahabol niya lamang ang pera na meron ang pamilya ko. Pati mga taong prinotektahan ko mula sa kanya, isinakripisyo ko sarili ko para mamuhay lamang sila ng tahimik tapos kasabuwat lang pala sila. Pati bunso kong kapatid na inosente dinamay nila. Haggang sa hukay hinding hindi ko sila mapapatawad. I'll make sure na ipaparanas ko sa kanila ang impyernong mas mainit pa sa ipinaranas nila sa akin!!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Paggising ko puting kisame ang una kong nasilayan sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko tinuloy dahil masakit sa tagiliran. "Ma'am huwag po muna kayong gumalaw baka po dumugo na naman yung sugat niyo." Hindi ko pinansin ang sinabi ng nurse sa kaliwa ko at sinubukan ko muli hanggang sa nakaupo ako. "Nurse yung babaeng kasama ko nasan siya? " Sambit ko habang tinatanggal ang mga apparatus na nakakabit sakin. "Ma'am hindi pa po kayo pwedeng gumalaw kabilin-bilinan ni dok." Sabi niya na hindi sinasagot ang tanong ko. Pilit niya akong pinigilan pero hindi ako nagpapigil at lumabas sa kwarto at sumunod siya't pilit parin niya akong pinababalik sa silid na kinaroroonan ko kanina pero hindi ako nagpatinag. "Nurse nasaan nga yung babaeng kasama ko sa kotse? " Patuloy pa din ako sa pagbubukas ng mga pinto umaasang makikita ko siya. Ilang pinto na ang binuksan ko pero wala sa mga tao sa loob ang hinahanap ko. Nanghihina na ako hanggang sa nadapa at napaluhod ako. "Lord pakiusap huwag mo siyang kunin, pakiusap." Naiusal ko na lang habang tuloy tuloy sa pag-agos ang luhang kumakawala sa mga mata ko. Taimtim akong nanalangin nagbabakasakali na marinig niya ang sinasabi ng puso ko. "Miss bumalik na tayo sa room mo hindi ka pa nakaka recover baka magdugo na naman sugat mo." Pakiusap ng nurse at mahihimigan sa boses niya ang awa habang tinitignan ako. Ang pinaka ayaw ko sa lahat yung kinakaawaan ako, hindi ko siya pinakinggan at naglakad palabas sa hospital, nasa exit na ako ng nakaramdam ako ng kirot at sinabayan ng pagkahilo, nanghihina na talaga ako kaya hinayaan ko na lang ang aking katawan na bumagsag sa malamig na sahig ngunit hindi ko inaasahan na may bisig na sasalo sa akin. Inaaninag ko ang kanyang mukha pero malabo ito, isa lang ang tiyak ako ang ekspresyon ng kanyang mukha ay nakita ko ang pagka-awa na pinaka-ayaw kong makita sa mga taong kaharap ko at hanggang sa bumigay na ang talukap ng aking mga mata. FLASHBACK Akala ko okay na, akala ko lang pala. "Kailan ba matatapos ang lahat ng kapighatian sa buhay ko?" Tanong ko habang nasa ulap ang aking atensyon na para bang may masasagot ito. "May katapusan pa ba ito.?" Ulit na tanong ko na may himig na kalungkutan sa aking boses. "Hindi ko na kaya, ang bigat-bigat na." Malamyos kong sambit at nangalumbaba. "Ibaba mo kasi kung mabigat." Isang tinig ng babae ang sumulpot sa aking tabi na gumulat sa akin. "Okay lang naman na magpahinga ka muna tapos saka tumuloy ulit kapag magaan na." Turan niya na nakangiti habang nasa mga ulap ang attention niya. Siya si Riana karibal ko sa klase well I guess yun sabi nila. Hindi ko naman siya itinuturing na karibal dahil hindi naman ako nakikipag taasan sa kanya. Ang goal ko lang ay makapagtapos sa pag aaral at maging accountant na gusto ng daddy ko. "Ang ganda ng mga ulap no? Mapayapang tignan." Aniya ulit at pakiramdam ko ay nakatingin siya sakin kaya imbes na sumagot sa sinabi niya ay ngumiti lang ako na hindi tumitingin sakanya Binuksan niya ang kanyang bag at may inilabas siya. "Tsaran, mas gaganda ang ambience kung may music." Sabi niya sabay salpak ng earphones sa aking tenga at nilagay niya naman ang isa sa tenga niya. "Oh, The Climb." Gulat kong sabi. Ang paborito kong kanta. "Favourite ko." Nakangiti niyang sagot. Nakangiti siya ngunit parang may kakaiba sa kanyang mga mata. Nagpapahiwatig ito ng kalungkutan. "Same." Sabi ko at itinuon na lang ang atensyon sa kalangitan. Matapos ang kanta ay nagplay ang susunod hanggang sa tuloy-tuloy sa pagplay ang kanyang playlist at hindi namin namalayan na palubog na pala ang araw. Gustong-gusto ko ang taste of music niya, tuloy hindi namin namalayan ang oras. "Tara na, mag gagabi na." Sabi niya at tumayo sabay abot ng kanyang kamay. Inabot ko naman ang kanyang kamay at magkahawak kamay kaming maglakad na para bang kami ay magkaibigan nang matagal. Ang comportable niya na kasama sana laging ganito para naman hindi puro problema ang tumatakbo sa isipan ko. Sa mga sumunod na araw ay sabay na kaming nagiistudy, maglunch, at gumawa ng activities. Sa mga sandali na kasama ko siya gumagaan ang pakiramdam ko. "Zy, tara sa streetfood stall." Pag-aya niya sakin. "Pass susunduin ako ng kuya ko, mamamasyal kami." Pagtanggi ko sa aya niya. "Sino? Si kuya Fred? Uyy sama ako Zy." excited niya na sabi at sabay sabit ng kamay niya sa braso ko "Ikaw ha nakakahalata na talaga ako sayo. May gusto ka lay kuya Fred no?" Prangka kong sabi sa kanya dahil iyon ang nahahalata ko palagi sa kanya basta si kuya Fred ang pinag uusapan. "Hindi ah." Sabi niya at umiwas ng tingin. "Sus hindi daw," sabi ko "Hi kuya Fred." Sigaw kong sabi, mapagtripan nga siya. "Asan, asan?" Sabi niya habang palinga-linga na hinahanap si kuya Fred. "Hindi daw." Sabi ko saka nginitian siya at nauna nang naglakad. "Pinagtritripan mo naman ako Zy eh." Sabi niya. Nasa mall na kami at naalala ko na ubos na pala ang tinta ng paborito kong ballpen kaya kailangan kong bumili. "Ana samahan mo akong bumili ng ballpen." Sabi ko at oo sumama ang babaita. "Ano ba naman Zy tanda-tanda mo na eh kaya mo na yan," pabulong niyang sabi sabay pagtataboy niya sakin, traydor talaga ang kaibigan ko, kainis. Nasa National Bookstore na ako at parang iba ang ayos nito dahil di ko mahanap-hanap ang pinakamamahal kong ballpen. "Excuse me sir, may I know if there's a supply for a Gtech ballpen?" Tanong ko sa staff, nasilayan ko ang ngiti niya saglit and he cleared his throat at sumenyas na sundan ko siya. Pinasalamatan ko siya at nagtungo sa counter. Habang nagbabayad napansin ko yung lalaki na pinagtanungan ko kanina na pumipila sa kabilang counter. "OMG, kaya pala ngumiti siya kanina kasi di siya staff dito," sambit ko na lang at muling tinanaw siya at ikinagulat ko ang pagtingin niya sa pwesto ko kaya napatakip ako ng mukha at ng matapos na akong makabayad ay dali-dali akong lumabas sa bookstore. "Nakakahiya ka Zyra Quincy." Sambit ko na lang at dali-daling linisan ang bookstore.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YAYA SEÑORITA

read
14.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.2K
bc

The Real About My Husband

read
36.2K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
10.6K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
118.8K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
9.6K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
39.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook