"Quin!Quin! Halika rito pakinggan mo itong bagong labas na kanta ni Taylor Swift." Pag-aaya niya sakin.
Si Taylor Swift ay isa sa paborito naming composer at singer na Hollywood. Napakaganda ng kanyang mga likha sumasakto sa kanyang boses. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang earphones.
"Anti-Hero." Basa ko sa phone niya yun ang title ng kanta.
Pagkatapos kong makinig wala akong masabi dahil sa tagos na tagos sa puso bawat linya ng kanta niya.
"Ganda diba?" Tanong sakin ni Riana habang nangiti nang pagkalaki..
"As always," sagot ko naman.
"Halika na kain na tayo luto na yung barbeque." Aya ko sa kanya.
Andito kami ngayon sa burol at papalubog na ang araw. Ewan ko ba kung ano ang trip ni Riana at gusto mag camping. Kakatapos lang kasi ng midterms namin and finally summer vacation is coming.
"Anong plano mo sa nalalapit na summer vacation?" Tanong niya sakin.
"Punta tayong Batangas tas hiramin natin kotse ni kuya." Sabi niya at ngumiti sakin nang nangungimbinsi. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinalikuran siya at naglakad.
"Zy!Zy! Basta sa bakasyon sa Batangas tayo." Sigaw niya.
Finals for the second sem started. Mas lalong naging abala ang lahat dahil sa quarter na ito ay kailangan naming makabawi. Okay naman yung grades ko pero kailangan ko paring ipush pa.
"Zy tapos mo na ba yung activity No. 4 sa Cost Accounting?" Tanong sakin ni Ana na problemado.
"Oo, bakit? May problema ba?" Sagot ko na nagaalala.
"I forgot, which is due today." Sabi niya na hindi na mapakali habang naglalabas ng kanyang ballpen at papel.
Andito kami sa dorm, yes, napagpasyahan naming magdormitory at buti na lang napapayag namin si daddy.
"Just copy mine nang magkaroon ka pa ng time to review the lesson alam mo na baka magpasurprise recitation nanaman si Sir." Aniya ko sabay tapik sa kanyang balikat.
Napabuntong hininga na lamang siya at nagsimula ng magsulat.
"Hay, kapagod." Sambit ni Ana na may kasamang hikab, kakatapos lang kasi maglecture ni sir.
"Anong time ka ba natulog kagabi bat parang puyat na puyat ka?" Tanong ko sakanya.
"4:00 AM." Sagot niya.
"Bakit? Hindi ka makatulog?" Tanong ko ulit na sinagot niya lang ng ngiti. Hindi na ako nagsalita dahil halata ko na ayaw niyang pag-usapan kaya nanahimik na lang ako hanggang makarating kami sa tinutuluyan namin.
Pagkadating namin sa dorm ay humilata kami pareho at paggising namin ay gabi na hindi pa sana kami magigising kung walang kumatok sa room namin. Ako na ang nagbukas sa pinto dahil alam kong naaantok pa ang kasama ko.
"Birthday ni Zack magpapainom daw siya punta daw kayo." Sabi ni Vam, dormmates namin.
"Anong oras?" Tanong ko habang nahiga at nakapikit ang mata, pumasok na din siya.
Napalapit na din kami sa mga tao dito dahil mababait naman sila at napaka friendly kaya kahit ilap ako sa mga tao ay naging close ko na rin ang mga ito.
"Mga 8 siguro, pagod ata kayo, maraming schoolworks?" Tanong niya habang nakatingin kay Ana.
Hindi napapansin ni Ana pero ako kitang kita ko ang paghanga ni Vam kay Ana. Sinasabi ko nang magtapat ito ngunit itinatanggi niya palagi kung inoopen ko sakanya ang nakikita kong paghanga niya kay Ana.
"Medyo, hindi yan nakatulog kagabi, inumaga na ng makatulog." Sagot ko sakanya.
"Ah, kawawa naman." Pabulong niya na sabi.
"Alagaan mo kasi." Sagot ko naman.
Napabuntong hininga na lamang siya at tumayo na't umalis bago pa siya makalagpas sa pintuan ay pinahalalahanan niya ulit kami na sumalo sa ganap mamaya.
Nagulat kami sa dami ng mga lalaki sa may balcony.
"Akala ko tayo-tayo lang dito." Sabi ni Ana.
"Akala ko nga rin, Ikaw na lang pumunta pakisabi na lang kay Zack na happy birthday at sorry di ako makakapunta dahil masakit ulo ko." Pakiusap ko sakanya dahil hindi ako comportable pag maraming tao at puro di ko kilala na mga kaibigan ni Zack.
"Alangan namang iiwan mo akong magisa, hindi pwede, hindi pwede." Pagtutol niya at kinaladkad ako paitaas, nakikipaghilaan ako sakanya ngunit ang lakas niya kaya nagpadala na lang ako.
"Hi Zack, happy birthday." Bati ni Ana at kumaway din sa mga kaibigan namin at nginitian ko naman sila.
"Thank you Ria." Pasasalamat naman ni Zack.
"Happy birthday." Pagbati ko naman.
"Thank you Zyra, buti at hindi ka nagback out" Sabi niya sakin.
"Hay naku, kung alam mo lang, nakipaghilahan pa ako sakanya." Irita namang sabi ni Ana na tinawaan naman ni Zack kaya nginitian ko na lang siya.
"Happy birthday Z."
"Wish you long life bro, happy birthday."
"Bro, happy birthday." Tinig iyon ng isang lalaki mula sa likuran namin na kasama din ng mga bumati
"Thank you, bro." Pasasalamat naman ni Zack.
Naiilap ako sa paraan ng pagtingin ng kaibigan ni Zack kaya imbes na tingnan siya ay iniliko ko na lang ang paningin ko, ngunit rinig ko ang maliit nitong boses na bumubulong kay Zack.
"Oo nga pala guys, si Dan, Casper and Yuan and guys si Riana at Zyra dormmates ko." Pagpapakilala ni Zack sa mga kaibigan niya, nag hi naman si Riana at nginitian ko lang naman sila.
Nagpaalam na si Zack dahil ihahanda pa nito ang palutan, nangingilabot na talaga ako sa paraan ng pagtingin nong Yuan ata pangalan. Sa tuwing titingin ako sa kanya ngingiti lamang siya hanggang sa tumabi na siya sakin na naging sanhi upang hindi ako mapakali.
"Ay, ano yan Yuan ang bilis dumamoves, patabi-tabi ka na ngayon ah." Kantyaw ni Casper.
"Ang baby boy namin nagbibinata na." Sunod namang kantyaw ni Dan.
"Mga ulol, tumahimik nga kayo." Saway sa kanila ni Yuan.
"Pagpasensyahan mo na sila may topak kasi mga yan." Paumanhin naman niya.
"Anong kami, ikaw yung may topak jan eh." Sabat ni Casper habang nakangiti nang pagka loka, narinig ata nito ang pinagsasabi ni Yuan.
Sinenyasan naman siya ni Yuan na tumahimik na at halata namang napipikon na ang lalaki kaya nag ok sign na lang si Casper.
"Pasensya ulit." Paumanhin niya ulit at ngumiti na parang nahihiya.
"Okay lang, nakakatuwa nga kayong pagmasdan haha." Sabi ko sa kanya na totoo dahil naaliw ako at paunti-unti naging komportable na ako sa kinauupuan ko.
"Anong year ka na pala?" Kuryuso niyang tanong.
"2nd year, ikaw?" Balik kong tanong.
"1st year." kumakamot niyang sagot.
"Ate" Sabi ko sakanya na senyales na tawagin niya akong ate.
"Ay, okray ka brad haha." Bulong ni Casper na narinig ko.
Ginawaran naman siya ni Yuan ng matalim na kanyang mga tingin na ikinatawa ko na agad din na binawi ko dahil sa tinginan nilang dalawa nagkunyare na lang akong walang nangyari. Kaming tatlo lang ang nagkakaintindihan sa lamesa na kinauupuan namin dahil ang mga iba ay may sari-sariling mga Mundo maging si Riana.
Natapos ang gabi at masasabi ko naman na nag enjoy ako. Actually, first time ko na makisali sa inuman na may mga taong hindi ko kilala, sa una hindi talaga ako komportable pero buti na lang at ang gaan na kakwentuhan nina Yuan at Casper kahit na mas marami silang bangayan.
"Sana hindi na lang kami imeet ni sir nagbabasa lang naman siya ng mga materials niya. Hayst gusto ko ng mahiga," nagmamaktol na sabi ni Riana
"Sana all na lang talaga." Sabi niya na halata ang inggit sa boses.
"Kung nagsipag ka sana kasi noon di sana wala kang back subject." Pag-sermon ko sa kanya.
"Ewan, ewan." Sagot niya na parang sasabog na ang kanyang tenga.
Nagliligpit na ako at ginawaran niya ako ng ngiti na hindi ko nagustuhan alam kong may favor na naman siya kaya itinuon ko ang paningin ko sa ballpen at notebook na nakalabas.
"Zy, baka naman pwede mo akong samahan," nagpapacute niyang sabi.
Nagkunwari akong wala akong naririnig.
"Zy sigehh na mabobored na naman ako dun wala akong kilala." Nakasimangot niyang sabi.
Hindi kasi niya gusto ang mga ugali ng mga classmates niya sa PE 103 mga 1st year ang mga ito at nagpapataasan daw sila at iyon naman ang pinaka-ayaw ni Riana dahil gusto niyang maging chill lang pagdating sa school.
"Hindi pwede, inaantok na ako gusto ko ng umuwi." Sagot ko.
"Zy sigehh na ah, ililibre kita ng milktea uhm." Pangungumbinsi niya ngunit dahil feel na feel ko ang pagod na dumadaloy sa katawan ko ay kahit libre ay inayawan ko.