Chapter 3

1986 Words
Naglalakad na ako patungo sa dorm namin at mabuti naman at di na ako kinulit ni Riana di pa naman siya nagpapatalo. Gusto ko na talagang mahiga pagod na pagod ako this week. Habang naglalakad na nakayuko ang ulo ay may biglang humawak sa balikat ko paglingon ko ay si Vam. "Mag-isa ka lang? San si Riana?" Tanong niya. "Sa school." Sagot ko na para bang wala na akong lakas para makipagusap. "Bat may klasse pa ba siya? Eh hindi ba mag klasmeyt kayo?" Sunod-sunod na tanong niya na hindi nakakaramdam. "Back subject." Maikli kong sagot. "Ah" Sabi lang niya dahil mukha namang nahalata na niya na wala na akong lakas makipag-usap. Malapit lang naman sa school ang dormitory pero dahil sa pagod ay parang napakalayo nito. Nakarating ako sa gate namin at may kotseng familiar na nakapark sa harapan namin malapit sa highway, dali-dali akong pumasok sa loob. "Baby girl." Bungad sakin ni mama na nakangiti at niyakap ako. "Okay ka lang ba? Parang matamlay ka." Tanong ni mama at sinapo ang noo ko. "Okay lang ma, pagod lang to." Sagot ko at naupo. "Kawawa naman yung baby gurl ko." Ani ni mama. "Ikaw lang ba ma?" Tanong ko, ngunit hindi pa nakakasagot si mama ay isang tinig mula sa aking likuran ang umalingawngaw dito sa sala ng dormitory. "Eto ba ang sinasabi mong maayos? Na makakapagconcentrate ka?" Galit na sabi ni daddy na hindi nakapag timpi kahit pa madami ang napapadaan. "Reynold, madaming tao huwag dito." Pagsaway ni mama kay papa. Inutusan niya akong buksan ang kwarto namin ni Ana, ayoko sana ngunit mas lalo nanaman siyang magagalit o worst pabalikin niya ako sa bahay, pagpasok na pagpasok namin at pagkasara pa lang ng pinto ay ginawaran na niya ako ng masasakit na salita. "Oh baka naman kasi iba pinaggagawa mo rito? At ni ayaw mong umuwi man lang sa bahay, malinaw naman ang sinabi ko na tuwing Saturday at Sunday ay uuwi ka." Ani niya habang nakatalikod sakin. "Naging busy po kasi ako." Sagot ko na lang. "Busy sa alin? Sa pakikipaglandian?" Harap-harapan na sabi niya. "I'm doing my best Dad para makamit yung pangarap niyo para sakin kaya huwag naman sana ninyo ako akusahan sa gawaing hindi ko ginawa." Pagsagot ko sakanya dahil hindi ko na kaya ang lumalabas sa mga bibig niya. "At sumasagot ka pa." Galit na galit na sabi niya at sinampal ako. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko o wala talaga akong nararamdaman dahil manhid na ako. Hindi naman ito yung unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay. "Next week, bumalik ka na sa bahay." Madiin niyang sabi. "Hindi Dad mananatili ako dito sa ayaw at sa gusto niyo, mananatili ako rito kung gusto mo pang ipagpatuloy ko parin na makamit ang gusto niyo. Kaya kung pwede lang po umalis na lang kayo kung wala na kayong sasabihin gusto ko ng magpahinga." Matapang kong sabi sakanya ng harap-harapan. Ginawaran niya ako ng tingin na hindi makapaniwalang sinabi ko. Akala niya siguro hindi ko kayang sagutin siya. "Tignan mo na nagiging suwail na siya Leona," pagbabaling niya kay mama, na tahimik lang na inaawat si daddy "Kausapin mo yan, kundi malilintikan talaga yan sakin." Pahabol pa niya bago lumabas. "Baby gurl, huwag mo na alalahanin ang daddy mo kami na ng mga kuya mo ang bahala sakanya, alis na kami ha magingat ka rito." Bilin niya sakin at saka ako niyakap. "Sorry ma and thank you." Sabi ko na lang at nginitian siya. "Ingat din kayo sa byahe ma." Pagbibilin ko sakanya, pag-alis na pag-alis nila ay nahiga agad ako at nagpatugtog ng music para makatulog. Nagising ako sa lakas ng boses ni Ana sa labas, napatingin ako sa orasan at gabi na pala. Lumabas ako upang tignan ang pinaggagawa nila at nakitang nagkukumpulan sila. "Ano yan?" Tanong ko kay Harry na siyang nasa harapan ko. Nagpapakahirap pa silang sumilip para lang makapanood, ganun ba ka exciting yang pinaglalaro nila. "Uno Cards." Sagot niya na nakangiti. Nacurious ako bigla dahil ngayon ko lang narinig ang laro na Uno Cards. Dahil curious ako ay nakipagsiksikan ako at nakita si Ana na focus na focus sa laro. Akala ko ba pagod to mukhang inuna pa yang laro kesa matulog. Pinanood ko sila hanggang sa nabored ako at tumalikod na. "Zy, lika rito." Tawag sakin ni Ana, papasok pa lang sana ako s kwarto. "Bakit?" Tanong ko. "Tulungan mo ako rito kanina pa ako tinatalo ng mga ito." Sabi niya sa akin na naiirita na haha ayaw na ayaw pa naman niya yung natatalo siya. May time nga na may nanghamon sa kanya sa school, galing ibang section parang minamaliit si Ana. Tapos ayon si Ana na ang naghamon na magkaroon sila ng battle. "Ayoko, kaya mo na yan." Sagot ko. "Libre kita mamaya ice cream." Pagpapayag niya sakin habang nasa mga braha ang tingin. Aba ang bruha talagang susuhulan pa ako. "Okay, paano ba yan?" masigla ko namang sang-ayon at umupo na sa tabi niya. Syempre sino bang tao ang makakatanggi sa libre,? Hindi tao yun, happy siya. Pagkalipas ng isang oras ni isang game hindi man lang kami nanalo at kantiyaw ang inabot namin sa mga kasamahan namin dito sa dormitoryo. Si Ana naman kasi hindi ginagimit yung isip, para kaming ewan na nagtatalo kung anong ihuhulog namin. "Nadaya tayo." Biglang sabi ni Ana na tumayo pa sa pagkakaupo, aatakihin ata ako sa puso nito. Ilang ulit na niyang sinabi yan, nakakarindi. Kasalan din naman niya kung bakit kami natalo. "Oo na, oo na." Sang-ayon ko na lang at pumasok na sa kwarto namin. "Paanong hindi man lang tayo nanalo, ako to, si Riana Sandoval, paano.. urghhh nakakainis." Pagmamaktol niya na nakasunod sakin, pinapadyak niya pa ang kanyang mga paa na parang bata. Binigyan ko siya ng " tumigil ka" look pero hindi siya makuha sa tingin. "Hindi kasi sa lahat ng bagay mananalo ka Ana." Pangangaral ko sakanya, gusto naman na kasi niyang laging nananalo. "Tanggapin mo na lang kasi na may mas magalang sa iyo, hindi lang ikaw ang biniyayaan ng talino." Pagpapakatotoo kong sambit sakanya na ikinangusi niya at isinubsob ang mukha sa kanyang unan. "Kahit na, hindi ko pa rin matatanggap yun urgh." Malakas ang boses na sabi niya at pinaghahampas ang unan. "Itulog mo na lang kaya kulang ka lang sa tulog, tignan mo yung mukha mo mukha ng clown hahaha." Pagpapatawa ko sakanya ngunit irap ang nakuha ko. Apaka taray talaga ng babaita na Ito ang sarap hampasin. "Sabi ko nga ako na lang matulog." Pagsuko ko na patawanin siya, paano naman kasi nakabusangot parang gorilya HAHAAHA. Pagkagising ko ay nakita kong mahimbing na natutulog ang beshy ko haha. Nagugutom na ako at napagpasyahan ko na pumunta ng 7/11 ngunit pagtingin ko sa relo ko ay 1:00 nang madaling araw. Hindi ko naman pwedeng gisingin si Ana dahil alam kong pagod siya kaya napagpasyahan ko na lang na pumunta na magisa at buti na lang hindi nakalocked yung gated "San ka pupunta?" Tanong ng lalaki mula sa dilim. "Sino ka?" Pagbabalik tanong ko dahil kinikilabutan ako. Para naman kasi siyang multo na nakatayo sa madilim na side ng dorm. "Ako to, si Gian." Sagot niya na ikinahinga ko. Balik ata kasi niyang manggulat. "Ano ba kasi ginagawa mo jan, aatakihin ako sa puso dahil sayo." Pagbibiro ko sakanya na nginisian niya. Si Gian yung tipo ng tao na hindi pala salita sa mga hindi niya kilala. Madalang lang din siyang napapatawa kaya believe na ako sa taong makakapagpangiti sa kanya. "Oh, ngumiti ka? Kitang kita ko napangiti kita." Deretsahan kong sabi sakanya. "Hindi ah, namamalikmata ka lang." Pagdedeny niya, pero hindi ako namamalik mata, kita ko talaga siyang ngumisi. "Anong hindi kitang-kita ko at malinaw ang mata ko." Pagdedepensa ko sakanya. "Saan ka ba pupunta?" Pag-iiba niya ng usapan at sinabayan ako sa pagalalakad "7/11." Sagot ko sakanya. "Samahan na kita baka mapano ka pa." Pag-aalok niya. "Nagtanong ka pa sinasabayan mo na nga akong magalakad." Aniya ko at saka tumingin sakanya. Ilang minuto ay natahimik kami, kaya tumikhim ako "Ano pala ginagawa mo sa labas?" Tanong ko, para lang may mapagusapan kami. Kasi naglalakad kami na tahimik actually hindi naman nakakapagtaka dahil ganito naman ang personality namin pareho kaya hindi na nakakapagtaka. Nagtaka ako sa pagtigil niya at pagtanggal ng jacket at mas lalong nagulat ako ng isuot niya sakin, di man lang sinasagot ang tanong ko "Aniya, okay lang ako hindi naman ako nilalamig." Sabay tanggal ng jacket niya at inabot sakanya. "Gamitin mo na lang at magpasalamat ka na lang." Sabi niya at saka tumingin sakin at ngumiti. "Salamat." Nahihiyang pagpapasalamat ko. "Wow, ang daming bituin," out of nowhere kong sabi. "Ang ganda." Naisambit ko na lang ulit dahil sa namamangha ako. "Mas maganda ka pa diyan" Bulong ni Gian sa tabi ko. "Ano sabi mo?" Paglilinaw ko ng sinabi niya dahil hindi ako sigurado sa narinig ko "Wala" Nakangiting sabi niya. "Oo na lang." Pagsuko ko. "Ganito pala yung pakiramdam no yung nagagawa mo lahat ng gusto mo, kung alam ko lang sana." Nasabi ko dulot ng simoy ng hangin na yumayakap sa aking katawan at nagbibigay ito ng gaan sa pakiramdam. "Bakit? Ano ba pumipigil sayo upang gawin ang gusto mo?" Tanong niya. "Marami." Sagot ko na ayokong ispecify. "Kung sino at ano man yang dahilan mo subukan mong bitawan at yun ang makakapagpalaya sayo." Pagcomfort niya sakin. "Sana ganun lang kadali." Nasabi ko na lang at nauna nang naglakad dahil ilang hakbang na lang ay nasa harapan na kami ng 7/11. Pumipili ako ng cup noodles dahil naisipan kong magfood trip na lang kami ni Ana at kumuha na rin ako ng mga titserya. Kumuha ako ng roller coaster, nova, piatos at saka criss cross, mahilig kasi kaming pareho ni Ana sa junk foods, kumuha na din ako ng one liter na coke. "460 po lahat ma'am." Sabi ng staff kaya inabot ko naman yung 500 at pagkakuha ko ng binili ko at sukli ay lumabas din ako agad. "Zy!" Pagtawag sakin mula sa madilim na parte sa gilid ng 7/11 napatingin ako at nakitang nakaupo room sina Vam kaya kumaway ako at nginitian sila. "Magisa ka lang?" Tanong sakin ni Vam na nakalapit na sa akin. "Hindi may kasama ako." Sagot ko naman sakanya. "Sino?" Pagaalam niya sa kasama ko. "Si Gian, nasa labas kasi siya ng gate kanina kaya sinamahan na ako." Sagot ko naman. "Hintayin niyo na kami pauwi naman na kami." Sabi niya at tinawag ang mga kasama para umuwi na. Naglalakad na kami pauwi habang nasa kaliwa ko si Yuan at Casper tsaka sa kanan naman ay si Gian at nasa likod si Vam, Zack at Dan naglalaro ata ng ML. "Kamusta?" Biglang pagsasalita ni Yuan. "Okay lang naman, Ikaw ba little boy?" Pag-aasar ko sakanya. "Little boy? May gatas ka sa labi Yuan, punasan ko." Sabi naman ni Dan na mas lalong ikinainis ni Yuan kaya ayon naghahabulan sila, nakakatuwa talaga sila. "Sino sila?" Tanong ni Gian na napakatahimik sa kaliwa ko. "Barkada nina Vam, nakainuman namin noong birthday ni Zack, ba't nga pala wala ka nun?" Pagtatanong ko sakanya. "Pinauwi ako samin." Sagot niya. "Ang cute nila no? Parang walang dinadalang problema." Sabi ko sakanya na naaliw sa dalawa. "Hindi naman ibig sabihin na masaya sila ay wala ng dinadalang problema malay natin hindi lang nila dinadala pagmayroon silang kasama pero pagmagisa na hindi na natin alam kung ano tumatakbo sa isipan nila." Malungkot na turan niya na ikinatigil ko. Pinagmasdan ko ang kanyang likod habang nauuna siyang maglakad, ano naman kaya ang kwento mo tanong ko na lang sa aking isipan. "Zy, Zy, Zy!" Pagtawag sakin ni Zack. "Bakit?" Tanong ko. "Tulala ka jan, nakalayo na mga kasama natin" Sabi niya at sabay turo sa mga kasama namin na malapit na sa gate Ng dormitory namin. "Wala, wala, tara na" Sabi ko na lang at nauna nang maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD