Pagkapasok ko sa dorm mukha ni Ana na nagaalala ang nakita ko "Saan ka ba nagpunta? Hindi ka man lang nag-iwan ng sulat akala ko kung napano ka na madaling araw pa naman. Sa susunod Zy gisingin mo na lang ako para may kasama ka." tuloy-tuloy na sabi niya habang kinakapos na ng hininga.
"May kasama naman ako." pangangatwiran ko.
"Kahit na." sagot niya na frustrated parin sa ginawa kong pag-iwan at hindi pagpapaalam sakanya.
"Oo na, sorry na Ana." paglalambing ko sakanya.
Matapos na pakalmahin si Ana ay hinanda ko na ang mga binili ko at niluto na ang cup noodles at saka kami kumain.
Kinubukasan, dahil saturday naman ay kailangan na naming maggrocery dahil ubos na ang laman ng refrigerator namin at oo dormitory itong tinitirhan namin pero parang mini apartment style siya dahil binayaran namin ni Ana ang buong kwarto at nagdala kami ng mini ref. dahil sa hindi kami sana'y na umiinom ng warm water.
"Gusto ko ng apple at orange." mungkahi ni Ana na sinang-ayonan ko naman, nag-okay sign na lang ako at kumuha na nga siya ng 20 pcs. na apple.
"Magluto tayo ng pinakbet." sabi niya at bumili na ng mga kailangan at kung ano-anu pa ang binili niya wala naman akong maisip na lulutuin namin kaya hinayaan ko na lang siya.
"Sinigang na baboy" masigla na sabi na naman niya kaya bumili na kami ng gabi at umbok saka kamatis at sitaw at saka kami pumunta sa pamilihan ng mga karne.
Pagkatapos naming bumili ng karne ay nagpunta na kami sa pure gold para bumili ng mga frozen foods. Habang naglalakad kami patungong puregold ay nakasalubong na naman namin sina Vam.
"Ginagawa niyo rito?" tanong ni Ana.
"Napadaan lang kami, may bibilhin daw sila Zack." sagot ni Vam, at naghi naman sina Yuan at Casper kumaway naman ako pabalik. King hindi ko lang talaga alam na magkaibigan sila iisipin kong magkapatid sila.
"San ba punta niyo? Samahan na namin kayo." turan ni Vam at kinuha ang bitbit ni Ana aba'y dumadamoves ang lolo niyo hahahha. Kinalabit ko siya at inasar at ang lolo niyon nagblush.
"Sa puregold, bibili lang kami ng frozen foods." sagot ni Ana na nagtitipa sa kanyang cellphone.
Nagtungo na kami sa puregold at kinuha naman ni Zack sakin ang bitbit ko, medyo mabigat naman kasi yun kaya nagpapasalamat talaga ako. Sa likuran di kalayuan samin ay nakasunod sina Casper at Yuan at yun nagbabangayan na naman, mukhang inaasar nanaman ni Casper si Yuan haha ang cute talaga nila.
"Wala na kayong bibilhin maliban sa frozen foods?" tanong ni Vam.
"Wala na, ikaw ba Zy may gusto kang bilhin?" tanong ni Ana sakin.
"Snacks" sagot ko na ikinalaki ng mga mata ni Ana, nakalimutan niya ang pinakafavorite niya sa lahat kapag naggrogrocery kami hahahaa.
Nagtungo na sila sa mga frozen area habang ako at sina Casper at Yuan ay sa snacks section. Nagprisinta silang samahan ako kaya hinayaan ko na sila. Si Yuan ang may hawak ng basket at nasa likuran lang sila nagbubilungan pero di ko maintindihan.
"Ate Zyra, may gagawin ka daw ba bukas? Tinatanong po ni Yuan." biglang bulong sa akin ni Casper.
"Wala naman, bakit?" turan ko at tumingin sakanya at nakita kong masama ang tingin na iginagawad ni Yuan kay Casper habang si Casper ay nangingiti at may pasayaw-sayaw pa kaya natawa na lang ako sa mga inaasal nila.
"May practice daw po si Yuan bukas baka gusto niyo po siyang panoorin." Baling niya sakin at ngumiti nang nakakaloka. Tinutulak niya sa harapan ko si Yuan habang si Yuan ay pinandilatan naman siya ng mata pero di nag-papigil si Casper.
"Wala po kasi akong kasama kaya inimbitahan ko si Casper at wala daw kasama si Casper kaya sinuggest ko na yayain ka." pagliliwanag ni Yuan.
"May pupuntahan din kasi sina Vam, Zack at Dan." pagpapatuloy niya sa sinabi niya.
"Sigehh ba, what time ba?" tanong ko.
"10:00 AM po ate." si Casper na ang sumagot dahil mukhang nahihiya pa din si Yuan, ang cute talaga haha.
Natapos na sa pagbabayad sina Vam at Ana kaya lumabas na kami sa grocery store at naghanap kami ng tricycle. Pagkatapos kaming ipasakay ay saka lang sila umalis at umuwi naman na kami ni Ana.
"Hi ate." pagbati ni Casper na kararating lang, tumingin-tingin pa ako sa likuran niya.
"Hellow, magisa ka lang?" tanong ko dahil hindi niya kasama si Yuan na siyang panoorin namin.
"Si Yuan ate, nauna na." sagot niya na tinanguan ko at tumulak na kaming school.
Pagkarating namin sa school nakita na namin si Yuan kasama ang mga ka team niya at mula sa mga nakahilera ay namataan ko si Gian.
"Kasama pala siya sa Varsity team ng school." naisambit ko.
"Sino ate?" nahihiwagahan na tanong ni Casper.
"Yung kadorm namin, kasama pala sa Varsity." sagot ko na tinanguan lang niya.
"Ate, seryosong usapan." biglang sabi ni Casper na nakaagaw ng attention ko ng makaupo na kami.
"Napapansin mo naman po siguro na may gusto sayo si Yuan." aniya.
"Medyo, bakit?" tanong ko dahil gusto kong malaman kung ano ang ipinapahiwatig niya.
"May pag-asa po ba siya?" straight forward na tanong niya.
"Living this life is enough kaya for now ayokong pumasok sa isang relationship na alam kong hindi ako handa. Things are tough for me and I didn't want to drag someone on my messy life." lintanya ko habang nakatingin sa mga players na nagwawarm up.
"Then stop his feelings to grow. I didn't want him living a miserable life again not now that his regaining his happiness." malalim na lintanya ni Casper.
"Reject him, I may not have the right to say what I am saying but I am worried of what he may become again if things will repeat. He's too weak and I didn't want may bestfriend to look vulnerable again after bringing his self back." sabi niya na mahahalata sa boses niya ang pagaalala.
"How can I reject him if he didn't even confess but don't worry I'll distance myself and just remind him that I can only be friend with him." turan ko na tinanguan niya.
Natahimik kaming dalawa at nakatuon ang atensyon kay Yuan na naglalaro na at nang maglandas ang aming mga mata ay kumaway ako sakanya na ikinangiti niya.
I gesture a fighting on him and he responds with thumbs up. He's kind and pure, I hope he find the girl he deserve, a girl who will truly love her and not make him miserable just like of what he experience as Casper said.
Nakalimutan namin bumili ng tubig kaya nagprisinta na lang si Casper na siya na ang bibili dahil nauuhaw na din ako. Pagkaalis ni Casper ay siya namang pagpaparinig ng mga babae rito sa tabi ko.
"Sino ba siya ni Yuan?" Usyosong tanong ng isa sa kasama niya.
"Ewan, napakaimpossible naman na girlfriend niya yan." Sagot naman ng isa.
Hindi ko sila pinansin dahil hindi naman ako palengkerang babae na basta basta na lang pumapatol sa mga nangiinsulto sa akin.
"Mas lalo namang hinding hindi kayo magiging girlfriend ni Yuan," nagulat ako sa boses ni Casper na pinagsasalitaan ang mga babaeng chismosa sa tabi.
Hindi sila sa sumagot kaya inawar ko na si Casper baka makipag-away pa kalalaking tao.
"Pagpasensyahan mo na napakarami kasing nagpapantasya sa kaibigan ko." Mayabang na pagmamalaki niya sa kaibigan na tinawanan ko.
"Okay lang, hindi naman ako mahilig pumatol sa mga taong kagaya niya." Sagot ko na ibinulong ko ang huli.
"Tubig mo pala." Sabat abot niya ng tubig ko at saka na namin itinuon ang atensyon kela Yuan na naglalaro na.