Natapos ang game at nanalo ang team nila Yuan, ginawaran ko siya ng ngiti ng tumama sa akin ang kanyang mga mata.
"Tara na sa baba." pag-aya ni Casper, nasa hagdan kami ng nakasalubong namin si Gian.
"Hi." Pagbati niya habang nakasukbit ang bag sa balikat niya. Bagay na bagay sa kanya ang jersey ng team nila.
"Hello, nice game." pagkausap ko sa kanya dahil ang team nila ang kalaban nila Yuan.
"Salamat, san punta nyo?" tanong niya, ever since nagdodorm ako ay siya yung tao na hindi ako naiilang na kausap at ako naman ang lagi niyang pinapansin sa dorm at masasabi kong magkaibigan kami sa ibang paraan.
"Oo nga, saan tayo?" tanong ko kay Casper ng marealize ko na wala akong alam kung saan kami magtutungo. Wala pa naman kasing binabanggit sa akin sina Casper, ang sabi lang manonood kami game ni Yuan.
"Sa Plaza Burgos." sagot naman ni Casper.
"Sama ka?" Aya ko sa kanya.
"Okay lang ba Casper?" ngiti kong pagtanong sakanya, respeto na din sa kanila baka hindi sila sana'y makisalamuha sa kapwa namin tao, kagaya namin ni Gian.
"Oo naman, tara na hinihintay na tayo ni Yuan sa baba nababagot na rin yata." sabi niya at tama nga siya dahil kakalmot-kalmot si Yuan sa batok niya habang weird na ngumingiti na nakatingin samin.
Naglakad na kami patungo sa paradahan ng tricycle at sumakay. Sa loob kami sumakay ni Gian at sa likod ng driver naman sina Yuan at Casper dahil ayaw na nilang kumuha pa ng ibang tricycle.
"Kamusta?" tanong niya at tumingin sakin na para bang sinusuri ang aking magiging reaksyon. Napatahimik ako saglit at nag-isip ng sisasagot ko, ewan ko nga kailangan pa bang pag-isipan ang isasagot sa tanong niya. Simple lang naman iyong tanong niya ba't ko pa pinapaklomplikado.
"Gaya parin naman dati, minsan akala ko nakakulong ako at minsan naman ramdam kong malayang-malaya ako." sagot ko na hindi tumitingin sa kanya dahil maaaring tumulo ang mga luha ko sa oras na mag-landas ang aming mga mata. Napakababaw talaga ng luha ko, kahit nga nanonood lang ako ng mga drama simpleng pagtatagpo lang ng magkapatid na nawalay ng ilang taon naiiyak na ako. Paano na lang kung ako ang nasa posisyon nila baka bumagyo na ng luha.
"Normal lang yan, kailangan mo lang masanay." tugon niya na.
Napabuga na lang ako at napapatanong sa aking sarili na "Hanggang kailan?", "May katapusan pa ba itong mga pinagdaraanan ko?" pero kahit minu-minuto, oras-oras at araw-araw ko tanungin ang sarili at ang ibang tao wala parin akong makukuhang sagot. Tanging panahon lang talaga siguro ang may sagot sa tanong ko.
"Ano ba naman yan ang gaan-gaan kanina ng hangin ikaw kasi kung ano-ano inuumpisa mong topic." sabi ko sa kanya ngunit wala akong nakuhang sagot hanggang sa makarating kami sa Plaza Burgos.
"Anong gusto niyong kainin?" tanong ni Casper na tumitingin sa mga pamimilian namin kung saan kakain.
"Kahit ano na lang." sagot ni Yuan.
"Gusto kong ng empanada." turan ko dahil may nakita ako sa bandang kaliwa namin na kumakain ng empanada. Matagal-tagal na din kasi akong di nakakain ng empanada, halos mag-iisang taon na kami rito ni Ana pero hindi pa kami napapadpad dito sa empanadahan.
"Ikaw?" tanong ko kay Gian dahil hindi siya nagsalita.
"Empanada na din." sabi niya kaya napagkasunduan namin na sa empanada food stall na lang kami kumain.
"Casper nga pala bro, nakalimutan nating magpakilala sa isa't isa." sabi niya sabay abot ng kamay.
"Gian." tugon niya at inabot ang kamay ni Casper at nakipagkamayan din kay Yuan ng banggitin nito ang pangalan.
"Roommates niya sina Vam at Zack." dagdag ko sa sinabi ni Gian.
Nangibabaw ang katahimikan sa aming lamesa, habang katabi ko si Gian, si Casper at Yuan naman ang magkatabi. Ilang minuto din ay hindi nakatiis si Casper kaya kinukulit niya si Yuan.
"Sa wakas." Sambit ni Casper ng ihain sa amin ang inorder namin.
"Gutom na gutom na naman mga alaga mo." litanya ni Yuan at saka tinapik ang tiyan ni Casper.
"Bro, that's what I am living for, for my tummy." banat naman ni Casper sa sinabi ni Yuan.
"They are like a kid." pambasag ni Gian sa katahimikan na namutawi sa pagitan namin kanina pa.
"Bata pa naman talaga sila." sabi ko naman saka tumingin at ginawaran siya ng ngiti.
"I hope those innocent minds and hearts of them never change even though the world is too cruel." makahulugan na usal ko at pinagmasdan sila. Kung ako ang ate nila hinding-hindi ko sila hahayaan na masira ang kanilang sarili, dahil alam ko kung gaano walang patutunguhan ang buhay kung sirang sira na ang iyong sarili.
"Hindi sila matututo kung hindi sila nagbago, that's life." Aniya ni Gian.
"Oo nga, pero gusto kong protektahan sila at panatilihin ang kung sino man sila ngayon." usal ko na para bang nagmamakaawa na sana hayaan ako ng maykapal na gawin yun.
"Protektahan mo muna ang sarili mo bago mo gustuhin na protektahan ang ibang tao." diretsahan niyang sabi habang nakatingin sa aking mukha.
"Mahina ba ako?" tanong ko at tumitig sakanya, nagiwas naman siya ng tingin mahina nga talaga ako.
"Oo, sa tingin ko ikaw yung kailangan nilang protektahan." Pagpapakatotoo niya.
Napatahimik ako, hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin ko sa kanya gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. All this time, ang akala ko matatag ako ni minsan walang nagsabi sakin na mahina ako, si Gian lang talaga at sa puntong patulo na ang mga luha. Sabi ko sa inyo eh ang babae talaga ng luha ko.
"Anong nangyari sayo?" biglaan na tanong ni Yuan na nagpatigil sa bangayan nila ni Casper.
"Bakit ka na iiyak?" dugtong niya pa.
Napatingin si Gian, hindi nahalata ni Gian kasi nasa pagkain na ang atensyon niya ng banggitin niya ang huling mga sinambit niya. Umiling ako para iparating sakanila na okay lang ako, ayokong magsalita muna dahil sa oras na ibubukas ko ang bibig ko mas lalo lang magsisituluan ang mga luha ko. Hinintay kong kumalma ang loob loob ko at saka tumingin sa kanila na sa akin parin ang tingin.
"Napuwing lang ako." pag dadahilan ko na lang at mukhang nahalata naman nila na ayaw kong pag-usapan pa.
Pagkatapos naming kumain ay nag-aya na akong umuwi dahil sa hindi ko malimutan ang sinabi ni Gian. Pagpasok ko sa kwarto namin ni Ana nadatnan ko siyang nag aayos nang mukha, may lakad yata.
"Saan punta mo?" tanong ko sa kanya at hinayaan ang aking katawan na tumilapon sa malambot na kama.
"Nagyaya si kuya manood ng sine, narito siya sa Vigan may tinitingnan na lote." pagkukuwento niya.
"Ana." pagkuha ko sa atensyon niya habang nakatitig lang ako sa kisame.
"Bakit?" sabi niya na tumigil pa sa ginagawa niya at tumingin sakin.
"Mayroon nagsabi sakin na mahina ako." pagkukuwento ko sa kanya saka ako bumunting hininga
"Ano naman ngayon?" naguguluhan na sabi niya.
"Ewan ko, sobra akong naapektuhan sa sinabi niya." usal ko at saka isinubsob ang mukha sa unan.
"Lahat naman kasi tayo mahina Zy, may mga pagkakataon at pangyayari lang talaga na nagpapalakas sa atin." makabuluhang sabi niya.
"Okay lang maging mahina, ang hindi okay ay sumuko ka dahil sa mahina ka." pangangaral niya sa akin.
Natahimik ako at inisip ng mabuti ang mga sinabi ni Ana pero buntong hininga pa rin ang ang nakuha ko sa pag-iisip. Ayoko, ayokong maging mahina dahil pakiramdam ko hindi ako mabubuhay pag naging mahina ako.
"Huwag mong gawing komplikado ang mga bagay-bagay Zy, pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Bye, alis na ako huwag mo akong hintayin para sa hapunan kakain na kami ni kuya sa labas" litanya niya bago umalis.
Monday na naman kay bilis ng araw ilang weeks na lang hell week nanaman.
"Tapos niyo na yung projects?" tanong ni Ana sa tabi ko habang kami ay naglalakad. Maaga kaming pumasok ngayong dahil may reporting kami at oo magkagrupo kami ni Ana.
"Yung recommendation na lang ang hindi pa tapos, kayo?" balik na tanong ko.
"Wala pa kaming nagagawa, naiinis na ako sa mga kagrupo ko chill-chill lang sila." sabi niya habang nakabusangot. Ganyan si Ana, matalino siya pero hindi yan gagalaw kung hindi nakikisama ang mga kagrupo niya pagdating sa group activities or projects.
"Ikaw na lang kasi gumawa para di ka madamay sa katamaran nila." mungkahi ko na ikinakunot ng kanyang noo.
"Ano sila sineswerte nek nek nila." Mataray niyang sagot, tinawanan ko na lang siya ang daming tao pero makaasta parang bata.
"Ang sabihin mo tinatamad ka rin." sabi ko at natawa.
"Siguro." nakanguso niyang sabi.
Nakarating kami sa room at wala pa naman si Sir Villa na nagsabing dapat maaga kaming pumasok para maaga kaming matapos. Nagcecellphone ako habang si Ana ay nakikipagchikahan sa mga klasmayte namin.
"Hinay-hinay nga lang kayo ni Zyra." narinig kong sabi ni Trina kay Riana na tinutukoy niya ay tungkol sa klasse namin. Ilan lang kasi hindi namin nakukuhang tama sa exam at quiz namin lalo at mahirap gumawa ng exam ang mga instructors namin.
"Beh, born to be genius kasi kami nitong bff ko." mayabang naman na sagot ni Ana, kahit kailan talaga tong babaeng na ito. Kinindatan niya ako kaya inirapan ko siya pabalik.
"Paano naman kami, maawa naman kayo teh." naglulungkutan naman na usal ni Shane.
"Magsipag kasi kayo." pangaral ni Ana na ikinatawa ko, sinamaan ako ng tingin ni Ana dahil napalakas ata nang pagtawa ko at nagpeace sign na lang ako.
Huling klasse na namin at tapos nang magklasse si Sir hinihintay ko na lang ang class mayor kung mayroon ba itong announcement. Mula sa di kalayuan ay pinagmamasdan ko si Ana na nakikipagbordagulan sa mga kaklase namin.
"Sana kagaya ko rin siya." Hindi ko napigilang isambit.
Hindi ko alam kong tinatamad lang ako minsan magsalita o ganito lang talaga personality ko, minsan tahimik, minsan maingay.
"Tulala ka, tara na.." Pag-agaw sa atensyon ko ni Ana.
Nang makarating kami sa dormitory ay namataan namin ang mga kaibigan namin na nagvivideoke, napatakbo si Ana.
"Zyra, tara shot." pag-aya sakin ni Freya.
"Bihis lang ako, ano bang occasion?" kuryoso kong tanong dahil nakakapanibagong may videoke.
"Birthday ni Tita." sagot naman niya.
Pumasok na ako sa kwarto namin upang makapagbihis, si Ana naman umupo na sa mesa kinuha ko na lang ang bag niya. Paglabas ko ay sakto naman ang pagbaba ni Gian.
"Hi." bati niya.
"Hello, saan punta mo?" tanong ko dahil sa pormahan niya ngayon.
"Sa harapan, diba birthday ni Tita?" kunot noo niyang tanong.
"Oo, akala ko kasi may lakad ka dahil sa pormahan mo." sabi ko, lunes kasi at uniporme ang gamit namin ngayon hindi kami papapasukin kong nakafree dress kami.
"Galing kasi ako sa bahay kanina pagkatapos ng klasse namin." sabi niya.
Nasa hallway pa lang kami ay nangingibabaw na ang boses ni Ana.
"Paano kayo naging magkaibigan ni Riana? Sa magka-iba kayo ng ugali, napakaimpossible." napapantastikuhan na sabi niya.
"Ikaw na nga nagsabi, magka-iba kami nang ugali, at dahil sa magka-iba naming ugali naging magkaibigan kami." nakangiti na turan ko habang iniisip ang lahat nang mga pangyayari sa buhay ko mula noong nakilala ko si Riana.
"Siya yung tipo nang tao na hinding-hindi matatagihan nang kahit na sino, kahit ako pa na tahimik lang at may ibang mundo." pagkukuwento ko sa pagkatao ni Ana sa pagkakakilala ko sa kanya.
"You too are good friends." pagkompliment niya sa pagkakaibigan namin ni Ana.
"Maybe because she may have too many friends I am still her close among them all. She's also may only close friends." lintanya ko at binilisan na ang paglalakad.