Chapter 6

1999 Words
"The two are here." sigaw ni Ana nang kami ay matanaw niya. Ilang minuto ko lang siyang iniwan tapos ngayon may pasayaw-sayaw . "Bakit sabay kayo? Nag sariling mundo kayo no?" Pagaakusa samin ni Ana na may kasamang tukso. Ang sarap niya sabunutan, baliw talaga to kahit kailan hindi mapipigilan ang sarili pagdating sa alak. "Umiiwas atta ang dalawang to sa inuman." Segunda naman ni Sean sa sinabi ni Ana. Naghiyawan naman sila dahilan upang tumingin ako kay Gian na seryoso lang ang mukha. "Ilang minuto lang akong nawala Ana lasing ka na." Busangot na sabi ko at saka pinagpapalo ko siya, aray siya ng aray pero hindi ko pinapansin. "Shot puno kasi, ipasok mo na siya sa kwarto niyo." Sabi ni Vam na halatang concern kay Ana, tinukso ko naman siya at sinenyas na buhatin mo na at ihatid sa kwarto. Pero ang bakulaw tinalikuran lang ako tumungga ng isang baso na puno ng alak. Inalalayan na namin ni Gian si Ana dahil hindi ko makukbinsi si Vam "Gusto ko pa, kaya ko pa 10 rounds pa." Pangungulit samin ni Ana kaya binatukan siya nagreklamo pa siya kaya binigyan ko ulit siya ng batok. "Lasing ka na, tama na." Di ko pagsang-ayon sa sinabi niya at kinaladkad papasok sa kuwarto habang nakaalalay naman sa likuran si Gian. Hindi pa rin tumigil si Ana at sabi parin nang sabi na kaya pa daw niya at 10 rounds pa daw. Talaga tong babae na ito nawawala ang tino kapag alak ang dumaloy sa katawan niya. Kung maari nga lang ay hindi ko siya hinahayaan umiinom ng hindi ako kasama kung ano-anu kasi lumalabas sa bibig niya at napakalikot niya. "Palagi ba siyang ganiyan, kapag nakainom?" Tanong ni Gian na nakaupo sa couch habang kinukumotan ko naman si Ana. "Yup." Sabi ko at na kay Ana ang atensyon ko. Minsan talaga hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mukha niya. Dahil sa matangos na ilong niya at mahabang mga pilikmata niya. Para nga siyang anghel sa paningin ko, ang gaan sa pakiramdam kapag pinagmamasdan mo siya. "Buti hindi ka napapagod?" Buntong hininga na tanong niya na ikinatingin ko. "Hindi naman, di rin naman kasi siya napapagod sakin." Litanya ko at tumingin sakanya. Ilang beses na din akong inalagaan ni Ana at ni minsan hindi siya nagreklamo kapag okay na ako. "Bakit mo naman natanong? Ikaw ba napagod ka na ba sa pag-aalaga sa mga taong mahalaga sayo?" Kuryoso kong tanong, hindi naman siya magtatanong kung wala siyang pinaghuhugutan. "Just wondering." Walang kabuhay-buhay na usal niya. "Mahaba pasensya natin kapag mahalaga ang isang tao sa atin. At nagiging ibang tao tayo sa harapan nila para bang gusto lang natin maging mabuti sakanila." Nakapikit na sabi ko sakanya habang may mga namumuong mga luha sa mga mata. Ayan nanaman ang luha ko kahit kailan talaga panira. "Kahit na nahihirapan ka na?" Malungkot na tanong niya. Wala akong masagot, hindi dahil hindi ako sigurado sa pasya ko kundi dahil naawa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong meron kay Gian at ipinaparamdam niya sa akin kapag nagsasalita na siya na hindi ako isang bato, kundi isang tao na nasasaktan. "Hindi mo naman kailangan isakripisyo ang sarili mo para sa kanila, huwag mong iaalay ang buong pagkatao mo para sakanila. Hayaan mo silang tumayo sa sarili nilang paa at lampasan lahat nang ibabatong pagsubok sakanila." Mahabang turan niya na tumusok nanaman sa natutulog kong puso. "They are important to me so I'd rather give them the freedom and happiness as long as I can." Sinabi ko sakanya na hindi man lang inaalis ang mga mata ko sa mga mata niya. "But…" pinutol ko na ang kanyang sasabihin dahil sa masakit talaga siya magsalita tagos na tagos sa puso ko at hindi ko maikakailang tama siya, sa lagay na to kinakawawa ko na ang sarili ko. Hindi minsan man ay kinaawaan ko ang sarili ko sa pag-aalay ko ng oras para sa mga taong mahalaga sa akin. Siguro nalulungkot ako sa mga nangyayari sa akin pero hanggang doon na lang iyon. "Pagod ako Gian, please don't start with me." Pagpapakatotoo ko sakanya. Masakit din kasi manakit ang mga salita niya ang hirap kalimutan para bang may pandikit itong rugby. "Hindi naman ako nakikipag-away sayo." naguguluhan niyang sabi at saka ngumuso. "Oo, pero ako konte na lang aawayin na kita." mahinahon parin na sabi ko. Hindi na siya nagsalita muli at nagpaalam na lang at nahiga na rin ako. "Goodnight." pahabol niyang sabi bago isara ang pinto. Nagising ako at binuksan ang bintana at ang bumungad sa akin ay ang tunog na nagagawa nang ulan. It was such a nice day to sleep. "Ang lakas nang ulan, may bagyo ba?" hihikab-hikab na tanong ni Ana. "Ewan, pero walang pasok." sabi ko habang nakatingin sa phone ko at binabasa ang update sa page ng school namin. "Di mabuti, makakatulog ako maghapon." masayang litanya ni Ana. "I'll cook noodles, anything you want to eat?." pagtatanong ko sakanya. "Nissin, with extra spicy." nakangiti na sabi niya at nag okay sign naman ako at kinuha ang lulutuin ko saka nagtungo na sa kusina. Pagtapak ko sa labas ng kwarto namin ay narinig ko na ang ingay sa kusina. At di nga ako nagkakamali dahil naroon ang mga nakatira sa room 10, sina Vam. "Ang ingay niyo kahit lakas nang ulan naririnig boses niyo sa sala, nakakarindi." Reklamo ko sa kanila. Napatulala ako sa lababo ng makita kong para itong nabagyo. Napakaraming hugasin ang nakatambad kaya napatingin ako sakanila. "Sainyo lahat to?" Tanong ko at tumango naman sila at nakita ko ang pagtawa ni Zack na parang normal na sakanila ang napakaraming hugasin "Sowie, sowie." paghingi ng tawad ni Zack habang naka peace sign at ginaya naman siya nang mga kasama niya. "Si Riana? Di pa gising?" pagtatanong ni Vam sa nagugustuhan niya, di pa kasi umamin. Kapag di ako makatiis talagang itutulak ko siya kay Ana. "Sa kwarto, pakainin mo raw tinatamad." kantyaw ko sa kanya habang nagpapakulo na ng tubig "Pinagsasabi mo Zy." Sabay bato niya sa akin sa papel na nasa harapan niya. Pinandilatan ko naman siya dahil sa ginawa niya. "Lakas ng loob batuhin ako, gusto mo I bad mouth kita kay Ana? Sasabihin kong babaero ka." pangblablackmail ko sakanya. "No madam, sorry po." Sabi niya, yan serve you galunggong hahaha. "Good, dapat ganiyan maging mabait ka sakin, maliwanag?" paglilinaw ko sakanya sa pagtrato niya dapat sakin dahil ako lang naman ang kaibigan nang minamahal niya HAHAHHA. "So, totoo nga? May gusto ka kay Riana?" tanong ni Terrence na nakatingin kay Vam at pati sina Zack at Gian ay nakatuon na rin ang atensyon kay Vam na masama ang tingin. Hindi siya sumagot kaya mas lalo siyang kinantyawan ng mga kaibigan maliban na lang kay Gian na ngumingiti-ngiti lang. "Noodles lang kakainin niyo?" tanong ni Zack. "Yah" sagot ko. "Tinatamad na naman siguro kayo." sabay naman ni Vam. "Nope, nag crave lang kami total perfect kaya ang sabaw pag umuulan." depensa ko. "Makisabay na tayong kumain sa kanila." sabi ni Vam at sumang-ayon naman sila ngunit nakatanggap na naman ulit nang kantyaw si Vam. Natapos na ang niluluto nila at dito kami sa kwarto namin ni Ana kakain, malawak naman ang espasyo ng kwarto namin kaya makakagalaw kami ng maayos. "Ano to?" tanong ni Ana habang binubuksan ang kaldero na pinaglalagyan ng ulam na luto ng mga boys. "Sinangag." sagot naman ni Vam. Hindi na sumagot si Ana at tinikman na niya ang sinangag, ang asim ng mukha niya nang matikman ang ulam. "Ang sarap, sino nagluto?" tanong niya na nakatingin sa mga boys. "Si Vam." sabay na sagot ni Zack at Terrence at tinuro pa nila si Vam. Si Vam naman ay sinenyasan na manahimik silang dalawa, natatawa na lang ako maging si Gian dahil sa reaction ni Vam. "Magaling ka pa lang magluto, lutuan mo nga ako sa susunod, I like it. Tamang-tama lang yung asim at alat." pagpuri ni Ana kay Vam. "Ehem, ehem." kantyaw ko kay Vam na mahina lang dahil siya ang katabi ko sa right side at si Gian naman sa left side. Habang ang mga kaibigan ay nagiwas ng tingin dahil sa masamang tingin sa kanila ni Vam. Pagkatapos naming kumain ay sila na ang naginsist na maghugas ng mga pinggan na pinagkainan namin. Busy ako sa pag cellphone ng biglang tumawag si papa. "Come home, right now." Maawtoridad niyang sabi. "Malakas ang ulan Daddy, hindi ako makakauwi." Madiin kong sagot. "Huwag mo akong masagot-sagot," galit na ang tunog ng pananalita niya. "Huwag na huwag mo akong sinusubukan Zyra Quincy." Nakakakilabot na sabi niya pero hindi ako nagpatinag. "Daddy, I'll go home when the rain stops." Pakiusap ko sa kanya. "But I said go home right now!" Sa mga oras na sinambit niya ito ay mas lalo akong nanghihina dahil baka ang mommy ko nanaman ang pagbabalingan niya nang kanyang galit. Pagkababa niya nang phone ay agad kong kinuha ang cellphone ko at wallet. "I need to go home." Pagpapaalam ko kay Ana. "Bakit? May emergency ba sa bahay niyo? Ang lakas ng ulan." Pag-aalala ni Ana. "Wala, pinapauwi lang ako ni Daddy." Lagsabi ko ng totoo sa kanya dahil wala namang rason para itago ko sa kanya. "Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang? Baka sakaling tumila na ang ulan bukas." Pakiusap niya. "Galit na Galit si Daddy Ana at ayokong si Mommy ang puntiryahin niya kapag hindi ako umuwi." Pagpasasabk ko sa kanya kung ano ang pwedeng gawin ni daddy. "Tapos sayo naman siya magagalit, paano kung masaktan ka niya?" Tanong niya. "As long as I have may Lolo and Lola he will never hurt me." Pagaasure ko sa kanya para hindi na siya mag alala. "I'll be back." Sabi ko sa kanya at lumabas na ngunit sinundan niya ako. "Magtext ka pag nakarating ka na sa bahay niyo." Saad ko, sa Abra ang tungo ko dahil may kailangan na asikasuhin sina mama at papa Kaya ilang buwan na din silang naninirahan sa Abra. Nasa harapan na kami nang aming tinutuluyan nang makita namin ang grupo ni Gian napatingin sila samin at nagtatanong ang ipinukol nilang tingin. "San punta niyo?" Tanong ni Terrence. "Pinapauwi si Zy ng daddy niya," mahihimigan pa din sa boses ni Ana ang pag aalala. "Sabi ko sa kanya na kung pwede bukas na lang, malakas pa naman ang ulan." Dugtong niya. "Oo nga Zy baka kung mapano ka pa sa daan." Segunda naman ni Vam. I really appreciate how they cared for me, I'd never think back then that I could find friends that would truly be true to me. "Don't worry guys, I'll be fine and thank you for the care." Sabi ko sa kanila at ginawaran sila ng ngiti. "Kung hindi ka namin mapipigilan, ihahatid na lang kita." suhestiyon ni Gian at pumasok sa loob upang kunin ang kanyang susi. "Sasama ako." sabi ni Riana at maging ang iba ay gusto rin sumama Merong kotse si Gian at may kaya naman ang pamilya nila hindi ganun karangya pero naiproprovide ng mga magulang niya lahat ng gusto niya at dalawa lang kasi silang magkapatid at siya ang bunso ang ate niya ay nakapagtapos na ng kolehiyo. "Gian hindi na," pasigaw na sabi ko dahil nakalayo na rin siya. "Kaya ko naman kasing umuwi mag-isa." Pakiusap ko kay Riana upang hindi na nila ako samahan ngunit wala akong nakuha na sagot sa kanya. "Ana sigeh na hayaan mo na ako, promise mag-iingat talaga ako at magtetext bawat five minutes." Pursigido kasi talaga akong umuwi na mag-isa ayoko na silang madawit pa sa kaguluhan na dulat ng Ama ko. "Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sayo sa daan Zy kaya huwag ka ng makulit dahil sasamahan ka namin." Madiin na sabi ni Ana. "Yun na nga Ana hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa daan kaya nga ayoko na kayong isama." Pangpupumilit ko sakanya na hayaan na lang nila ako pero hindi talaga sila natitinag at pursigido din na sumama sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD