"Bakit ba ang kulit-kulit niyo, sinabi ko na kaya kong umuwi na mag-isa!" Pabulyaw ko na sinabi dahil frustrated na ako hindi ko na alam gagawin ko pati ba naman sila dadagdag pa.
"Still, sasamahan ka namin Zy, hindi ako uupo lang rito at hintayin ang mga text mo." naiinis na din si Riana dahil halata sa tono ng pananalita niya. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha, bakit ba ang hirap nilang kausapin, gulong gulo na nga ang pag-iisip ko dadagdagan pa nila
"Zyra hayaan mo na kami hindi din kami mapapanatag paghinayaan ka namin na mag-isang pumunta." Sabat naman ni Zack habang ang iba naman ay nagsitanguan. Ayaw talaga nilang paawat, hindi ko na alam ang gagawin ko
"Oo na, oo na," pagsuko ko ngunit sa loob-loob ko ay hindi pa rin ako sang-ayon sa kagustuhan nila kaya umisip ako ng paraan para matakasan sila. Naisip kong pwede akong makapuslit kapag nasa store na ako ni ate Hilari.
"Hintayin ko na lang kayo sa harapan ng store ni ate Hilari may bibilhin lang ako." Isa itong convenience store at natatanaw lang naman yun mula rito pero may mga harang kayang kaya ko naman siguro silang lusutan.
"Samahan na kita," nagdududa na sabi sakin ni Ana, binigyan ko siya ng seyoso ka ba look.
"Baka tumakas ka." Straightforward na sabi niya na ikinainit ng ulo ko.
"You're unbelievable, Riana." I uttered with all my voice.
"Sang-ayon na nga akong sumama kayo sakin tapos ngayon gusto mo pa akong samahan eh diyan lang naman sa tapat!" Hindi ko na mapigilan ang sarili na sumabog sa galit. Hinahabol ko na nga yung oras, ayaw pa naman ni daddy na pinaghihintay siya ng pagkatagal tagal. Hindi siya nakasagot kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa tindahan.
I was just standing beside the counter and Ate Hilari kept on asking me.
"Para ka lang tanga na palinga-linga jan." pagsita niya sakin ilang ulit ko na siyang senesenyasan na tumahimik at hindi siya nakikinig ang akala niya ay nakikipaglaro ako sa mga kaibigan ko.
Kaya ng tumalikod na si Riana ay kinuha ko na ang pagkakataon upang makaalis, nagpaalam ako kay Ate Hilari at pasigaw-sigaw niya pa akong tinatawag buti na lang at malakas pa ang ulan at malabo na marinig ng mga kaibigan ko ang pag sigaw ni ate.
Nakarating ako sa paradahan ilang minuto lang at pasasalamat ko na lang dahil may bumabyahe pa din. Sumakay na ako sa bus na nakaparada at kinuha ang earphones ko at nag patugtog.
Pagkagising ko ay tumigil na sa pag-andar ng sasakyan at sakto naman na pumasok sa loob ng bus si manong "Gising ka na pala Ineng, hindi na kita ginising dahil pinagbawalan ako ng katabi mo kanina, kasama mo ba yun, bat ka iniwan?" Deretsahan niyang sambit.
"Ho? Sino? Wala po akong kasama." Naguguluhan na saad ko.
"Hindi mo ba yun kasama? Binayaran ka na rin niya ng pamasahe." Huling sinabi ni manong bago bumaba sa bus.
Sino naman kaya siya, hays ewan, bumaba na ako at nag hahanap ng tricycle dahil medyo malayo-layo pa ang destinasyon ko. Nakasakay na ako sa tricycle at sinabi ko na kung saan ang tungo ko. Habang tinatahak namin ang daan napahinto si manong dahil raw may bibilhin lang siya, pauwi na rin kasi siya dahil mag-gagabi na, ako na lang ang huling pasahero niya.
"Kuya, I want to play in the rain." Boses ng isang bata na tansa ko at nasa 8 years old na gulang pa lang.
"Faye hindi pwede kakagaling mo lang sa sakit." Tinig naman ng isang lalaki na nag aalala para sa kapatid niya. Pilit niyang hinihila ang kapatid na sumakay na sa tricycle na naghihintay para ihatid sila.
"But kuya I wanted to shower in the rain." Frustrated na niyang pakiusap sa kuya niya ngunit hindi padin pinayagan ng kuya niya.
I could see myself in her, I was five back then when Tito Geoff didn't sallowed me to play in the pouring rain. Halos mahiga ako noon sa sahig na umiiyak pero wala, hindi ako pinayagan dahil lagi niyang sinasabi sa akin na mahal daw ang magpagamot. At hindi nila gugustunin na makita akong nahihirapan at wala silang pera para itakbo ako sa hospital.
"Faye naman huwag ng makulit, nagaalala na si kuya gusto mo bang umiyak na naman si kuya dahil sa pagaalala sayo?" Mahihimigan sa boses niya ang pagmamakaawa sa kapatid, napakacute ng bata ang amo ng mukha at kahit sino ay mapapatingin sakanya. Napanguso ang bata at saka siya lumapit sa kuya at yumakap.
Hindi ko makita ang mukha ng lalaki, gusto kong sulyapan upang sakali man na magtagpi kami ulit ay gusto ko siyang purihin dahil sa pagmamahal na ibinigay niya sa kanyang kapatid. Bihira lang ang kapatid na responsible pagdating sa nakababatang kapatid nila. Minsan kasi gusto ko rin na maging kagaya siya nila kuya pero may part sakin na ayaw ko. Ayokong ibuhos nila sakin lahat na para sa sarili nila, tama na yung ginawa nila para sakin noong bata pa lang ako at kahit sa paano ay masuklian ko ang kabutihan nila.
"Sowi kuya, hindi na ako maliligo sa ulan huwag ka lang umiyak." Malambing na sagot ng bata sa kuya, napakaadorable niya talaga. Ginawaran niya ng halik ang lalaki at saka ngumiti ng pagkalaki-laki. King may kapatid lang ako kagaya niya lahat ng pagod ko mawawala pag siya ang makikita ko.
"Promise?" Sabi ng kuya niya.
"Promise kuya." Sambit niya saka siya inakay ng kuya niya at sumakay na sila sa tricycle.
Sakto naman ang pagdating ni manong driver, pinaandar na niya ang sasakyan. Ilang minuto pa ang tinakbo ng simasakyam ko bago ako nakarating sa tinutuluyan ngayon nila mama.
"Didn't I tell you to come home asap?" Bungad sa akin ni papa pagbukas ko pa lang ng pintuan. Hindi ako tumingin sakanya, naupo lang ako sa sofa at tinatanggal ang sapatos at medyas ko.
"Sinabi ko naman po kasi sa inyo na pahirapan ang pagsakay ngayon but nga may nasakyan pa ako." Pagdadahilan ko para tigilan na niya ako. Ngunit pagkaupo ko pa lang ay inihagis na niya sa harapan ko ang nga litrato.
"Ano nga yan?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.
"It was you with your boys," walang alinlangan na sabi niya na ikinagulat ko kaya mabilis kong pinulot ang mga litrato at nagulat ako. Yung time na to ay noong manood ako ng laro nila Yuan at Gian noong nagpunta kami sa plaza burgos para kumain.
"Hindi ko sinabi na magdormitoryo ka para makipag landian." Nanlilisik ang mga mata ni daddy na tumingin sakin.
"They are my friends." Madiin na sabi ko at nakipag titigan sa kanya.
"Huwag mong bilogin ang ulo ko, hindi ako bobo para maniwala sa mga palusot mo." Sigaw niya habang hinawakan ang palapulsuan ko ng mahigpit.
"Huwag niyo naman po sana akong akusahan dahil lang sa picture na yan." Matapang pa din na katwiran ko sa kanya ngunit sampal ang inabot ko sa kanya, hindi lang isa kundi tatlo.
"Reynaldo!" Sigaw ni mama mula sa hagdan at mukhang kagigising lang niya.
"Bat mo sinasaktan ang anak ko, ama ka Reynaldo pero nagagawa mong saktan siya, anong klasse kang Ama?" Nagtatangis ang bagang na sambit ni mommy.
"Mommy, okay lang ako hindi naman masakit." Paglilihim ko kahit na sobrang sakit ng pisngi ko.
"Huwag kang sumabat dito Zyra Quincy, huwag na huwag mong masaktan ang anak ko kung ayaw mong iwan kita." Nanlilisik ang matang sinabi ni mommy kay papa.
"Ako ba ang tinatakot mo Clavira? Baka nakakalimutan mo, ako ang nagpapakain sainyo ng mga anak mo!" Taas noo na sinabi ni papa sa mukha ni mommy.
"Mommy, tama na please, please mommy." Pakiusap ko sakanya habang hinawakan siya sa braso.
"Umakyat ka na Clavira at ikaw hindi ka na babalik sa dormitoryo na ipinagmamalaki mo," maawtoridad na saad niya.
"At maghanda-handa ka, at ipapakasal kita sa anak ni Mr. Costales nagkasundo na kami ni Jun Costales." Pagpapaalam niya sakin ng plano
Hindi ako sumagot pero hindi pa din ako sang-ayon sa gustong mangyari ni Daddy, plano ko na sabihin kay lola at lolo Ito bukas na bukas din.
Nakapagshower na ako, pagbukas ko ng cellphone ang sunod-sunod na text messages ni Ana ang sumalubong sakin at maging ang mga kaibigan ko sa dorm. Hindi na ako nagsayang ng oras at idinial na ang phone number niya Baka mabaliw pa siya.
"Hoy babae ka talagang pinagiinit mo ang dugo ko, sinabi ko naman sayo na huwag kang pupunta na mag-isa ninenerbyos ako sayo." Hihingal-hingal na bungad niya sakin.
"Kumalma ka nga." Mahihimigan ang tawa saking pagsasalita.
"At talagang natatawa ka pa? Matitiris talaga kita pagkauwi mo rito." Nanggigigil na sabi niya. Naririnig ko ang mga lalaki na nakikipag-agawan pero dahil si Ana ang may hawak ng cellphone hindi naglaon ay tumahimik sila
"Oo na, sorry na Ana." Malambing na sabi ko sakanya at rinig ko nag buntong hininga niya.
"Huwag mo akong daanin sa palambing-lambing mo Zyra Quincy." Mahinahon na sambit niya.
"Ligtas naman akong nakarating, at saka pakisabi na din sa kanila na sorry at maayos akong nakarating." Bilin ko sakanya.
"Oo na, kamusta pagkikita niyo ng daddy mo?" nagaalangan na tanong niya sakin.
"Sinampal niya ko, ang sakit Ana namamaga pa ata," nagsumbong ako na parang bata.
"Hindi ko naman malagyan ng ice kasi baka mag-alala pa si mama sakin kapag nakita ako." Usal ko na dinadama ang sakit ng namamaga kong pisngi.
"Sumosobra na talaga yang tatay, ireport mo na kaya, child abuse na ginagawa sayo." Nanggigigil na sabi niya.
Si Ana talaga yung kaibigan na walang sinasanto pagdating sa kaibigan niya. Sa tuwing magkasama kami hindi niya hinahayaan na saktan ako ng ibang tao at alam kong kabilang ang ama ko kung hindi ko lang siya pinakiusapan.
"Kaya ko pa naman Ana." Malamyos ang boses kong sinabi sakanya upang makumbinsi siya.
"Hanggang kailan ka magiging ayos Zy? Pagnabalian ka nang buto? Huwag mo naman hayaan na sirain ng tatay mo ang buhay mo." Makahulugan na pangangaral niya sakin, palaging ipinapaalala ni Ana ang halaga ko sa mga oras na ganito.
"Oo, ama mo siya, siya nagpakain sayo pero hanggang doon lang yun, at wala parin siyang karapatan na saktan ka ang gawin kang hagdan para marating niya ang destinasyon na gusto niyang mapuntahan." Mahabang saad niya na tumatak sa along isipan.
Siguro nga tama si Ana isa lang akong gamitan ng aking ama na gagamitin niya para sa sarili niyang kapakanan. Ginagamit lang ako ng aking sariling ama at ngayon na naamin ko na yun sa sarili ko wala akong maramdaman.
"Ano bang nagawa kong mali at bakit niya ako trinatrato ng ganito." Hindi ko mapigilan na itanong sa sarili ko dahil ang bigat-bigat ng loob ko.
Sana hindi na lang ako ipinanganak kung ganito lang ang magiging buhay ko, puno ng paghiginagpis.