"Bythe, aalis ako." Pagpapaalam ko ng makalabas ako. "Saan ka pupunta? Samahan na kita." She offers pero kailangan siya dito sa office kaya iiwan ko na lang siya dito. Kailangan naman isettle lahat ng mga importanteng mareview at mapirmahan bago kami umalis bukas. "Imemeet ko si Mr. Peres." Saad ko. "Yung taong hindi dumaan sayo?" Tumango ako. "I'll be back in an hour." I spoke. Nagtungo na ako sa parking area, naglalakad ako ng may mga yabag mula sa likod ko at sa tuwing titingin ako ay wala namang tao. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa kotse ko at nag stay doon ng 5 minutes para obserbahan kung may nagmamatyag sa akin. Sa paghihintay wala akong nakitang kahit na anino kaya mas kinilabutan ako. Nagdrive na lang ako palabas ng building at nagtungo sa Casas Cafe

