Lumipas ang mga araw na wala si Ana, wala akong ginawa kundi ang magbasa at matulog. Dati pag weekends namamasyal kami, nagsisimba o di kaya piknik sa dagat habang pinapanood ang sunset. Namimiss ko na rin ang nakagawian ko sa dorm, yung pagpunta sa 7/11 ng madaling araw at nagdidinner ng madaling araw. Kahit na alam kong napaka impossible ay nananalangin pa din ako na sana kaya kong bumalik sa mga panahon na gusto kong balikan. "Ma'am Zyra! Asa baba po ang kaibigan niyo." Sigaw ni Mamang Fe sa labas kaya tumayo na ako. Ano nanaman kaya ginagawa niya rito, pansin ko na din ang madalas nitong pagbisita magmula nang mapunta siya rito. Nasa hagdan pa lamang ako ay tanaw ko na siya na nakaupo sa sofa at nagmemeryenda. Aba talagang nagiging palamunin pa siya rito. "Ano nanaman ginagawa mo ri

