Pagkarating ko sa dorm ay may kotse na nakapark sa harapan namin para siyang familiar pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita. Pumasok ako sa loob at nadatnan si Gian na kinakausap ang boss ni kuya. "Nandito ka na pala Zy, may naghahanap sayo." At saka siya tumingin kay ate Haile, na siyang boss at fiance ni Tito Geoff. "Napadalaw po kayo? Kamusta po? Si Tito, hindi niyo po ba kasama?" Nagpaalam ng umalis si Gian para makapag usap kami. Naging abala si Tito sa kasal nila magmula ng nahulu niya ang boss ng Dark at ipakulong, Dark ang pangalan ng sindikato na umalila sa amin. "Okay lang ako at gayundin ang Tito mo at mag-isa lang ako," Napahinto siya at ngumiti ng pilit. "Ana may pakiusap sana ako sayo na kung maari ay kumbinsihin mo naman ang Tito mo na manirahan kami sa ibang bansa

