Chantria Buong umaga ko yatang kinakalbo ang damo rito sa bakuran ko dahil sa lalaking ‘yon. Paano ko maiintindihan ang gusto niyang sabihin kung hindi siya magsasalita? Hindi naman ako manghuhula! Nakakairita ang ugali niya. Ibang-iba sa ugali ng nanay at tatay niya. Kaunti na lang talaga ang makukumbinsi na akong ampon siya. Nang makapananghalian ay si Aling Tryna naman ang kumatok at pinagdala ako ng pagkain. Nahihiya kong tinanggap ang isang mangkok ng adobo bago siya pinatuloy sa bahay ko. “Hindi na po dapat kayo nag-abala pa, Aling Tryna.” Pinaupo ko siya sa sofa. “Mabubuhay naman po ako sa mga de lata na nabili ko kanina riyan sa tindahan. I’m not picky with foods.” “Ano ka ba naman. Hindi ka dapat masanay kumain ng mga preservatives na ‘yan. Hindi maganda sa kalusugan. At sak

