Chantria Nang mahimasmasan ako ay saka lang ako tumigil sa paglalakad at huminga nang malalim. Hindi ko na muna pinansin si Iwatani na nakatingin lang din sa ginagawa ko. I know that he has a lot of questions right now. It’s either ayaw niya lang magtanong o wala lang talaga siyang pakialam kung ano ang nasaksihan niya. Mas mabuti na rin dahil ayokong magtanong pa siya nang magtanong. Baka maungkat lang ang nangyari sa nakaraan. Ayokong makita niyang mahina ako sa tuwing pinag-uusapan ang nangyari. “Let’s take a rest,” ani niya. “Pwede naman tayong mag-tour sa ibang araw.” Agad akong tumango. Sa totoo lang, kanina ko pa dapat siya aayaing umuwi. Masyadong malawak ang campus at aminado akong pagod na ‘ko. I’m not fit enough to continue touring. At isa pa, marami pa naman akong time para

