Habang nasa kasarapan ako ng tulog ko ay bigla akong sinampal ni Jeff sa pisngi ko sabay sigaw ng pagkalakas-lakas sa tenga ko.
"Tang ina mo Marco! Nananaginip ka na namang hayup ka!" pasigaw na sabi ni Jeff sa akin.
Napabalikwas ako sa kama ko dahil sa tenga ko mismo sumigaw si Jeff.
"Ay tang ina mo din! Nakita at nakasama ko na si Bea! Nandun na ko sa part na hayysst! Nakita ko na ang bundok tralala at perlas ng silangan! Istorbo ka talaga sa buhay ko Jeff!" galit na sambit ko sa kanya.
"Sobra na kakanuod mo ng porn kaya ganyan mga napapanaginipan mo! Pati ba na naman sa panaginip mo porn pa din? Pota ka! Libog mo Gago! Siguro basa na naman brief mo?" pang aasar niya sa akin.
"Tukmol! Sino kaya mahilig manuod ng porn sa ating dalawa? Natutulog yung tao tapos pupunta ka lang dito para mangganyan? f**k you ka gago!" inis kong sambit sa kanya. , "Ano bang ginagawa mo dito? At ang aga-aga nambubulabog ka?" inis na tanong ko sa kanya.
"Ang init ng ulo ke aga-aga! Naparito ako para ibalita sayo na..." bitin na sabi niya.
"Naparito ka? Para saan?" paulit-ulit na tanong ko sa kanya.
"Para ayain kang mag basketball. Tara basketball na! Wait? Teka? Nag papapasok ka pa ba sa trabaho? Parang hindi na kita nakikita aah?" pang aasar nito sa akin.
"Sabado ngayon! S A B A D O ngayon pre! Pati ba naman araw hindi mo na alam? Nako! Kakababae mo yan! Naubos na yung kakarampot mong utak puro nalang semilya meron sayo! Hayysst badtrip ka talaga Jeff kahit kailan naman talaga ooh!" inis na sambit ko sa kanya.
"Game na! Daming satsat nasa labas na yung mga mokong," sambit nito sa akin.
"Sige! sunod nalang ako doon mag almusal muna ako! Alis na!" sigaw ko sa kanya habang winawasiwas ang kamay ko.
Nakangising umalis si Jeff sa kwarto ko. Nauna na silang pumunta sa court para maglaro ng basketball. Bago ako lumabas ng kwarto ko ay nagmur-muray muna ako at pagkatapos ay nag agahan bago ako pumunta sa court.
Habang nag aagahan ako ay hindi ko mapigil mabadtrip bukod sa maganda ang panaginip ko ay araw ng pahinga ko ngayon. Minsan na nga lang ako mag rest day ng maayos dahil sa sobrang daming trabaho ngayon sa kumpanya tapos may kaibigan pa akong peste na papasok sa kwarto ko at gigisingin ako para lang maglaro ng basketball. Sa panaginip ko na nga lang nakakasama si Bea ng personal tapos napurnada pa.
"Tssss... Nakakasira ng araw 'to Babe! Hanggang panaginip ba naman binibitin mo ako?" inis na sambit ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko ito kung meron na bang message si Bea sa akin ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang message kaya ngayon ako na muna ang mag me-message sa kanya. Maaga pa kasi ang oras dito sa atin kaya maaaring natutulog pa siya ng mga oras na ito kaya wala pa siyang message ngayon.
"Babe! Alam mo ba na napanaginipan kita kagabi? Umuwi ka na daw dito sa Pilipinas. Grabe Babe! Sobrang miss na miss na talaga kita gusto na kitang puntahan dyan sa amerika para hindi na tayo mag kalayo pa. I love you so much Babe! Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay at mag aalaga ng mga magiging anak nating dalawa. Chat ka kapag may free time ka huh! Mag lalaro muna ako ng basketball ngayon." chat ko sa kanya.
Pagkatapos kong mag iwan ng mensahe kay Bea ay lumabas na ako ng bahay para makapag laro ng basketball. Maaga pa ang oras kaya makakahabol pa ako sa exercise namin sa court. Weekend routine na kasi namin ang mag laro ng basketball sa court tuwing sabado. Nasaktuhan lang na sinundo ako ni Jeff ngayon.
Pagdating na pagdating ko sa court ay nakikita ko ang mga kaibigan ko na kumekembot kasama ang mga matatandang babae ng barangay.
Lumapit ako agad kay Paul.
"Pre, Nag eenjoy ata kayo mag zumba kasama ang mga inahin natin aah?" natatawa kong sabi sa kanya.
Lumingon sa akin si Paul.
"Hoy!" sabay apir ng tropa kong si Paul.
"Anong meron bakit may pa zumba ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko din alam kung bakit may ganyan ngayon samantalang tuwing thursday naman ang schedule nila," paliwanag ni Paul sa akin.
"Ayun na nga nakikita ko na nga nanay ko sa likod samantalang kasama ko pa nag agahan yang gurang na yan,"
Habang nag chi-chikahan kami ni Paul ay meron biglang bumatok sa akin. Lumingon ako agad sa likuran ko at nakita ko si Mama na nakatingin sa amin habang nakapamaywang.
"At talagang bina-bash nyo kaming mga senior huh?" nakataray niyang sambit sa akin.
"Huh? Wala naman akong sinasabing masama sa inyo aah. Sige na sumayaw ka na diyan wag mo na kami pansinin dito," sabi ko sa kanya.
"Sorry Tita." sabat ni Paul.
Lumipat ng pwesto si Mama sa pwesto ng mga katropa niya at doon nag sasayaw ang mga matatanda.
Lumipas ang dalawang oras ng pag sasayaw nila ng zumba ay oras na para kami naman ang maging hari ng court. Pagkatapos na pagkatapos nilang sumayaw ay umalis agad ang mga inahin at naiwan na kami dito.
"Tara mag stretching muna tayo bago maglaro!" paanyaya ko sa kanila.
Kumunot ang noo ni Andrew habang papalapit sa akin.
"Stretching? Sigurado ka? Nag zumba kami ng dalawang oras tapos mag ii-stretching pa kami? Bahala ka sa buhay mo kung mag stretching ka pa sakit na ng balakang ko," inis na sambit ni Andrew sa akin.
"So maangas ka na niyan? Lalaban ka na ba?" tanong ko sa kanya habang hinahawakan siya sa magkabilang braso niya.
"Sabi ko nga mag ii-stretching tayo eeh," takot na sambit ni Andrew sa akin.
Hindi na sumali sa amin mag stretching sina Paul, Jeff at Lester. Nakaupo lang silang tatlo habang tinatawanan kami ni Andrew.
Mga sampung minuto lang kami ng stretching ni Andrew sapagkat nakaramdam ako ng sakit sa balakang ko.
"Sakit sa balakang," sabi ko habang iniinda ang sakit sa balakang ko.
"Sinabi ko naman kasi na dalawang oras kaming nag zumba tapos nag stretching pa tayong dalawa. Ano ngayon nangyari sayo? Late kana ikaw pa nasaktan masyado kang mahina," pang aasar niya sa akin.
"Sabi ko nga eeh!" sigaw ko sa kanya.
Umupo ako sa upuan na parang matandang may rayuma. Tinatawanan lang nila akong lahat dahil sa nangyari sa akin.
"Sige tumawa pa kayo!" inis na sambit ko sa kanila.
"Sinong hindi matatawa sayo? Ayan! Ayan! Masyado ka kasing bida sakit tuloy ng likod mo," pang aasar sa akin ni Jeff.
"Kung hindi mo ako ginising edi sana maganda pa din ang mood ko ngayon," inis na sambit ko sa kanya.
"Hayyy... Kamusta na kaya ang mga chikababes natin?" biglang tanong ni Jeff sa aming lahat.
"Ayan ka na naman Jeff," sabi ni Paul sa kanya.
"Luh? Purkit meron kang Bianca nung mga araw na yun ganyan ka huh! Teka kamusta naman pala? Ikaw Marco kamusta? Kayo nalang ang naiwan ni Jessy sa bar nung umalis kaming lahat eeh," sabi ni Jeff sa akin.
"Huh? Sinong Jessy?" palusot ko sa kanila.
"Nako! Ito na nag papalusot na siya," natatawang sambit ni Andrew.
"Jessy?" sabi ko habang nakakunot ang noo ko.
Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang puso ko ng marinig ko ang pangalan niya. Hindi ko alam ang dapat na emotion ko o ano dapat kong isagot sa kanila kung anong nangyari sa aming dalawa nung mga panahon. Sasabihin ko ba na nag one night stand kami o naulit yung one night stand namin?
Ilang linggo na pala ang nakalipas buhat nung huli naming pagkikita na dalawa.
"Kamusta na kaya siya? Nasa pilipinas pa kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako? Naka-move na kaya siya? Ikasal na kaya siya?" sabi ko nalang sa sarili ko.
Si Jessy parang isang nakaraan na dapat ay hindi na binabalikan pa isang mapait na matamis na nakaraan para sa akin. Patuloy ako sa pag iisip ko tungkol kay Jessy ng bigla akong tinapik ni Paul.
"Huy! Ano na? Natulala ka na lang dyan?" pang aasar ni Paul sa akin.
"Mukang may nangyari aah?" sabat ni Lester.
"Wa-a-ala! Wala! Ano ba mga pre magba-basketball ba tayo o mag chi-chismisan? Mga kalalaking tao chismoso." patakas kong sambit sa kanila.
Umalis na ako sa umpukan at kinuha ko na ang bola ng basketball para makapag simula na kaming maglaro. Masakit man ang balakang ko ay pinag walang bahala ko ito para hindi na maungkat pa ang nakaraan namin ni Jessy.
"Game na mga bakla!" sigaw ko sa kanila habang nag sho-shooting ako.
Nagtayuan na ang mga mokong at tumakbo papalapit sa akin. Apat na oras kaming nag basketball sa court. Sa oras na ito ay hindi na namin maitatago ang mga amoy konstraksyon worker naming mga katawan. Naligo at natuyuan na kami ng mga pawis kaya nag pahinga na muna kami.
"Ayoko na! Pagod na ako mga tol. Pahinga muna tayo," Pagod na sambit ni Lester.
Nauna na akong umupo sa upuan at doon nag pahinga nang pinuntahan ako ng mga tropa kong kumag.
"Wag kami!" sigaw ni Paul sa akin sabay tawa nito.
"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanila. , "Medyo nag hung ako? Anong topic nyo?" tanong ko muli sa kanila.
"Gago! Mag salita ka na kasi alam naman namin nangyari sa inyo eeh," sambit ni Andrew.
"Ang alin ba? Ang daming nyong alam!" asar na sambit ko.
"Naka score ka diba?" pang aasar na tanong ni Jeff sa akin.
"Huh? Hindi ko ma gets?" sabi ko habang nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kanila.
"Two weeks ago sa may bar Marco! San ka pa umiscore? bakit wala kaming alam diyan?" pang aasar muli ni jeff sa akin.
"Hayyy... Oo na! May nangyari sa amin ni Jessy pero hindi na muling naulit yun," iritableng sabi ko sa kanila.
"Ayun naman pala!" sabi ni Jeff sa akin habang nilalapat ang kamay niya sa kanila.
"Ano yan?" inis na tanong ko kay Jeff.
"Talo sa pustahan ang mga kumag kaya kinukuha ko lang ang panalo ko." natatawang sambit ni Jeff sa akin.
Nag sisimula ng uminit ang ulo ko dahil sa ugaling pinapakita ng mga tropa ko. Hindi nila alam yung pinag dadaanan nung tao tapos pinag pupustahan pa nila.
"Alam niyo hindi nakakatuwa yung pustahan na ginawa niyo para namang ginawa niyong easy to get yung tao. Oo may nangyari sa aming dalawa pero dapat hindi na natin pinag uusapan pa yun dahil magiging kumplikado lang ang mga mangyayari kapag nalaman pa ni Bea ang nangyari sa aming dalawa. Wag niyo siyang iju-judge dahil lang sa nangyari sa aming dalawa dahil iba siya sa ibang babae na nakakatalik mo Jeff. Nakaka proud sabihin na ikaw ang naka-virgin sa isang babae pero sa part ko nakakahiya yun dahil one night stand lang na maituturing iyon sa akin," paliwanag ko sa kanila.
"Easy ka lang Marco nag jo-joke lang naman kami," sabi ni Jeff sa akin.
"Kahit sa sandaling araw na nakasama ko siya nalaman ko na agad kung anong klaseng babae siya sobrang nakakaawa lang yung nangyayari sa buhay niya kasi ikakasal siya sa taong hindi pa niya nakikita at lalong-lalo na hindi niya mahal. Tsaka umalis na din yung tao papunta ng London dahil ikakasal na nga siya. Basta mga Pre wag na wag niyo akong ilalaglag kay Bea huh? Ayaw ko kasing masira ang relasyon naming dalawa dahil lang sa pagkakamali na nagawa ko," pakiusap ko sa kanila.
"Ganun ba? Sige walang lalabas na may nangyari sa inyo kay Bea. Teka kamusta na pala ngayon si Jessy?" tanong ni Jeff sa akin.
"Aba malay ko? Nag usap kaming dalawa na wag na siyang mag tetext o tatawag sa akin. Mamaya kasi magkamali pa ako ulit baka mas lalo ko pa siyang masaktan," sambit ko sa kanila.
"Aaahh sige. Wag na natin pag usapan si Jessy pero meron pala akong ibubunyag sa inyo," seryosong sabi ni Jeff sa amin.
"Ano yun?" tanong ni Paul sa kanya.
"Ano yun?" tanong din ni Lester sa kanya.
Tumingin ako kay Andrew.
"Wag mong sabihin na mag tatanong ka din ng Ano yun?" tanong ko kay Andrew.
"Ano yun?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Hayyy!" inis na sabi ni Jeff. , "Balik tayo sa akin. Nililigawan ko na nga pala si Mean yung kaibigan ni Jessy. Akala ko libog lang ang nararamdaman ko para sa kanya pero habang tumatagal ang mga araw ay natututunan ko na siyang mahalin ng totoo. Tinigilan ko na yung kalokohan ko sa mga babae at nag stick na ako sa kanya," seryosong sambit ni Jeff sa amin.
Tumingin kami ng may pang-aasar kay Jeff.
"Malabo!" natatawang sambit ni Lester kay Jeff.
"Totoo na 'to mga tol! Basta kapag pala nakita mo na yung para sayo hindi kana gagawa ng kalokohan noh?" seryosong sambit ni Jeff sa akin.
Nabaling na naman ang atensyon nila sa akin.
"Hindi na gagawa ng kalokohan?" pang asar na sambit ni Paul habang nakatingin sa akin.
"Ooh bakit ako na naman?" inis na sambit ko kay Paul.
"Wala naman," sambit niya.
"Siguraduhin mo na totoo na yang nararamdaman mo Jeff kasi kapag hindi kawawa na yung babae sayo," seryosong sambit ko kay Jeff.
"Oo pre." sambit nito.
Pagkatapos namin mag kwentuhang magka-kaibigan ay umalis na ako sa court at umuwi na. Habang naglalakad ako pauwi ay naalala ko na naman ang pangalang Jessy. Hindi na naman siya mawala-wala sa isip ko. Naaalala ko nung huling araw naming pagkikita sobrang lungkot niya noon at sobrang helpless. Gustohin ko man na nasa tabi niya ako sa panahong nagluluksa siya ay hindi naman pu-pwede.
Akala ko simula ng nakilala ko si Bea ay hindi na ako muling makakagawa ng kalokohan pero heto ako ngayon. Minumulto na ako ng konsensya ko dahil sa mga pinag gagawa ko sa buhay ko. Dahil sa kalibugan ay nakagawa na naman ako ng pagkakamali isang pagkakamali na hinding-hindi ko na mababago pa.