KABANATA VII

2284 Words
I was walking in the street ng nakita ko si Mama at ang mga Amiga niya nakatambay sa labas ng isang tindahan. Kinawayan ako ni Mama kaya lumapit ako sa kanya agad. "Ooh?" tanong ko sa kanya. Agad akong sinalubong ng kotong mula kay Mama dahil sa masungit na inasal ko sa kanya. "Nandito ang mga Amiga ko tapos napaka tabil ng bunganga mo Marco?" asar na sambit ni Mama sa akin. "Ano po yun Mama?" magalang na tanong ko sa kanya. "Ayan! Much better," nakangiting sabi niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay na paalisin niya ako ngunit bigla akong hinawakan sa braso ni Mama at sabay biglang kwento sa mga kaibigan niya. "Alam niyo ba itong anak kong si Marco? Sobrang bastos na bata pero napaka mapagmahal naman na anak. Ikakasal na siya next year sa girlfriend niyang nasa ibang bansa imbitado kayong lahat!" paanyaya niya sa kanilang lahat. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama hindi pa nga kami nakakapag gawa ng invitation letter pero itong Nanay ko nag i-invite na agad at sa mga kaibigan pa nya. "Opo punta po kayong lahat sa kasal ko," natatawang sambit ko sa kanila habang nagkakamot ng ulo. "Sa kasal niya sasayaw tayo aah," sambit ni Mama sa kanila habang tuwang-tuwa. "Gagawin pa atang zumba party yung kasal ko." sabi ko sa sarili ko. Ngumingiti-ngiti lang ako sa kanilang lahat pero gustong-gusto ko ng umuwi dahil sobrang nanlalagkit na ang katawan ko.  Tumagal pa ako ng sampung minuto sa umpukan nila Mama dahil hindi na siya matapos sa pagpapabango ng pangalan ko sa mga kaibigan niya. "Ma, Una na ako sa bahay sobrang nanlalagkit na yung katawan ko," singit ko sa kanila. "Ok sige! Wag mong kalimutan mag linis ng bahay aah? Mamaya pa kasi ako uuwi at may meeting pa kami sa barangay," utos ni Mama sa akin. "Ok po!" sabi ko sabay alis sa harap nila.   Mainit-init na ang paligid ng nakauwi ako sa bahay. Pag dating na pagdating ko sa bahay galing ng basketball court at tambayan nila Mama ay naligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay agad kong kinuha ang mga damit ko para magbihis at sinimulan ko na ang paglilinis at pag aayos ng bahay. "Today is my rest day pero mukang mas wala akong rest ngayon dahil sa mga utos ni Mama sa akin." sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko agad ang walis at dustpan para simulan kong mag agiw sa mga dingding at pagkatapos ay winalisan ang lahat ng kalat sa sahid. Lumingon ako banda sa kubeta at nakita ko ang lampaso kaya wala ng pagdadalawang isip ay kinuha ko ito ay sinimulan kong ilampaso ang bawat sulok ng aming bahay. Uupo na sana ako sa upuan namin ng mga oras na ito ng bigla kong nakita ang tambak na hugasin sa lababo kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ako para hugasan lahat ng mga nakakalat na hugasin. Nakabusangot na ako ng mga oras na ito dahil kakatapos ko lang maligo ngunit tagaktak na naman ang pawis sa buong katawan ko. Luminga-linga ako sa paligid at nakita na maalikabok sa pwesto ng aming telebisyon kaya kumuha ako ng pamunas at pinunasan lahat ng mga furnitures namin.  Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin si Mama tapos na ako sa mga gawaing bahay kaya pumwesto na ako sa harap ng computer ko para kamustahin naman si Bea. Binuksan ko ang computer ko at agad kong inopen ang skype ko para tawagan si Bea ngunit hindi siya nakaopen dito kaya nag iwan nalang muli ako ng mga matatamis na mensahe sa kanya. Nakakalungkot nga lang na yung unang mensahe ko sa kanya mula pa kaninang umaga ay hindi pa rin niya binabasa hanggang ngayon kaya pagkatapos kong mag send ng message sa kanya ay pinatay ko na rin agad ang computer ko para manuod nalang ako ng palabas sa telebisyon. Habang nanunuod ako ng palabas ay nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta ako sa kusina para tumingin ng makakain. Binuksan ko ang kaldero ay nakita ko na walang kanin doon kaya agad akong naghugas ng kaldero at nagsalang ako ng kanin at pagkatapos ay kinuha ko ang pagkain mula sa ref na pwedeng iluto ko para sa tanghalian namin ni Mama. Gutom, Pagod at sobrang lungkot ko na ng mga oras na ito dahil sa sobrang dami kong ginawa ngayong araw. Hinihintay ko ng maluto ang ulam at kanin ng biglang sumagi sa isipan ko si Jessy. Kakaisip ko sa kanya ay gumawa na naman ako ng mga bagay na dapat ay hindi ko na gawin. "Ano ngang buong pangalan ni Jessy?" tanong ko sa sarili ko. Malalim ang iniisip ko ng mga oras na ito hanggang sa nag flashback sa akin ang pangalan niya. "Jessy Rivera." nakangiting sabi ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at chineck ko sa mga kilalang social sites si Jessy ngunit hindi ko siya makita doon.  "Walang lumalabas na Jessy sa search button," nagtatakang sabi ko. , "Anong name niya dito? Wait try ko na nga lang sa ibang social sites baka may account siya dun." sambit ko. Binuksan ko yung isang site at nilagay ang account ko ngunit wala pa rin akong nakikitang Jessy Rivera doon kahit pa same process lang ang ginawa ko. Sinerch ko ang pangalan niya ngunit ibang mukha ang naroroon.  "Bakit? Bakit hindi kita makita dito? Anong picture ba gamit mo?" inis na sambit ko. Ilang minuto akong nag search sa mga kilalang site ng pangalan ni Jessy pero walang lumalabas doon. "Jessy" "Jessy Rivera" "Rivera" Ni isa sa mga tinype ko ay wala siya kaya nag open nalang muli ako ng skype at kinontact ko nalang si Bea.  Nakailang ring din ako sa account ni Bea pero hindi ito sumasagot sa tawag ko kaya hinayaan ko nalang ito. Hindi na ako nag iwan pa muli ng mensahe dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Pagkatapos ng isang madugong paglilinis ay heto ako ngayon buryong-buryo na sa buhay ko. "Nakakaboring!" inis na sigaw ko. Habang buryong-buryo ako sa buhay ko ay biglang may nag pop up na naman na kalokohan sa utak ko habang nakatunganga ako at nag iisip ng pwede kong gawin ay bigla ko nalang naisip na umalis sa bahay. "Parang gusto kong pumunta sa tagaytay para makita ko siya pero baka wala siya doon? O di kaya sa condo nalang niya? Mas malapit?" sambit ko sa sarili ko. Nakaupo lang ako kanina tapos ngayon nakikita ko na naman ang sarili kong nagbibihis ng pang alis. Nakatulala ako habang nag bobotones ng damit ko at siya na naman ang nasa isip ko. Pilit kong kino-convince ang sarili ko na hindi ko siya na mimiss pero sobra na yung pagka miss ko sa kanya. "I don't know what sorcery she did to me pero sobrang na attach na ako sa kanya. This is not right Marco! You're cheating again!" inis na sambit ko.  Habang iniisip ko siya parang dinidiktahan ako ng utak ko na pumunta sa kanila. "Tama dun nalang sa condo niya!" nakangiting sambit ko. Pumunta ako sa condo ni Jessy para makita ko siya, pumunta ako sa condo ng babaeng hindi ko naman kasintahan, pumunta ako sa condo ng babaeng may gusto sa akin at pumunta ako sa condo ni Jessy hindi dahil gusto ko lang dahl ang totoo nito ay sobrang na-mimiss ko na siya. Nakabihis na ako at handa na akong umalis ng bahay. Pagdating na pagdating ko sa condo ni Jessy ay nakita ko agad yung guard na tumulong sakin ng gabing inuwi ko siya na lasing na lasing. "Kuya! Nandyan ba si Jessy?" nakangiti kong tanong sa kanya. Lumingon si Kuyang Guard sa akin at tumugon sa tanong ko. "Nako Sir! Wala na siya dito. Ang balita ko binenta na din niya yung unit niya," malungkot na sambit nito. "Kailan pa kuya?" malungkot na tanong ko muli sa kanya. "Siguro nung nakaraang araw lang pupunta na daw kasi siya sa Europe kasama niya nga yung kapatid niya dito nung nakaraan," sambit nito sa akin. "Bale kuya nasa Pilipinas pa siya ngayon?" tanong ko muli sa kanya. "Sa pagkaka-alam ko oo nasa Pilipinas pa siya at next week pa daw ang alis nya nagka-usap pa kami nung nakaraan," sambit nito. "Salamat Kuya." malungkot kong sambit sa kanya. Umalis akong malungkot sa harap ni Kuyang Guard marahil dahil sa bigo akong makita si Jessy. Hindi ko din alam yung ginagawa ko ngayon. Hindi ko din alam kung bakit gustong-gusto ko siyang makita. Mahal ko na ba siya kapag hinahanap-hanap ko siya o na mimiss ko lang siya? Ano? Basta hindi ko alam! Ang alam ko lang gusto ko siyang makita. Gustuhin ko mang pumunta sa tagaytay ngayon pero para saan pa? Bakit ako pupunta dun eeh wala namang kami.  Matagal din akong tumambay sa labas ng condo kung saan siya nakatira para akong tanga na nakatambay dun hanggang sa tinamad na ako at umuwi nalang ng bahay. Hindi ko tinuloy ang plano ko na pumunta ng tagaytay. Para saan pa kasi? Para paasahin siya na baka magustuhan ko din siya? I mean may pag asa bang maging kami? Kapag ba magpakita ako sa kanya hindi na siya aalis? Kapag ba pumunta ako dun mapapansin niya ako? Bakit kasi ngayon pa! Bakit ngayon ka lang nagpa kilala sa akin kung kailan na meron na akong mahal.  Madami ang nag-lalaro sa utak ko. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Nag aaway na ang puso ko, ang utak ko at ang katawan ko. Nakauwi na ako ng bahay pero ang utak ko lutang pa rin kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at sa paghawak ko dito ay bigla nalang akong nagkaroon ng paraan kung paano ko makokontact si Jessy. Naalala ko na tinext pala ako ni Jessy dito sa number ko. Triny kong ipa-ring yung number niya at sobrang saya ko sapagkat nag-ring ito. Ngunit bigla akong nakaramdam ng takot nung nag ring yung number niya hindi ko alam yung gagawin ko kapag sumagot siya.  "Anong sasabihin ko?" tanong ko. "Hi?" "Hello?" "Kamusta ka?" nakangiti kong sambit. Parang ako narin yung nag break ng usapan naming dalawa na hindi na namin kokontakin ang isa't isa para akong tanga na umaasa sa isang bagay na malabo pa sa malabong mangyari. Naka ilang try din ako ng tawag sa kanya at sa pangatlong try ko ay sumagot na ito. "Hello?" sagot nito. Kinabahan ako nang narinig ko ang boses na yun. Boses yun ni Jessy. Hindi ako umimik at hinayaan ko lang siyang mag salita. Pinakikinggan ko lang ang boses niya. "Hello sino to? Ibababa ko na yung tawag mo kung ayaw mo paring mag salita." sambit niya sabay patay ng tawag ko. Hinayaan ko nalang na ibaba niya ang tawag ko. Ok na sa akin na narinig ko ulit ang boses niya.  Napapangiti na ako ng kahit kaunti ngayon dahil kahit papaano ay napakinggan ko na din ang boses ni Jessy at alam kong mabuti ang kalagayan niya sa mga oras na ito. Hindi ko napansin ang oras at gumagabi na pala kaya binuksan ko na ang computer ko at inopen ko na ang skype para makausap ko na si Bea. Tumawag na ako kay Bea at mabilis siyang  nag accept ng tawag ko. "Hello Babe!" masayang bati niya sa akin. , "Kamusta ang araw mo?" tanong niya sa akin. "Ok naman babe," malungkot na sagot ko sa kanya. "Bakit  parang ang lungkot mo Babe? May problema ka ba?" malungkot na tanong niya sa akin. "Wala naman Babe, Napagod lang siguro ako dahil mag-hapon ba naman akong busy." sambit ko sa kanya. Habang nag vi-video call kaming dalawa ay may napansin ako sa katawan niya. Balingkinitan kasi si Bea pero ngayon parang nag kakaroon na siya ng laman. "Babe? Parang tumataba ka ata?" tanong ko sa kanya. "Babe naman! Grabe ka sa akin. Mataba na ba akong tingnan ngayon?" nakangiting tanong niya sa akin. "Oo ang taba mo na Babe! Baka naman inuubos mo na sa pagkain yung savings mo aah," pang aasar ko sa kanya. "Hindi naman Babe! tsaka madaming libre dito lagi kaming nag la-lunch out sa company kasama si Boss. Grabe ang bait-bait ng boss namin laging may paambon sa office." masaya niyang lahad sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at chine-check ko ang bawat parte ng katawan niya kung may nagbago ba. Pailing-iling nalang ako sa nakikita ko sa kanya dahil para siyang namamanas na mataba. Iba ang pakiramdam ko sa kanya ngayong araw. Para maiba ang atensyon ko kay Bea ay tinanong ko nalang siya. "Kamusta ka dyan? Tapos mo na yung ginagawa mo sa anniversary ng company nyo?" tanong ko sa kanya. "Ok naman ako Babe! Malapit na yung anniversary ng company Babe. Kaya punong-puno ang schedule ko kunting push pa matatapos ko na lahat ng task ko!" masaya niyang sambit. "Masaya ako para sayo Babe! Ingat ka diyan!" masaya kong sambit sa kanya. "Ok Babe! Thank you sa suporta mo. Sige  na matulog kana at papasok na ako sa work," sambit niya. "Goodnight!" sambit ko. "Good morning!" sambit niya. Mabilis akong nag log out sa skype ko dahil nawalan ako agad sa mood ng nakita ko si Bea. Sobrang na mimiss ko na siya pero bakit ganun nalang yung nararamdaman ko sa kanya nung nakita ko siya ngayon? Pinatay ko na ang computer ko at Humiga na ako sa kama ko. Habang nakahiga ako sa kama ko ay si Jessy parin ang laman ng utak ko. Ilang oras akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko at iisang mukha lang ang nakikita ko doon. Ilang sandali pa ay nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD