KABANATA VIII

3157 Words
Makaraan ang ilang araw. Nasa trabaho ako ng mga oras na ito busy-busy sa pag gawa ng report ng biglang lumapit sa akin si Ms. Purple. "Bakit parang lumalaki ang mga eye bags mo Marco? Tapos nangingitim na ang paligid ng mata mo! Hindi kana tuloy gwapo sa paningin ko ngayon," pang-aasar niya sa akin. Wala pa sana akong balak na makipag usap sa kanya sapagkat may tinatapos pa akong trabaho pero dahil sa mataas ang posisyon ni Ms. Purple sa akin ay wala akong nagawa kung hindi ang tumugon sa kanya. "Medyo stress lang ng kaunti Ms. Purple," nakangiti kong sambit sa kanya. "Stress? Sa work?" nagtatakang tanong niya sa akin. , "Sa bagay sobrang stressful nga ng trabaho mo kasi been there pero ok lang yan ma-oovercome mo din yang stress mo," nakangiting sambit niya sa akin. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at biglang napabuntong hininga nalang. "Hmmm... I think there's something with that? Stress? Sa lovelife ano? Bakit anong nangyari sa inyo ng girlfriend mo?" tanong niya sa akin. Napatingin ako ng seryoso kay Ms. Purple at napakamot nalang ng ulo. "Alam mo kung nag away kayo ng girlfriend mo kagabi or what siguro bigyan mo muna siya ng kaunting time para mag cool down or kung gusto mo suyuin mo agad para mas mabilis mawala ang galit sayo. Siguro may ginawa ka na namang kalokohan noh?" natatawa niyang sambit sa akin. "Hindi naman kami ng away Ms. Purple siguro may mga bagay lang talaga na hindi ko kayang ikwento sayo dahil syempre lalaki ako tapos sayo ako mag ku-kwento ng about sa lovelife edi parang ang awkward lang isipin," paliwanag ko sa kanya. "Nako! Kahit sinong tanungin mo dito mapa-lalaki man o babae binibigyan ko ng advice regarding sa mga lovelife nila wag kang mahiya sa akin para na din kitang nakababatang kapatid," pamimilit niya sa akin.  "Salamat po Ms. Purple at pasensya na po kung hindi ko pa kayang i-open sayo ang isa pang pahina ng buhay ko," malungkot kong saad sa kanya. "Alright! Hindi kita mapipilit kung ayaw mong mag kwento pero ito lang huh! Payong kaibigan, kapatid at katrabaho lang Marco. May kasagutan lahat ng problema mo at syempre may solusyon." nakangiting sambit niya sa akin sabay alis. Nakatingin lang ako kay Ms. Purple habang papalayo siya sa akin. Iniayos ko ang katawan ko sa napakalambot kong upuan at lumiyad ako para mag pahinga ng kaunti. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik sa pwesto ko si Ms. Purple na may dala-dalang mga pakete inabot niya ito sa akin at pinabuksan. "Ano po ito?" tanong ko sa kanya. "May facial wash ka bang dala?" tanong niya sa akin. "Po?" tanong ko pabalik sa kanya. "Ooh ayan gamitin mo yung facial wash na yan tapos mag mask ka after mo maghugas ng mukha para ma-freshen up yung mukha mo. I forgot to tell you na meron tayong emergency meeting with the CEO later," sabi niya sa akin. "CEO? Si Mr. Harold Rivera Sr. po?" tanong ko sa kanya. "Yes! He's in the Philippines right now for some reasons so nag ask siya ng emergency meeting since ito na lang ulit ang pag punta niya dito personally sa main branch. By the way Marco, Strict at sobrang picky ng Chairman natin kaya dapat attentive ka sa meeting natin mamaya. Ayaw niya ng paanga-anga sa work minsan nagtatanong nalang bigla sa work yun ramdomly tapos ipapabackground check ka niya kung anong status mo sa company at kapag nakita niya na deserving ka para ma promote ora mismo promoted ka," paliwanag ni Ms. Purple sa akin. "Thank you po sa advice sa akin Ms. Purple," nakangiting sambit ko kay Ms. Purple. "Nakita mo na ba si Chairman Harold personally?" tanong niya sa akin. "Hindi pa po Ms. P," sambit ko. "Well, Let me tell you about him. He's old right now at dumadami na ang attitude niya sa mga tao kaya remember yung sinabi ko kanina. Attentive! Si Chairman ay may ilang branches na sa ibang bansa like Europe. Nag iistay si Chairman sa Europe for several years dahil sa pinapalago niya pa ang mga business niya doon. Ayon sa secretary niya magkakaroon na din tayo ng branch sa Korea at Japan maybe this year kaya mas sobrang magiging busy tayo sa work," paliwanag niya sa akin. "Sobrang yaman na ni Chairman kaya pala sobra siya kung mag pa-baby sa mga empleyado niya," sabi ko sa kanya. "Oo sobrang thankful ako kay Chairman dahil sobrang laki ng tipid ko dahil sa mga pa free niya dito sa company natin minsan yung sahod ko sobra-sobra na para sa pamilya ko. Nagkakaroon na ako ng mga pundar dahil sa kanya. Ultimong pagkain sa cafeteria natin pwede tayong mag take out tapos ang daming pwedeng gawin dito na pang extra curricular natin," nakangiting pahayag niya sa akin. "Kaya pala sobrang hirap makapasok dito sa company na 'to kasi madaming benefits ang mga empleyado at halos mga ace ang nandito," nakangiti kong sabi sa kanya. "Ayy oo tama ka dyan! Nakilala mo naman na yung mga bosses natin sa ibang department diba?" tanong niya sa akin. "Yes Ms. Purple. Ang mga big fish ng RFC parang ikaw lang Ms. Purple," nakangiting tugon ko sa kanya. "Bolero pa 'to! Ito pa pala Marco. Hearsay lang naman 'to pero sabi daw may kukunin na empleyado si Chairman papunta sa Europe kaya kung ako sayo gagalingan ko mamaya yung presentation ko,"  "Aaaah! Yung report ko nga pala Ms. Purple! Bakit hindi mo sinabi na may presentation pala ako mamaya?" tanong ko sa kanya. "Hey! Until now di ka pa tapos sa presentation mo? Kahit wala si Chairman may report at presentation kang ipapasa sa akin," nakataray niyang sambit. "I almost forgot Ms. P! I will finish it right away!" tarantang sambit ko sa kanya. "Alright! Iwan na kita para matapos kana sa report mo mahaba pa naman ang oras mo para mag prepare," sabi niya sa akin. "Thank you Ms. Purple." nakangiti kong sambit sa kanya. Pagkaalis na pagkaalis ni Ms. Purple ay tumayo na ako sa upuan ko para pumunta sa CR at mag hilamos ng mukha ko. Ginamit ko ang mga inabot na pang facial ni Ms. Purple mabilis kong tinapos ito upang bumalik sa trabaho para naman tapusin ang naantala kong trabaho. Mabilis na lumipas ang oras at natapos ko na din ang trabaho ko. "Sa wakas!" nakangiti kong sambit. Itinaas ko ang kamay ko sa itaas at iniunat ito sabay hikab ng pagkalaki-laki. Kinuha ko ang Face Mask at inilagay ko ito sa mukha ko at tsaka ay umidlip ako ng sandali.      Hindi na ako nakapag tanghalian dahil sa tinapos ko ang trabaho ko at inaral ko ang presentation ko mamaya para mabawi ko ang lakas na nawala sa akin ay umidlip nalang ako. Malamig ang kapaligiran at tahimik kaya mabilis kong nakuha ang antok ko.  Habang nasa kasarapan ako ng tulog ko ay biglang may pumasok na isang senaryo sa panaginip ko. ~ ~ ~ Naglalakad ako sa isang parke tapos sobrang daming tao ng mga oras na iyon. Habang naglalakad ako sa kawalan ay bigla kong nakita si Bea na may kasamang ibang lalaki nakaupo silang dalawa sa isang mahabang upuan at masaya silang nag tatawanan. Nakita kong hinihimas nung lalaki ang tiyan ni Bea at tuwang-tuwa naman si Bea sa ginagawa nung lalaki sa kanya. Bilog na bilog ang niya tapos habang hinahawakan nung lalaki yung tiyan ni Bea ay tinawag niya itong "Daddy". Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ng mga oras na ito parang nanlambot ang mga buto ko at nanlamig ang buong katawan ko sa nakita ko. Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-init ang ulo kaya sinugod ko silang dalawa at nakita kong gulat na gulat si Bea sa akin. Agad akong niyakap ni Bea para hindi ko madapuan ng malakas kong suntok ang lalaki ngunit bigo si Bea sa pag awat sa akin. Papatama na ang nagbabaga kong kamao sa mukha ng lalaki ng mga oras na ito ng biglang tumunog ang sinet kong alarm sa cellphone ko. ~ ~ ~ Dali-dali kong iminulat ang mata ko at pagtingin ko sa paligid ay nasa loob ako ng opisina namin. Umupo ako ng maayos at hinapo ko ang ulo ko at kinuskos ito. "Badtrip naman!" galit na sambit ko sa sarili ko. , "Buntis si Bea? Sino yung lalake? Teka bakit ganito ang panaginip ko?" paulit-ulit na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang panaginip ko pero swabe yung inis na nararamdaman ko ngayon. Naunahan na ako ng badtrip ko kaya panay si Bea nalang ang nasa isip ko at ang lalaking nasa panaginip ko. Tumayo ako sa upuan ko at naglakad-lakad ako para mahimasmasan ako dahil nag iiba ang pakiramdam ko.  "Hindi nalang sana ako natulog kung alam ko lang na yun ang panaginip ko!" inis kong sambit. Paulit-ulit akong nagkamot ng aking ulo dahil sa isang panaginip na iyon. Iritable at Napa-paranoid ako. Habang palakad-lakad ako sa pwesto ko ay dumating si Ms. Purple kasama si Chairman at ang iba pang mga member ng board na kilala ko. "Focus Marco! Kailangang mong umayos sa trabaho dahil kailangan mong mabuhay! Hindi ka mayaman kaya wag kang tatanga-tanga ngayon." inis na sambit ko. Makalipas ang dalawang oras ay oras na para sa presentation ko. Pumunta na ako sa meeting room namin para maghintay sa mga boss ko na dumating galing penthouse. Ilang minuto ang lumipas at unti-unti ng napupuno ang meeting room. Medyo kinakabahan pa ako ng mga oras na ito dahil first time kong mag pe-present kasama si Chairman at ang ibang mga bosses. "Ito na! Mag sisimula na kami sa meeting." sambit ko sa sarili ko. Sa unang presentation palang ng kasamahan ko ay naduduling at nalulutang na ako kaya para mawala ang antok at yamot ko ay unti-unti kong kinukurot ng bahagya ang kanang braso ko. After ng presentation ng kabilang department ay tumayo na ako para i-present naman ang report ko. Maganda ang naging daloy ng report ko sobrang smooth niya at walang kapalpakan kaya nakikita kong napapangiti si Chairman sa akin. Pagkatapos kong magreport ay nakita kong nag thumbs up si Ms. Purple at si Chairman kaya napangiti ako ng sobra sa kanila. Pagkatapos kong magreport ay umupo na ako agad sa upuan ko at nakinig ako ng mga report nila. Hindi ko inexpect na sobrang tagal pala ng meeting na 'to dahil sobrang dami ding mag re-report. Tapos na ako sa parte ko kaya nag slack off ako matamlay at malalim na naman ang iniisip ko ng mga oras na ito.  Bago pa man mag salita si Chairman ay nag salita din si Ms. Purple. Nag report siya ng statistic ng branch dito sa Pilipinas. "As you can see in the chart yung bar natin ay pataas meaning maganda ang takbo ng business natin dito sa pilipinas. Madami ang nagpa-patronize ng ating mga produkto hindi dahil sa mura ito kung hindi sa kalidad ng ating produkto. Masaya ako at ang aking team na ibahagi sa inyo na ang company natin ay tumanggap ng parangal galing mula sa ating gobyerno." lahad ni Ms. Purple. Nagpakpakan ang lahat at sobrang tuwang tuwa si Chairman sa narinig niya kay Ms. Purple kaya hindi mawala sa mukha nito ang ngiti. Tumayo na si chairman sa kanyang kinauupuan. Biglang naging seryoso ang mukha nito at naging mabigat ang vibes ng tumayo siya. Yung feeling na panelling kayo? Para akong natatae na kinakabahan sa kanya. "You've never fail me Paulina! Ikaw talaga ang nararapat sa posisyon mo. After the meeting meet me sa office ko," masaya niyang sambit kay Ms. Purple. "Thank you po Chairman." tugon ni Ms. Purple kay Chairman. Nagsimula ng magsalita si Chairman. Binabahagi niya ang kaganapan sa Europe at ang progression sa Korea branch medyo nalulutang na ako sa usapan sa meeting room kasi parang history ang sinasabi ni Chairman. Sobrang dami niyang pasikot at dagdag tapos ang bagal niya pa magsalita. Nalulutang na ako! Iba na naman ang takbo ng utak ko! Wala na ako sa katinuan ko! Piling ko lumilipad na naman ang isip ko dahil sa panaginip ko na yun. Hindi ko napansin ang sarili ko na nakatulala na ako sa hangin at lumalalim na ang iniisip ko. "Yes Mr?"  sambit ni Chairman habang tinuturo ako. Napatingin si Ms. Purple sa akin at nag me-make face. Bigla akong nagising sa katotohanan at napatingin ako kay Chairman at sabay turo sa sarili ko. Kinabahan ako bigla sa mga oras na ito. "Ma-Marco, Ma-arco Ramirez po Chairman," utal-utal kong sambit. "Marco Ramirez!" tawag niya sa pangalan ko. , "I was impress by your presentation," seryoso niyang sambit sa akin. "Thank you po," nakangiti kong tugon sa kanya. "Pero I wasn't expecting you to day dreaming while in the midst of our meeting. Let me ask you. Saang planeta ba tumatakbo ang utak mo ngayon at sobrang lalim ng iniisip mo?" masungit na tanong niya sa akin. "Po? Chairman?" gulat na tanong ko sa kanya. "Kanina pa ako nagdi-discuss dito and suddenly I saw you day dreaming. Nakakaboring ba yung pinag uusapan natin? Mr? What's your name again?" tanong niya muli sa akin. "Marco po," malungkot kong tugon sa kanya. "Talk to me later," galit na sambit nito sa akin. Para akong pinag-sakluban ng langit at lupa ng nahuli ako ni Chairman na nag de-day dreaming. Sobrang nakakahiya yung na caught yung attention mo sa maraming tao tapos yung may ari pa ng company ang nakahuli sayo. "Damn! I'm so stupid! Hindi dapat ako nag iisip ng mga non-sense sa trabaho ko. s**t! Nakakahiya sa mga officer ng board at syempre kay Chairman." inis kong sambit sa sarili ko. , "Badtrip! Ang bobo mo talaga Marco! Nakaka-inis ka sobra!" sambit ko sabay kotong sa sarili. Ilang oras ang lumipas bago matapos ang meeting namin at pagkatapos na pagkatapos ng meeting namin ay agad akong tinawag ni Ms. Purple. "Anong ginawa mo? Sabi ko sayo maging attentive ka bakit nag tutunganga ka kanina?" galit na tanong niya sa akin. "I'm so sorry Ms. Purple hindi ko din alam kung bakit bigla akong napatulala at tsaka hindi ko din alam na makikita niya ako kasi nasa likod ako nakapwesto," paliwanag ko sa kanya. "Sabi ko sayo napaka picky ni Chairman at talagang nag tatanong yan tapos nako! Goodluck sayo sana hindi ka masesante sa trabaho kasi minsan malupit din siya sa mga taong hindi naman deserve ang trabaho," inis na paliwanag ni Ms. Purple sa akin. "Sorry Ms. Purple." malungkot kong sambit sa kanya. Tumalikod na si Ms. Purple sa akin at patakbong lumapit kay Chairman. Mag uusap muna silang dalawa bago kami mag tutuos ni Chairman. Pagkatapos na pagkatapos kausapin ni Chairman si Ms. Purple ay tinawag na ako ni Ms. Purple sa loob ng opisina ni Chairman kinausap ako agad ni Chairman pag pasok ko sa opisina niya. "Meron bang nag bo-bother sayo kaya ka nag de-day dreaming kanina?" tanong niya sa akin. "Wala naman po Chairman," sambit ko sa kanya. "Since this is your first time I will not fire you but instead i will give you a punishment," seryoso niyang sambit sa akin. "Noted po," malungkot kong tugon sa kanya. "Mr. Marco Ramirez, I will give a 5 days suspension to your work. I don't care kung anong reason ng bothersome mo pero let me remind you that this is work separate your problems at home and focus to your job when you are at work. Ayusin mo yang problema mo kung meron man dahil iyan ang makakasira sa trabaho mo. I hope na meron kang napulot na idea sa mga sinabi ko kanina sa meeting dahil kung hindi," pangaral niya sa akin. "Meron naman po Chairman," malumanay kong sambit sa kanya. "Warning palang 'to sayo kapag nasundan ito i will fire you. You may go home now. Get some sleep and will see you next week," sambit nito sa akin. "I'm sorry chairman. Noted on that," sambit ko sa kanya. "Good." sambit ni Chairman sa akin. Lumabas na ako sa opisina ni Chairman at tumungo muna ako sa office namin para kunin ang mga gamit ko na naiwan ko doon. Pagpasok na pagkapasok ko palang sa office namin ay nakatingin na silang lahat sa akin.  Inaayos ko ang bag ko at pinatay ko ang computer ko ng biglang sumulpot sa tabi ko si Ms. Purple. "Hoy kamote!" sigaw ni Ms. Purple sa akin. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Ms. Purple na matalim ang tingin sa akin habang nakapamaywang. "Sorry po Ms. Purple," malungkot kong sambit sa kanya. "Sumunod ka sa office ko at may sasabihin ako sayo na importante," inis niyang sambit sa akin. "Sige po." malungkot kong tugon. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod ako kay Ms. Purple sa opisina niya. Masungit ang naging ugali ni Ms. Purple sa akin dahil sa ginawa kong kapalpakan kanina. "Ms. Purple," malungkot sambit sa kanya. "Kamote ka! Anong ginawa mo sa meeting? Sinabihan na kasi kita na wag mo munang isipin ang problema mo at mag focus ka sa trabaho pero anong ginawa mo? Nahuli kang tulala ni Chairman! So ano ngayon yan? Pinagalitan ka?" galit na sambit nito sa akin. "Pinagalitan ako pero okay lang kasi deserve ko naman yun," sabi ko sa kanya. "Tapos kang pagalitan anong ginawa sayo?" tanong niya sa akin. "Suspension," sambit ko. "Suspension lang? Akala ko fired na agad," gulat na sambit niya sa akin habang pinipigilan ang tawa. "Pasensya na Ms. Purple binigo kita hindi ko naman napansin na natulala na ako," malungkot na sambit ko. "Hay nako! Ayan-ayan jowa pa! Sakit sa ulo noh? Kung ako sayo iiwan ko na yan nandito naman ako eeh," pang aasar nito sa akin. "Very funny Ms. Purple," natatawa kong sambit sa kanya. "I'm serious," seryosong sambit ni Ms. Purple sa akin. "Kita nalang after 5 days Ms. Purple. Una na po ako sa inyo." sambit ko sa kanya sabay labas ng opisina niya. Na-shock lang ako sa sinabi ni Ms. Purple kaya nag madali na akong lumabas sa opisina niya. Paglabas ko sa opisina ni Ms. Purple ay agad kong kinuha ang bag ko para lumabas ng opisina namin. Malungkot akong naglalakad sa hallway habang sinasariwa ang kapalpakan na ginawa ko kanina. Alam mo ba yung umasa kang ma po-promote ka pero parang na demerit pa ako dahil sa katangahan ko. Dumadami na ang iisipin ko ngayon malapit na siguro akong masiraan ng ulo dahil dinagdagan pa ni Ms. Purple. "Nag confess ba siya sa akin? Joke ba yun?" paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Bago ako umuwi ng bahay ay pumunta muna ako sa cafeteria namin para kumain. Dahil sa buffet style kami sa trabaho ay kinuha ko lahat ng pagkain na gusto kong kainin at pagkatapos ay nagsilid ako ng kaunti sa lagayan ko para ipasalubong kay Mama sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD