Pagkatapos kong kumain sa cafeteria ay umuwi na ako sa bahay para mag pahinga medyo masama kasi ang loob ko ng mga oras na ito dahil sa ginawa ko. Matagal-tagal ko pa naman ding hinintay ang pagkakataon na ito pero nabalewala lang dahil sa katangahan ko.
Naglalakad ako sa daan pauwi sa bahay namin ng nakatapak ako ng pagkalaki-laking mina sa daan.
Napamura ako ng malakas dahil sinakot nito ang buong baba ng sapatos ko.
"Malas naman!" inis kong sambit sa sarili ko habang kinakamot ang ulo ko.
Madami ang nakakita na nakaapak ako ng mina sa daan kaya sobra nalang ang hiya ko.
"Saan ko naman pupunasan 'to? Nakakainis talaga kung sinuswerte ka talaga Marco!" inis kong sambit.
Wala na akong ibang choice para mawala ang mina sa sapatos kaya nag madali na akong naglakad pauwi sa bahay namin.
Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ay may isa na namang problema ang dumating sa akin. Kumulo ang tiyan ko at humilab ito marahil sa dami ng nakain kong pagkain sa cafeteria. Mabuti nalang at malapit na ako sa bahay namin ng nangyari ito.
Nasa harap na ako ng bahay namin ng mga oras na ito. Patakbo akong pumasok sa bahay namin dahil sa tinatawag na ako ng kalikasan sa pagpasok ko sa bahay ay naibalibag ko ang pinto kaya nagulat ni Mama sa akin.
"Anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong niya sa akin.
"Mamaya na tayo mag usap Ma!" sigaw ko sa kanya sabay pasok sa loob ng kubeta.
Isang malakas na hangin ang dumampi sa pisngi ko kasunod ng mabahong amoy.
"Amoy patay na daga!" nasusuka kong sambit habang nakahawak sa ilong ko.
Tagaktak ang pawis sa noo ko habang nag seseremonya ako sa kubeta pagkatapos ng ilang minuto ay nakamit ko na ang tagumpay mula sa madugong digmaan.
Lumabas na ako sa kasilyas at sa paglabas ko ay napatingin ako sa pwesto kung nasaan si Mama ngumiti ako sa kanya kaya biglang napakunot ang noo niya na nakatingin sa akin habang nag tataka.
"Bakit ang aga mong umuwi? Tumakas ka noh?" asar na tanong ni Mama sa akin.
"May ginawa akong katangahan sa trabaho kaya maaga akong umuwi," seryosong tugon ko sa kanya.
"Umuwi ka o pinauwi ka? Anong katangahan na naman ang ginawa mo?" tanong niya sa akin.
"Ang totoo kasi niyan Ma, naka 5 days suspension ako," malungkot kong sambit sa kanya.
"Huh? Bakit? Anong katangahan ba kasi ginawa mo?" naguguluhang mga tanong niya sa akin.
"Dumating kasi yung CEO namin kanina galing pang Europe tapos nag pa emergency meeting siya sa amin. Ok naman yung presentation ko na impress ko naman siya pero dahil sa sobrang tagal ng meeting namin bigla nalang lumipad ang isip ko at napatunganga ako," lahad ko sa kanya.
"Ayan tanga ka pala eeh! Bakit kasi tutunganga ka sa meeting niyo? Alam mo kung ako yung Ceo niyo tinanggal na kita sa trabaho," inis na sambit ni Mama sa akin.
"Mabuti nalang at hindi kita Boss!" natatawang sambit ko sa kanya.
Bigla akong kinutongan ni Mama.
"Tarantado ka talaga!" sigaw ni Mama sabay kotong sa akin.
"Aray ko naman Ma!" sambit ko sa kanya habang kinakamot ang ulo ko. "Sorry na Madam Anna hindi ko na uulitin yung nangyari ngayon dahil sobra akong nanliit sa pagkatao ko pagkatapos ng nangyari," malungkot kong sabi sa kanya habang nangangamot ng ulo.
"So paano ka ngayon niyan Anak? Anong gagawin mo ng isang linggo?" tanong ni Mama sa akin.
"Hindi ko alam? Siguro magso-soul searching ako Ma," sambit ko sa kanya.
"Huh? Para saan?" nalilitong tanong niya sa akin.
"Wala lang gusto ko lang hanapin yung sarili ko. Gusto ko lang mag muni-mini sa mga nararamdaman ko," malungkot kong sambit sa kanya.
Habang nag sasalita ako ay bigla akong binatukan ni Mama.
"Soul searching! Soul searching ka pa! Hala sige mag soul searching ka. Bahala ka sa buhay mo!" inis na sambit niya sa akin.
"Mama naman! Gusto ko lang liwanagin ang utak ko nahihirapan na kasi ako sa mga nangyayari sa akin," sambit ko sa kanya.
"Ano bang nangyayari sayo? Bakit soul searching? Diba pang single lang yun?" tanong ni Mama sa akin.
"Hindi lang naman pang single yung soul searching Mama pwede din 'to sa mga magulo ang isipan," paliwanag ko sa kanya.
"So ano nga? May problema ba kayo ni Bea?" tanong niya sa akin.
"Wala naman kaming problema ni Bea Ma," sambit ko sa kanya.
"Sige na mag bakasyon kana muna para maliwanagan ang isipan mo at hindi kana matulala sa trabaho mo. Wag kana muna mag puyat ngayon para naman mabawi mo ang mga kulang na tulog mo nung nakaraan. Kung gusto mo mag file ka pa ng isa pang linggong leave para lumipad ka pa amerika. Dalawin mo yung kasintahan mo dun baka naman kulang ka lang sa landi kaya lumilipad ang utak mo," paanyaya ni Mama sa akin.
"Gustuhin ko man pumunta doon Mama kaso hindi ko kaya kasi mas kailangan mo ako dito. Tsaka kulang ang dalawang linggo na bakasyon para pumunta ako doon tapos sayang pa sa pamasahe," saad ko sa kanya.
"Alam mo ang daming alam! Akala mo naman talaga inaalagaan mo ako," pang aasar ni Mama sa akin.
"Ewan ko sayo Mama! Praning ka talagang kausap kaya ayaw kitang iwan eeh! Kahit na minamaltrato mo ako minsan natatawa nalang ako sayo! Piling ko talaga sayo ako nag mana ng kabaliwan," natatawa kong sambit sa kanya.
"Tarantado!" natatawang sambit ni Mama sa akin kasabay ng isang malakas na kotong sa akin.
Kahit na bayolente itong Nanay ko mahal na mahal ko ito dahil simula noong bata palang ako siya na talaga ang lagi kong kasama sa lahat ng kalokohan.
Nag uumapaw ang kagalakan sa puso ko ngayon kaya nawala sa isipan ko ng panandalian si Bea at Jessy. Si Mama simula noong iniwan kami ng hilaw kong ama ang siyang naging ama at ina ng pamilya kaya sobrang thankful ako sa kanya sa pagpapalaki niya sa amin ng mabuti.
Si Mama napaka kalog talaga niyan na tao tapos hindi boring kausap kaya habang kausap at kabiruan ko si mama nawawala yung pagkayamot ko at stress.
"Maraming sa lahat Mama!" sambit ko sabay yakap ko sa kanya.
"Para saan?" gulat na tanong niya sa akin.
"Sa lahat ng sakripisyo mo sa akin," seryoso kong saad sa kanya.
"Ano ba yan! Pinapaiyak mo pa ako bakit ang sweet mo ngayon sa akin?" kinikilig niyang sambit sa akin.
"Syempre alam kong mahirap ang sitwasyon mo bilang Nanay namin kaya nararapat lang na mag pasalamat ako sayo," nakangiting kong sambit ko sa kanya.
"Ooh? So alam mo na ngayon?" natatawang sambit niya sa akin.
"Ma, May nilagay ako sa refrigerator kaninang pagdating ko gusto mo bang i-check yun?" seryosong sambit ko sa kanya.
"Ano yun?" seryosong titig niya sa akin.
"Tingnan mo nalang para malaman mo yung sinasabi ko sayo," sambit ko sa kanya.
Tumayo si Mama sa kinauupuan niya at pumunta sa kusina para kunin ang dala-dala kong pagkain para sa kanya.
"Cake!" bigla nalang niyang sigaw.
Bigla nalang ako napangiti sa sigaw ni Mama sa kusina. Paborito niya kasi ang cake kaya sobra nalang ang tuwa niya ng nakita niya ito.
Habang nakaupo ako sa upuan ay lumapit si Mama sa akin dala-dala ang kapiraso ng Cake.
"Anak, Ang sarap ng cake na dala mo," nakangiting sambit niya sa akin.
"Talaga?" tanong ko sa kanya.
"Oo nga! Saan mo 'to binili?" tanong niya pabalik sa akin.
"Kinuha ko lang sa cafeteria namin yan buti nalang nagustuhan mo," nakangiting sambit niya sa akin.
"May pa free na ganito sa work mo?" tanong niya sa akin.
"Yup! Masasarap ang mga pagkain sa work ko Mama tapos libre pa!" nakangisi kong sambit sa kanya.
"Ooh? Edi kayo na may masarap na pagkain sa trabaho. Bigla akong nagutom Anak baka naman?" paanyaya niya sa akin.
"Ok sige! Tara mag gayak ka at sa Mall tayo mag hahapunan ngayon treat kita," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Salamat Anak!" sambit niya sa akin.
Pagkatapos kainin ni Mama ang cake ay pumasok na siya sa kwarto niya para magpalit ng damit niya. Pumasok din ako sa kwarto ko para mag palit ng damit at mag ayos.
Umalis kami kaagad sa bahay at pumunta sa mall para mag hapunan.
Lumipas ang ilang minuto ng biyahe ay nakadating na kami sa mall na malapit sa aming lugar. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay makikita mo na agad ang mga iba't ibang stall ng kainan.
Naglakad-lakad muna kami ni Mama sa mall bago kami tuluyang naghanap ng makakainan. Habang naglalakad kami ay nakakita si Mama ng bilihan ng shake kaya bumili muna kami nun pampapawi ng uhaw.
Pinapila ko si Mama sa counter para siya ang umorder ng iinumin namin at nag hintay lang ako sa labas ng stall. Nakatingin lang ako sa mga naglalakad doon ng napukaw ng isang babae ang atensyon ko. Ang ganda niya at mukang bata pa kaya hindi ko na naman namalayan ang sarili ko na matulala ng bahagya sa kanya.
"Tigilan mo yang ginagawa mo na yan baka bigla ka nalang mabugbog ng boyfriend niyan," sambit ni Mama sa akin sabay tapik sa akin.
"Hala ka? Napatingin lang naman ako," pang de-deny ko sa kanya.
"Ayy siya sige deny pa! Ooh! Yung frappe na pinabili mo," sambit ni Mama sa akin sabay abot ng frappe.
"Salamat Ma." nakangiting sambit ko sa kanya.
Pinagpatuloy na namin ni Mama ang paghahanap ng makakainan panay ang lakad naming dalawa hanggang sa nakaramdam ako ng kiliti sa loob ko.
"Naiihi na ako," bigla kong sambit kay Mama.
"Kadiri! Kailangan mo pang sabihin yan?" inis na tanong niya sa akin.
Hindi ko na siya sinagot pa at nag madali na akong umalis sa harap niya para maghanap ng kasilyas.
Naglalakad na ako nito ng maalala ko si Mama na i-text para siya na ang mag hanap ng gusto niyang kainan.
~ ~ ~
"Ma! Text mo nalang ako sa kainan na nakita mo huh." text ko sa kanya.
Agad namang tumugon sa text ko si Mama.
"Ok!" tugon ni Mama sa akin.
~ ~ ~
Habang naglalakad ako papunta sa comfort room ay nakita ko si Jessy na may kasamang lalaki . Nakaupo sila sa isang restaurant na di kalayuan sa pwesto ko at doon ay seryosong kumakain. Nakakalungkot lang isipin na naglalaro sa dalawang emosyon ang pinapakita niya sa kasama niya. Mukang siyang masaya dahil panay ang ngiti niya ngunit nararamdaman ko kahit dito sa malayo na malungkot siya.
Gusto ko siyang lapitan ngayon ngunit nag dadalawang isip ako dahil baka yung lalaking kasama niya ngayon ay ang mapapangasawa niya. May itsura ang lalaki at mukang sobrang yaman niyo kaya ano nalang ang panama ko sa kanya kapag lumapit ako? Tsaka tingnan mo naman ang porma niya dito sa mall.
"Naka formal attire siya parang businessman lang o baka kabilang yan sa royal family?" tanong ko nalang sarili ko. , "Bagay silang dalawa pareho silang may itsura pero mas gwapo ako sa lalaki kaya mas bagay kami." inis na sambit ko.
Kakatingin ko sa kanila bigla nalang akong nalungkot kaya napabugtong hininga nalang ako ng malalim.
Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ay biglang tumayo ang lalaki sa kinauupuan niya at umalis sa pwesto nito. Napangiti ako ng bahagya dahil mag-isa nalang si Jessy sa table lalapitan ko na sana siya sa oras na ito ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag si Mama.
Agad akong nagmadaling umalis sa kinatatayuan ko at pumasok sa comfort room.
Nasa loob na ako ng comfort room ng mga oras na ito ng biglang dumating yung lalaking kasama ni Jessy puwesto ito sa tabi ko kaya bigla akong napatingin sa kanya. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at tumungo ako sa sink para maghugas ng kamay.
Habang nag huhugas ako ng kamay ay hindi ko talaga matanggal ang tingin ko sa kanya.
"Tsss! Mas gwaping pa ako sayo!" inis na sambit ko sa sarili ko.
Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla din siyang napatingin sa akin kaya bigla kong inilihis ang tingin ko sa ibang direksyon.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay biglang tumunog na naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag.
"Text mo nalang sa akin yung location Ma! Palabas na ako dito sa Cr." sambit ko kay Mama sabay patay ng tawag niya.
Inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at lumabas na ako ng Cr saktong paglabas ko ay sumunod din sa akin ang lalaki na kasama ni Jessy sabay sagot din ng tawag sa kanya.
"Yes Dad? I'm with Jessy right now! Opo ako na pong bahala kay bunso. Inaaliw ko lang ito ngayon dahil hanggang ngayon malungkot pa din dahil sa pag kawala si Manang Josie." sambit nito sa Tatay niya.
Napatingin ako sa kanya at napangiti.
"Kuya niya." nakangiti kong sambit.
Lumihis ng ibang direksyon ang lalaki papalayo sa restaurant na kinakainan nila habang naglalakd ako papalayo sa Cr ay natanaw ko ang pwesto nila Jessy na wala ng tao.
Habang seryoso akong nakatingin sa pwesto ni Jessy ay may nabangga akong babae. Napatingin ako sa kanya at nakita ko si Jessy.
"Sorry," tulala kong sambit sa kanya.
Bigla akong bumalik sa ulirat ko at kinamusta ko si Jessy.
"Kamusta ka pala?" bigla ko nalang nasambit sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at umalis nalang siya na para bang walang Marco na nakabangga sa kanya.
"Ganto ba kalala yung ginawa ko sa kanya at hindi niya ako kinausap o nginitian man lang?
Iniwan akong nakatanga ni Jessy na nakatingin lang sa kanya habang papalayo siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya sa akin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Naglakad na ako papalayo sa kanya ramdam ko na may something sa mga tingin niyang yun. Parang hindi na siya yung babaeng nakilala ko.
Habang naglalakad ako ay kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Mama.
"Ma, Nasaan ka?" tanong ko sa kanya.
"Nandito ako sa buffet Anak dito nalang tayo kakaing dalawa tulal gusto mo naman akong tumaba kaya dito nalang ako kakain," sambit ni Mama sa akin.
"Sigurado ka na diyan? May oras ka pa para magbago ang isip," natatawang sambit ko sa kanya.
"Dalian mo na at papasok na ako sa loob!" sambit niya sa akin sabay patay ng tawag ko.
Tiningnan ko ang mensahe niya sa akin at agad akong tumungo sa restaurant kung nasaan siya.
Ilang sandali pa'y natahak ko na kung nasaan si Mama. Pagdating ko dun ay agad kaming pumasok na dalawa at pumili ng makakain. Habang kumakain kami ni Mama ay hindi ko siya napigilang tanungin.
"Ma?" tanong ko sa kanya.
"Ano yun?" tanong niya pabalik sa akin.
"Meron kasi akong ka-trabaho na may problema sa lovelife," sambit ko sa kanya.
"Ooh? Anong gagawin ko sa lovelife niya?" asar na sambit ni Mama sa akin.
"Ito nga humihingi siya ng payo sa akin eeh hindi ko alam ang isasagot ko kaya itatanong ko nalang sayo," sambit ko sa kanya.
"Ano ba yun?" tanong ni Mama sa akin.
"Ikakasal na kasi siya sa girlfriend niya pero may napupusuan siyang babae ngayon yung girlfriend niya nasa ibang bansa at yung natitipuhan niya papuntang ibang bansa din," lahad ko sa kanya.
"Ooh? Edi kawawa naman pala siya lagi siyang iniiwan ng mga mahal niya," sambit ni Mama.
"Makinig ka muna ito naman ooh! Nagkaroon ng intercourse dun sa napupusuan Ma tapos siya pa daw naka-virgin dun sa babae," sambit ko. , "Pero yung ka-work ko nag ta-try na tanggalin sa isip yung napupusuan niya pero ito nga yung malupit Ma," kwento ko sa kanya.
"Anong malupit dun? Cheater yang ka-work mo," seryosong sambit ni Mama sa akin.
"Alam naman niya na nag cheat siya Mama ang problema nga lang Mama parang may something dun sa girlfriend niya," kwento ko sa kanya.
"Something na ano?" tanong niya sa akin.
"Napapanaginipan daw niya yung girlfriend niya na buntis," kwento ko.
"Hmmm... Siya talaga may karapatang manghinala samantalang siya ang nagloloko! Ano ba yang katrabaho mo tanga? Pasa-kumplemento siya sa girlfriend niya kasi siya ang may ginagawang kalokohan," galit na sambit ni Mama.
"Nagsisisi naman na daw siya sa ginawa niya Mama at sinusubukan niya muling magbago para sa fiancee niya,"
"Dapat lang na magbago siya nako! Hindi laro-laro ang pag-alok ng kasal Marco huh! Sobrang importante sa aming mga babae yang bahay na yan dahil diyan nagsisimula ang pagbuo ng pamilya. Kung yung kawork mo nag da-doubt siya sa girlfriend niya siguraduhin muna niya kung totoo bago siya magloko at iwan yung babae kasi sobrang masasaktan yung girlfriend niya kapag ganun ang ginawa niya," paliwanag ni Mama sa akin.
"Salamat Mama makakarating yung sinabi mo sa akin." sambit ko sa kanya.
Hindi na muli ako nagsalita kay Mama at itinuon ko nalang sa pagkain ang atensyon ko ng biglang nagsalita ulit si Mama sa akin.
"Iyon bang ka-work mo ay ikaw?" tanong niya sa akin.
"Ako? Hindi noh! Masaya kami ni Bea at walang problema sa aming dalawa," natatawang sambit ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun. Marco, Anak kapag may problema ka wag kang mahihiyang magsabi kay Mama huh? Tayo nalang dalawa ang magtutulungan ngayon dito kasi ako lang ang nasa tabi mo," sambit ni Mama.
"Opo Ma! Salamat po," sambit ko kay Mama sabay yakap sa kanya.
"Ayy siya nga pala may lakad kami ng Tita Sugar mo sa susunod na araw mag Cebu kami. Kaya walang matitira sa bahay natin next week," nakangiting sambit ni Mama sa akin.
"Ayy iba 'to! Bakit ngayon ka lang nag paalam sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Bakit kailangan bang mag paalam ako sayo?" tanong niya sa akin.
"Aaah mukang may ipon naman ata 'to," nakangising sambit ko sa kanya.
"Ito nga ang problema Anak. Wala akong pera kaya penge ako siguro mga sampung libo lang?" nakangiting sambit niya sa akin.
"Hala? Ginawa pa nga akong Sugardaddy niya," sambit ko.
"Sige na ibalik ko din sayo yung pera kapag nagkapera na ako,"
"Saan ka naman magkakapera aber?" nakataray kong sambit sa kanya.
"Sa'yo!" natatawang sambit niya sa akin.
"Sige na bibigyan na kita ng pera mag enjoy ka doon at maghanap ka na ng boyfriend mo para naman may makasama ka na din," pang aasar ko sa kanya.
"Pera nalang wag na boylet! Sige na kain lang ng kain hanggang maimpatcho ka!" natatawang sambit ni Mama sa akin.
Tinapos na namin ni Mama ang pagkain naming dalawa.
Lumipas ang dalawang oras ay natapos din kaming kumain na dalawa. Sobrang sakit ng tiyan ko dahil sa dami ng kinain naming dalawa.
"Ma, Uwi na tayong dalawa at bukas na bukas mag grocery tayo para may madala tayong baon sa pupuntahan natin," sambit ko kay Mama.
"Sige anak." sambit ni Mama sa akin habang hinihimas ang tiyan niya.
Pagkatapos naming kumain ni Mama ay nagmadali na kaming umuwi sa bahay para magpahinga.
Pagdating na pagdating palang namin ni Mama sa bahay ay pumasok na ako sa kwarto para buksan ang computer ko.