ANGELA'S POV
"Mas maganda kung sa isla ka tumira" Sabi sa 'kin ni Kuya Alvin, ang mga mata niya ay kumikinang na parang nakakita ng bagong laruan. "Malawak at tahimik, perfect para sa'yo at sa baby."
"Anong sa isla kanino sayo, sus, it's better for you to live in my mansion, Angela" si Kuya Anthony naman, ang ngisi niya ay parang nang-aasar. "Mas malaki at mas maganda, may swimming pool pa!"
"Sa US ka titira," si Kuya Adrian, kaya gulat akong napatingin sa kanya.
"Ano sa US!" bulalas ko. "Bakit naman?"
"Siguro mas maganda kung dito nalang ako sa Pilipinas at mas maganda siguro kung mamuhay ako ng simple lang yung kaming dalawa lang ng anak ko" sabi ko at nag katinginan silang tatlo.
"Simple, hindi puwede ikaw ang prinsesa namin tapos simple." si Kuya Alvin "Dapat prinsesa ka pa rin kahit saan ka man tumira!"
"It's actually better to live simply. You should live on the island, Angela," pag-uulit ni Kuya Alvin, ang tono niya ay parang nagbibigay ng payo. "Malapit sa dagat, masarap ang hangin, at mas mapapanatiling ligtas ang baby mo."
"If the island is simple, how much does it cost again?" tanong ni Kuya Adrian.
"1.5 billion, it's vast" sabi ni Kuya Alvin kaya napaubo ako bigla 1.5 billion bakit ang mahal.
"Kuya Alvin, that's cheap. In the mansion, you can do a lot more and it's only 20 billion," bakit napaka mamahal naman.
"Saka Angela binili ko na yon para sayo, sayo ko ipinangalan ang mansyon" sumasakit ang ulo ko sa sinabi ni Kuya Anthony.
"Can you two stop? Nagpapa yabangan ba kayo?" Tanong ni Kuya Adrian, ang boses niya ay may bahid ng inis. "Ang importante ay ang kaligtasan at kaginhawaan ni Angela at ng baby."
"Hindi Kuya/No," sabay na sagot nilang dalawa."Seryoso kami, Angela. Gusto lang namin ang pinakamaganda para sa'yo."
"Eh ano lang?" Tanong ko, ang boses ko ay nanghihina na. "Bakit parang nag-aaway kayo dahil sa akin?"
"Nagsasabi lang kami ng totoo," sabay na sagot nilang dalawa.
Napapikit ako at napahawak ako sa ulo ko, enhale exhale Angela, wag kang magpaka stress.
"Sa US ka titira," si Kuya Adrian, ang boses niya ay seryoso. "Mas ligtas doon, mas maganda ang healthcare system, at mas maraming opportunity para sa'yo at sa baby."
"Pero Kuya---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Kuya Adrian.
"No but's, and that's final," sabi niya sa seryosong boses kaya napanguso ako.
"Desisyon ka Kuya" si Kuya Alvin
"Kuya diba puwede naman na sa isla ko nalang" si Kuya Alvin. "Mas peaceful doon, mas malapit sa kalikasan."
"You two, shut up" naiinis na sabi ni Kuya Adrian
"Lagi nalang ikaw nasusunod porket ikaw ang panganay," bulong ni Kuya Anthony pero narinig ko. "Pero Kuya, dapat naman may choice si Angela."
No choice, si Kuya Adrian talaga ang masusunod.
"Eh kung itakas kaya natin si Angela kay Kuya Adrian, ha Kuya Alvin" bulong ni Kuya Anthony kay Kuya Alvin
Pabulong bulong pa naririnig naman namin ni Kuya Adrian.
"Oh, is that so? Go ahead, try it." nagbabanta ang tono ni Kuya Adrian
Nagtakip ako ng mukha pagkatapos ay inalis ko rin, "Puwede bang tumahimik muna kayong lahat, please," naiiritang sabi ko. "Ang sakit na ng ulo ko."
"Ok, ok fine buntis" nakangising sabi ni Kuya Anthony talagang nag iinis pa.
"Tatahimik na po Prinsesa Angela" nakangiting sabi ni Kuya Adrian.
Tinaasan ng kilay ni Kuya Alvin silang dalawa, "Haysttt stress na si Angela, umalis nga muna tayo dito," Ani ni Kuya Alvin. "Para makapagpahinga siya."
Si Kuya Alvin ang unang lumabas, sumunod si Kuya Adrian at Kuya Anthony.
Ang hirap kapag may kapatid kang mas matanda sayo pero sila pang sakit sa ulo.