bc

Angel Of Section D

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
possessive
badboy
badgirl
gangster
comedy
twisted
highschool
friendship
lies
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Astrea Francine Gomez, isang basagulerang may masakit na nakaraan. Pinag enroll ito ng kanyang mga magulang sa Harvard University at dapat mag tino ito kung hindi ay mapapadala siya sa America na ayaw ni Francine mangyari.

Ngunit paano pag pumasok ka sa isang section na puro lalaki lang at kahit isang babae ay wala? Matitiis mo ba ito?

Paano nga ba titino si Francine kung sa unang araw niya palang sa Harvard University ay magsisimula na naman ang panibagong gulo sa buhay niya?

Magiging maayos at tahimik nga ba ang buhay ni Francine kung makabangga niya ang nagiisang presidente ng Section D na si Jared Kent Carter?

Paano nga ba magiging tahimik ang buhay mo kung lagi ka namang pagtritripan nito? Makakaya mo ba?

Makakaya mo ba ang mga pagsubok na naghihintay sayo? Paano mo nga ba matitiis na hindi makipag basag-ulo kung puro pakikipagbasag-ulo naman ang naghihintay sayo nang mapabilang ka sa section na ito?

Pero paano pag unti-unti mong napapansin na nahulog kana pala sa taong kinaiinisan mo? Sa taong lagi kang binu-bully?

Ano nga ba ang mangyayari sa buhay ni Francine?

"You are our only ANGEL OF SECTION D"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1: Transfer Francine POV "Francine!" pasigaw na tawag sa akin ni daddy kaya naman napapikit ako dahil alam ko na kung bakit niya ako tinatawag sa gano'ng boses. Eto na naman kami, siguro nalaman niya yung ginawa kong katarantaduhan na naman sa school kaya na-kick out na naman ako. "Why dad?" sinubukan ko magkunwaring inosente baka sakaling makatakas ako mula sa galit ni daddy. "Francine, how many times I said na magtino ka ha?! Ilang beses kana na-kick out sa school na napapasukan mo. Halos 'di ko na mabilang na bata ka! Jusko Francine, sumasakit ang ulo ko sa 'yo. Maaga ata akong mamatay sayong bata ka," sabi ni dad habang hawak-hawak ang sentido niya kaya naman napabuntonghininga naman ako dahil doon. Hindi ko naman intensiyon na lagi akong ma-kick out sa iba't ibang school na napapasukan ko. May dahilan naman ako. Sila ang unang umaaway sa akin lumalaban lang ako. "Bakit dad? Ano bang ginawa ko at nagsisisigaw ka diyan?" inosenteng saad ko kagaya nga ng sabi ko kanina malay niyo makatas, kung papalarin man. "Seriously Francine? Anong ginawa mo? Well, sasabihin ko lang naman sayong bata ka na sinapak mo yung adviser niyo na kapatid ng dean sa school niyo. Now, sabihin mong anong ginawa mo at bakit ako nagsisigaw dito bata ka!" sigaw ni dad. Grabe galit na galit na si dad. Halos pumutok na yung ugat sa ulo niya. Aamin na nga lang ako baka mas lalo pa siyang magalit sa akin at ipadala na niya ako ng tuluyan sa Japan. Bagay na ayaw kong mangyari. "Kaya ko naman ginawa yun dad dahil bastos kasi siya. Noong uwian na namin ay pinapunta niya ako sa office niya. Ako naman siyempre pumunta sa office niya baka may sasabihin lang. Pagkapasok ko sa office niya ay pinaupo niya ako sa upuan sa harapan ng desk niya. Lumapit siya sakin tapos no'ng nasa tapat ko na siya napansin ko yung kamay niya na papunta sa legs ko tsaka hinipuan ako," nanggigigil na kwento ko kay dad at napansin ko na nag-iba rin ang mukha niya. "Aba, hindi ko naman pwedeng palagpasin iyon dad. Dahil rin sa sobrang gulat ko ay nasuntok ko siya," paliwanag ko sa kanya. Totoo lahat ng sinabi ko saka nga pala hahalikan rin dapat ako ng manyak na teacher na iyon kaso nasapak ko agad siya sa kanyang bibig. Naturingan pa naman siyang teacher at adviser ng section namin. Kapatid rin siya ng dean kaya naman malakas ang loob niyang gumawa ng mga ganoong bagay. "Tarantado naman pala 'yang adviser mo na iyan ah! Francine sabihin mo yung pangalan ng tarantadong adviser mo na 'yun at sabihin mo rin sakin ang address ng bahay dahil bubugbugin ko siya," sabi ni dad at nagsimula ng magpupuyos sa galit nang nalaman ang dahilan ko. "Huwag na dad naturuan ko na rin naman siya ng leksiyon. Nasuntok ko na siya, siguro naman magtatanda na siya doon," nakangising sagot ko kay daddy. "Very good, baka anak ko yan," bigla-bigla na lang talaga 'to sumusulpot si mommy kung saan-saan. Kung tatanungin niyo kung nasaan si mommy kanina ay nasa kusina siya, nagluto. "Pero kailangan pa din managot ng adviser na iyon sa ginawa niya sa 'yo. Bukas na bukas ay pupunta ako sa school mo para ireklamo siya. Hindi ko pwedeng mapalagpas ang ginawa niya sa 'yo anak," sabi naman ni daddy na naiinis pa rin. Hindi ko naman siya mapipigilan sa kanyang desisyon dahil kung ano ang gustong gawin ni daddy ay hindi namin siya mapipigilan ni mommy. "Anak natin Althea," sabi ni dad at pinag diinan pa ang salitang 'anak natin'. Para talaga silang teenager laging parang aso't pusa kung mag-away. Pero alam ko naman na mahal nila ang isa't isa. "Oo na John, anak na natin kung anak natin. 'Wag kana mag-emote diyan para kang bata, basta sakin nagmana yan si Francine," sabi ni mommy habang nakangisi kay dad kaya naman napanguso na lang si dad. "Oo nga pala Francine, doon ka na sa Milton Harvard University na pinapasukan ng kuya Ethan mo," sabi ni dad. Wait what?! Tama ba ang rinig ko sa sinabi ni daddy? Ipapalipat ako sa university na pinapasukan ni kuya? "Dad, tama ba ang naring ko? Ipapalipat mo ako sa pinapasukang university ni kuya?," sabi ko kay dad at tumingin sakanya, tumango naman siya. "Dad naman e! Alam mo naman na ayaw ko doon sa university na iyon," sabi ko. Marami kasing mga gangsters, perverts, brats, bitches, at iba sa university na iyon kaya ayaw ko doon, kahit naman basagulera ako ay matino naman ako no! "Well, wala tayong magagawa Francine. Wala na tayong maipapasukang school sayo, halos lahat ata ng university at school napasukan mo na kaya't wala tayong magagawa kung hindi ipasok ka sa university na pinapasukan ng kuya mo kaya magtino ka Francine dahil pag hindi ka pa nagtino ipapadala talaga kita sa Japan sinabi talaga sayo. Isa pa at para mabantayan ka rin ng kuya Ethan mo," mahabang sabi ni dad na siyang ikinainis ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ni dad, kailangan ko rin magtino sa university na yun dahil baka ipatapon pa ako sa Japan na ayaw kong mangyari. Mas lalong ayoko kasi doon tumira sa Japan. "Sige doon na po ako mag-aaral sa university na iyon pero pano pag binully ako doon? Sinaktan? Edi hindi ako lalaban?" tanong ko kina mommy at daddy saka naman ako napangisi. "Siyempre anak lalaban ka, pero pag sobra na," sagot ni mommy sa akin akala ko pa naman ay magbabago ang kanilang isip patungkol doon. "Saka nandoon naman ang kuya Ethan mo para bantayan ka." "Sige po mom, dad pumapayag na po ako," sabi ko at napabuntong hininga na lang. "Very good Francine, bukas na bukas rin pupunta tayo sa pinapasukang university ng kuya mo para ipa-enroll ka at makapasok ka na agad," sabi ni daddy. "Sige na sweetie, umakyat kana sa kwarto mo at at simulan mo na ayusin ang gamit mo," nakangiti na sabi ni mommy sa akin saka nila ako hinalikan sa aking noo na siyang ikinangiti ko. Hinalikan ko din muna sila mommy at daddy sa pisngi bago ako nagsimulang umakyat sa kwarto ko. Nang makaakyat na ako sa kwarto ko ay pumunta muna ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako at umakyat na sa kama. Nakapagdesisyon ako na mamaya ko na lang aayusin ang mga gamit ko pagkatapos magluto ni mommy dahil manunuod muna ako ng k-drama sa laptop ko na ang pamagat ay Tale Of The Nine Tailed. Maya-maya ay tinawag na rin ako ni mommy dahil kakain na kami. At habang kumakain kami ng aming hapunan ay lalo pa nila akong binilinan na magtino na doon sa bago kong papasukan. Kung ako lang naman ay hindi ko rin naman gusto ang makipag-away pero sila ang unang gumawa ng masama sa akin kaya naman kinakailangan ko din na protektahan ang aking sarili. "Sana nga lang ay maging maayos na ang buhay ko doon sa bago kong lilipatan. Pero kung ako ang unahan nila ay hindi ko sila aatrasan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook