"HERE'S the information that you need," sabi ni Bern, saka niya inabot kay Miguel ang impormasyon na hinihingi nito para sa paghahanap sa Mommy niya. "Ay hija, maupo ka muna dito at nang maayos kayong makapag-usap." Paanyaya ni Lola Dadang. Ngumiti siya dito. "Maraming Salamat po," sagot niya. Doon sila pumwesto sa lanai ng Mansiyon ng mga Mondejar. Doon sila nagpatuloy sa pag-uusap ni Miguel. Habang ang ibang mga pinsan naman nito ay abala sa pagta-trabaho bilang mga Carwash Boy sa mga oras na iyon. "Oo nga pala, eto 'yung picture ni Mommy." Pahabol niya, sabay dukot ng picture nito mula sa likod na bulsa ng suot niyang shorts. "It was taken ten years ago." Kinuha iyon ni Miguel saka napangiti. "Madali ko siyang makikilala," anito. Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga? Paano?" tanong

