"I GUESS I made the right decision in hiring you." Napaangat ng ulo si Bern. Awtomatikong napangiti siya nang makita kung sino ang biglang nagsalitang iyon. Nakahalukipkip si Wesley habang nakasandal sa hamba ng pinto ng pribadong opisina niya. "Hi, come in." bati at anyaya niya dito. "Kumusta ang pagta-trabaho mo dito?" tanong nito sa kanya pag-upo nito sa isang bakanteng silya sa harap ng mesa niya. "Good. Actually, nag-e-enjoy ako sa trabaho ko." Nakangiting sagot niya. "That's nice. The way I look at you on how you work. Mukhang madali kang nakapag-adjust." Anito. Tumango siya. "I'm a fast learner." Biro niya dito. Tumawa ito. "Now, look whose boasting? Kaya nga inis ka sa akin noong una di ba?" sabi pa nito. "Joke lang, ikaw naman!" sagot niya dito. Sa loob lamang ng isang bu

