HINDI mapakali si Bern sa pagkakaupo. Parang bomba na sumabog sa harap niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan. Ang lalaking inaakala niyang isang ordinaryong Carwash Boy. Ang lalaking madalas lang niyang nakikitang nakatambay sa kahabaan ng Tanangco, na naging libangan na yatang bulabugin ang isip niya. Heto ngayon sa harapan niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito. Pero isa lang ang sigurado, nahihiya siya. Lalo na at binigyan pa niya ito ng tip na dalawang daan piso, na kung tutuusin ay barya lang dito. Dahil ang totoo, kahit siya ay kaya nitong bilhin kung nanaisin nito. "Good Morning, Miss Ulpindo. Have a seat." bati pa ni Wesley. Pakiramdam ni Bern ay parang napako siya sa kinatatayuan. Ang mga folder na dala niya ay biglag dumulas sa mga kamay niya. She w

