"Ikakasal na si Allyson." Sabi sakin ni Musica dahilan para tumingin ako sakanya.
"Kay Felix?" Tanong ko.
"Oo, may bachelorette party nga sa Paris eh. Sabi kase ni Allyson kay Felix gustong gusto mo makapunta sa Paris." Sabi nito na ikinalaki ng mata ko.
"Hoy kaya ko namang pumunta sa Paris mag isa mamaya hindi pala nila sa Paris talaga gusto mag bachelorette." Sabi ko dito.
Tawa lang ang isinagot nito saakin at nag patuloy na siya sa pag babasa ang dami niyang reading's, kung ako lang ang papipiliin ay Legal Management din ang course na kukunin. Kaya lang gusto ni papa na may Architecture ako wala naman akong magagawa dahil siya ang nag papaaral saakin.
"May gagawin ka mamayang gabi?" Tanong nito saakin.
"Bakit?" Tanong ko meron pa kasi akong mga gagawing plates next next week pa ang pasahan non pero gusto kong maaga akong matapos para hindi ako mag madali sa pag gawa.
"Sa Starbucks tayo malapit dito sa condo, pupunta don sila Yaji." Sabi nito kaya tumango na lang ako.
"Okay lang saakin."
"Bibili na kami ng dress bukas sasama ka ba?" Tanong nito.
"Oo, may bibilhin din ako." Sabi ko.
Mabilis lang kaming nag ikot sa mall dahil nakakita ulit sila ng dress na babagay sa theme ng wedding nasa isang accessories shop kami nasa rings section sila habang ako at si Musica ay nandito sa necklace section.
"May nakita akong initial mo." Sabi niya bago ipakita saakin ang necklace na nakita niya.
Devin. Oh no erase erase.
"I'll buy it." It's Devin's initial not mine.
Nakabili na sila kaya ng bayad na kami i also bought a diamond ring, sa bahay nila Allyson kami dederetso dahil bukas na daw agad ang bachelorette party, hindi man lang ako na inform.
"Uyy nandito ka pala Cy." Sabi ni Theo bang makita akong nakaupo sa sala.
"Hindi wala ako dito."
"Miss ka na daw ni Devin!"
"Miss ko na din kamo siya." Walang pakealam na sabi ko.
"Oy pre tamang tama miss ka na daw ni—" Naputol ang sasabihin ni Theo ng takpan ko ang bunganga nito.
"Tara Theo nag crave ako bigla ng ice cream, halika ka na." Sabi ko hihilain sana si Theo ng biglang may humawak sa pulsuhan ko.
"Ako na lang sasama sayo." Sabi sakin ni Devin bago hilain ang pulsuhan ko.
Ng makarating kami sa gate ay saka niya lang ako binitawan napako ang tingin niya sa dibdib ko ng tingnan ko kung anong tinitingnan niya ay iyong kwintas pala.
"Nasa loob pa yung wallet ko." Sabi ko ng bigla siyang nag lakad palapit saakin.
"I hope it's my initial, but we have the same initial." It's yours Devin.
Ang sabi niya ay libre niya na sinisipon ako! Pero sige libre naman bakit ako tatanggi grasya yon malapit na kami sa 7/11 ng bigla niya akong akbayan.
Ng sundan ko ang tingin niya ay dun siya nakatingin sa mga tambay malapit sa 7/11, ay hindi nasa 7/11 na talaga dahil nakaupo dila don sa entrance at exit ng 7/11. Nag tuloy tuloy kami ng lakad hanggang sa maka pasok kami dumiretso siya sa mga chips ako naman ay naka sunod lang sakanya.
Ng matapos siya sa pagkuha ay inakbayan niya agad ako at hinila papunta sa ice cream section binaba niya ang basket na hawak bago siya kumuha ng magnum na ice cream yung nasa cup na malaki! Favorite ko yon!
"Favorite mo ito diba? Ito na lang ang kunin natin." Sabi niya sakin bago ilagay sa basket ang dalawang magnum ba kinuha niya.
Napadaan kami sa Siopao kaya nag pabili na din ako non dahil favorite ko iyon comfort food ko yon ehh, dalawang paper bag ang bitbit niya tapos naka akbay pa siya saakin. Sabi ko nga ako na lang ang nag bibitbit nung isa para hindi siya mahirapan pero ayaw niya.
"Ay wow may pa akbay ang ferson." Sabi ni Kristella ng makapasok kami.
Sa sala kami dumiretso nilapag ni Devin yung dalawang paper bag tyaka nito nilabas lahat ng binili namin sa 7/11 may karamihan ito kaya medyo nag tagal siya.
"Kay Cy yan!" Sabi ni Devin kay Theo ng akmang kukunin ni Theo yung siopao tyaka yung ice cream na magnum.
"Sige lang okay lang kunin mo na." Sabi ko dito.
Kinuha ni Devin yung isang ice cream at pumunta sa kusina bumalik ito na may hawak na kutsara at bukas na yung ice cream, umupo muna siya sa tabi ko bago ibigay sakin yung ice cream.
"Baka siponin ka niyan Delancy ha sinasabi ko sayo" Sabi ni Chanel sakin ng akmang isusubo ko na.
"Konti lang naman eh." Sabi ko bago isubo ang nasa kutsara.
Nanonood sila ng Movie gusto ko manood ng minions! Kaya lang ayaw ni Theo mag oanood ang damot kanina pa yan papansin.
"Minions naman!" Sabi ko ng matapos ang pinanonood nila.
"Kaka minions mo mag kasing liit na kayo nung minions." Sabi sakin ni Theo na ikinatawa nila Musica.
"Papansin ka na naman, manahimik ka diyan f**k you." Sabi ko bago itaas ng middle finger.
"Profanity." Seryosong sabi ni Devin kaya naman agad akong napatakip sa bibig ko.
Nakalimutan kong nandito pala siya! Ayaw niya kaya sa babaeng nag mumura pero siya palamura din.
"Si Theo kase." Sisi ko pa kay Theo.
"Ako na naman nakita mo."
7:30 ang flight namin ala una na nga natulog sila Kristella eh sila kase walang problema dahil mag katabi silang tatlo nila Yaji eh ako ang katabi ko si Devin at Chanel ehh ang malas pa dahil nasa gitna si Devin!
12:30 ako natulog 4:40 naman ako nagising chineck ko muna yung mga dadalhin ko para hindi ako mag ka problema habang nasa Paris kami, at least alam kong dala ko lahat ng kailangan kong dalhin hindi ko need mag hanap pa ng mga essentials ko.
Isang pack nga ng pad ang dala ko para hindi ako kulangin si Kristella ang ka roommate ko dahil yun ang sinuggest ni Chanel ayokong katabi to pero okay na dahil may mga need akong gawin na plates at least tahimik dahil alam kong mag babasa din siya ng readings niya.
Malapit na kasi ang exam nila for this semester last na semester na to for this year pinag iisipan ko pa kung pupunta ako sa paskuhan dahil nakakatamad din ano! Taon taon kaming nandon hindi sila nag sasawa.
"Kain na daw!" Sigaw ni Kristella sa pinto.
Inayos ko muna ng sarili ko bago sumunod kay Kristella pababa pag dating ko ay nandon na silang lahat, sa tabi ni Devin ako umupo dahil yun na lang ang bakanteng upuan bacon, ham, egg at fried rice ang nasa lamesa may coffee din.
Si Allyson at Kristella ata ang nag prepare ng lamesa ako lang kase ang naiiba sakanila i mean bread at kape lang ang nasa harapan ko sila plate at baso, tumingin ako kay Devin ng maramdaman na may nakatingin saakin.
"Iyan lang ang kakainin mo?" Tanong niya sakin na ikinatango ko.
"Hindi ako sanay kumain ng kanin sa umaga ehh." Sabi ko dito bago humigop ng kape.
Nag simula na silang kumain, nag kwe-kwentuhan lang kami nila Kristella habang kumakain si Kristella din ay bread at kape ang nasa harapan so baka sila ngang dalawa ni Allyson ang ng prepare ng breakfast.
Alam kase nilang hindi ako morning person bukod sa umaga ako natutulog ay hindi talaga ako sanay na kumakain ng kanin sa umaga, sa tanghali nga minsan siopao lang ang kinakain ko!
Wala din kase akong time kumain ng kanin dahil sa dami ng plates na kailangan tapusin dean's lister ako kailangan kong imaintain yung grades ko para hindi ako maalis don, magagalit si papa pang nawala ang pangalan ko sa dean's list. Sobrang laki ng expectations nila saakin.
"Si Thalia! Gagawa lang yan ng plates buong gabi sa Paris!" Sabi ni Chanel kaya napatingin ako sakanila.
"Wala akong dala." Pang sisinungaling ko.
"Meron! Narinig ko kayong dalawa ni Kristella nag uusap yung dalang gamit ni Kristella! Puro readings niya at plates mo yon!" Sabi ni Chanel kaya napayuko ako.
"Si Devin at Athalia ang mag kasama sa kwarto, si Kristella si Yaji ang kasama, si Chanel si Theo." Sabi ni Allyson na ikinalaki ng mata ko.
Wala naman kaming magagawa pag si Allyson ang nag sabi yan ang pinaka matanda samin kaya kailangan naming makinig sakanya kung hindi ay magagalit iyan! Grabe pa namn magalit yon dragon.
Si Devin ang nag baba ng gamit ko sabi niya din na mauna na ako sa sasakyan nasa bandang bintana ako habang bakante naman at upuan sa tabi ko siguro ay don uupo si Devin.
Ng maka dating kami sa airport ay boarding na kaya hindi na din kami nag hintay ng matagal less hassle pag ganon, nasa loob na kami ng airplane si Devin ay kinukuha ang katingko sa bag niya. Nahihilo kase ako wala akong matinong tulog.
"Ang sabi ko kase sayo matulog ka eh." Sabi nito saakin bago haplasan ang sintido ko.
Sa buong flight natulog lang ako pigil na pigil nga ako sa pag singhot sabi na eh sisipunin ako bakit kase hindi ako nakinig kay Allyson, si Devin ang ka roommate ko pero nasa kwarto ako ni Musica.
Paubos na din ng katingko na dala ko dahil sa maya't maya ako ng pahid sa ilong at sintido ko ang sakit ng ulo ko pota mamaya pag nakatulog si Devin ay mag sisimula na ako gumawa ng plates.
Kahit kalahati lang ang magawa ko okay na yon at least naka gawa ako kahit papaano mahirap kase mag simula kapag walang idea na pumasok sa utak mo lalo na pag wala kang alam sa topic na pinapa drawing.
Ang masaklap pa don minsan hindi mo mase-search sa google o kaya meron pero mali o puro description lang minsan meaning lang, swertihan pag ang pinagawa lang sainyo laboratory tools or equipment dahil maise-search mo yon.
Isa lang yon sa apat na kailangan kong gawin tatlong drawing ng laboratory tools or equipment ang kailangan kong gawin, yung pangalawa naman ay mga lines na madalas gamitin kapag nagawa kami ng plates. Ang pag kakarinig ko mag iinom silang mga lalaki, I'll take that opportunity para makagawa kahit na outline lang.
Next month ang deadline non buti nga at nag adjust sila dahil hindi ko kayang gawin yon ngayong linggo lalo na at ikakasal si Allyson, hindi naman pwedeng hindi ako pupunta edi nawalan ako ng kaibigan. Napaka lakas pa naman ng topak non.
Alas otso ay pumasok na din ako sa hotel room namin hindi ko nadatnan dun si Devin kaya baka nasa baba na kasama sila Theo at nag iinom na, bibilisan ko lang kahit outline lang. Nilock ko muna yung pinto bago ko nilabas yung mga gamit ko.
Sa balcony ako pumwesto dahil may maliit na mesa don, nakakakalahati pa lang ako ng may kumatok sa pinto agad kong nilinis ang pinag kalatan ko sa balcony nilagay ko lahat sa isang bag bago itago sa restroom ng kwarto.
"Ano yon??" Tanong ko sakanya.
"Hindi ka pa nakain tara na." Sabi nito bago dahan dahan akong hilain palabas, nilock niya muna yung hotel room bago kami sabay na bumaba.
"Anong ulam??" Tanong ko sakanya.
"Nag pabili ako kay Theo ng kare-kare diba favorite mo yon? Tara na kain na tayo." Sabi sakin nito.
Pag dating naman sa resto na napili nila ay nakaupo na silang lahat don ako na lang ata ang hinihintay, si Devin ang nag lagay ng pagkain sa plato ko. Napansin kong napaka daming alam ni Devin saakin.
Habang ako wala na akong ibang alam sakanya bukod sa engineering ang course niya at dati siyang basketball captain.
Bukod don ay wala na hindi naman kase talaga ako pakealamera mas gusto kong tahimik kesa maingay dati nga ay pag free time ko nasa library lang ako ngayon wala na akong oras pumunta sa library kahit isang oras lang.
Tinatamad na din kase akong mag basa, hindi ko nga maalagaan yung sarili ko eh.
@theaxyl