"Wow Dean's Lister, hello there fucker!" Sigaw ni Chanel sa pintuan ng room.
"Shut up,let's drink? Oh come on guys." Aya ko dahil wala naman na akong gagawin, tapos na ang last semester namin.
Malapit ng mag paskuhan as always si Kristella ang kasama naming dalawa ni Chanel dahil gusto ding makapunta Ateneo siya ang aaral, law student feeling masipag tamad naman mag basa.
"Game ako!" Sabay na sigaw ng dalawa.
Hindi na kami nag tagal sa campus at umalis na din kami may malapit na 7/11 dito, sa condo na lang kami iinom. May chismis daw silang dalawa dapat private.
"Tequila." Sabi ko dahil kumukuha na sila ng mga alak na gusto nilang inumin.
"Isang tequila lang? Ang hina mo naman ! " Pang aasar saakin ni Kristella.
"Saka moko angasan pag kaya mo na makipag sabayan samin ni Chanel mag inom hanggang alas kwatro." Sabi ko dito bago mag lakad papunta sa counter.
Ng maibaba ang tequila at mga chips na hawak ay agad akong lumayo at lumabas ng store ang dami nilang binili! Ayokong mag bayad, wala pa kong allowance!
Ng maka bayad sila ay nag lakad na kami papuntang condo, si Chanel ang neighbor ko kaya may kainuman ako pag gusto kong uminom kahit biglaan. Sa unit ko na kami dumiretso hindi pa kami nakakapasok nag iiyakan na yung dalawa. Nag simulan din agad kaming mag inom.
"Ang sabi ko sainyo sabihin nyo sakin ang pangalan, reresbakan natin." Pag bibiro ko.
"Hindi nga niya ako gusto!!" Sigaw ni Cassandra, tanginang tantrums to.
"It's not other people's job to love you it's yours. "
"Learn how to ask Cass, hindi dahil sa nakita mo siyang may kausap na babae eh hindi ka na gusto." Sabi ko pa dito.
"Pero kahit na! " Reklamo pa nito.
"Nililigawan ka na nga, hindi ka pa gusto. Hoy tanginamo UST ka nag aaral tapos siya Lasalle hatid sundo ka! Aba swerte mo naman! " Singit samin ni Kristella.
"Tangina mo pala eh, nililigawan ka na pala tapos ganyan pa din mindset mo?" Sabi ko dito.
Maaga kaming natapos sa pag iinom dahil may readings pa daw si Kristella, sabi niya kaya daw siya pumayag na makipag inuman samin dahil gusto niya kaming makasama dahil pare-parehas nga kaming busy. Busy ako sa plates ko, si Kristella busy sa readings. Si Chanel puro solutions naman dahil engineering ang course na kinuha.
Dito na din sila nag palipas ng gabi dahil sabado naman kinabukasan hindi na nila kailangan umuwi ng maaga buti nga at hindi ganon kadami ang plates ko dahil makakasama ko sila.
Naka higa ako sa kama ng biglang mag ring ng cellphone ko, wala na akong allowance at alam kong alam nila yon kaya inaasahan kong si papa ang tumatawag.
"Yes pa? How are you?" Tanong ko agad ng masagot ang tawag.
"Pumunta ka dito, I'll send you the address wear formal." Sabi nito na ikinagulat ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayare wala akong maalala na may ginawa akong mali, ito na ba yung kinatatakutan ko? Pero pinangako sakin ni papa na hindi ako masasali sa kung ano man ang meron sakanila ng mga kasosyo niya sa kompanya!
Kahit ayaw kong pumunta ay nag bihis pa rin ako, white dress na hanggang baba ng tuhod ang suot ko, backless ito kaya hindi mainit. White heels ang sinuot ko para bumagay.
Ng makarating ako sa address na ibinigay ni papa saakin ay agad ko silang natanaw agad akong kinabahan ng makitang may binatang lalaki sa table na inuupuan nila, pero nangako siya!
Pumasok ako at dahan dahang nag lakad papunta sa table nila agad namang napunta ang atensyon nila saakin ng tumayo ako sa harap ng table nila.
"Good afternoon Mr?" Pagbati ko ng makaupo.
"Llanes." Sagot nito na ikinatango ko.
"Anak, this is Devin Mr. Llanes son." Pag papakilala nito saakin.
"Zachary Devin Llanes." Agad akong tumayo ng tumayo din siya at nag offer ng shake hands.
"Athalia Delancy Santiago." Formal na pag papakilala ko bago ilahad ang kamay.
Tahimik kaming kumakain ng biglang mag salita si Mr. Llanes, hindi ko alam ang gagawin ko. Hinde ko nga alam kung anong ginagawa ko dito eh.
"Let's start Mr. Santiago." Seryosong sabi ni Mr. Llanes na nag pakaba saakin.
"Uhh what's going on here?" I ask.
"Marriage hija." Walang ganang sabi saakin ni Mr. Llanes.
"P-po?" Utal kong saad.
Akala ko ba ay hindi ako masasali sa mga ganito? Putangina naman.
Tumingin ako kay papa na may disgusto sa mukha, I'm disappointed. f**k.
"Anak, please?" Tango lang ang nasagot ko sakanya dahil wala naman akong magagawa.
Kung tututol ba ako ay pakikinggan niya ako? Hindi naman, mas mabuting manahimik na lang ako kesa makipag away sakanya dahil wala naman akong mapapala. Masisira lang ang reputasyon niya sa mga ka negosyo niya.
Tahimik lang akong naka-upo pinag mamasdan ang ginagawa nila may inaayos silang mga papel na sa tingin ko ay kailangan naming pirmahan, may nakita din akong titolo ng lupa.
"Pakipirmahan ito hija, ikaw Devin pirmahan mo naman to." Sabi ni Mr. Llanes.
Wala naman akong magagawa kaya pinirmahan ko na lang hindi ko na binasa dahil hindi naman ganon ka big deal, wala namanh maitutulong ang pag babasa nito saakin.
Masakit pero wala naman akong laban pag dating kay papa, siguro kase wala na akong kakampi? Sarili ko na lang ang kakampi ko pag dating sakanila.
We exchange numbers, hindi ko alam kung bakit pero sabi ay kailangan daw namin iyon kaya binigay ko na lang ang cellphone ko para wala ng gulo, good thing yung Luna kong phone ang dala ko. Usually iniiwan ko lang ang cellphone na ito sa bahay. Hindi ko naman kase kailangan.
3:30 na ako nakauwi ng hapon dahil madami silang ginawa, civil marriage lang ang gaganapin kaya hindi ako magiging busy. May oras akong makipag inuman kila Kristella. Nag message ako kay Musica na sunduin ako dito.
MusicaKristella:
Pasundo ako, hindi ko dala ang sasakyan ko. Nasa MOA ako.
Sa entrance ako nag antay para agad akong makakasakay pag dumaan siya ayokong mag stay dito ng matagal, swertihan pang nasa MOA din siya at katatapos lang mamili ng law books.
"I'll drive you home." Offer ng anak ni Mr. Llanes na tinanggihan ko.
"Thank you but no thanks,my friend is here. " Sabi ko bago ngumiti.
I saw how shocked he was, nakikita ko siya sa UST pero hindi ko siya pinag tutuunan ng pansin kahit na popular siya sa campus lahat ata ng babae sa campus ay crush siya. Except for me!
Si Chanel nga ay crush din iyan! Maya maya ay nakita kong lumabas si Musica kaya agad kong iniwanan ang lalaki doon, walang pakealaman! Hindi pa naman kami totally kasal! Isa pa ang sabi niya ay hindi niya daw pakikialaman ang buhay ko! Pababayaan niya akong gawin ang lahat ng gusto ko wag lang ang makakasira sa pangalan niya at pangalan ko.
Naiintindihan ko siya ayoko din namang masira ang pangalan ko dahil Dean's Lister ako, may possibility na matanggal ako pag may ginawa akong hindi maganda! Lalo na s loob ng campus. Kaya din ako tumigil sa pakikipag away dahil basa acads talaga ng focus ko.
Kasisimula pa lang ng semester pero parang patapos na sila mag bigay ng mga plates halos wala na nga akong tulog dahil sa pag gawa ng mga plates, grabe sila mag bigay ng mga plates! Wala na nga akong tulog iyon pa ang ibubungad saakin! Ikakasal na daw ako.
Hindi ko inexpect na mangyayare to dahil una pa lang nangako siya saakin na hindi niya ako pakekealaman as long as matataas ng grades ko! Dean's Lister ako! Ano pang kulang don?
While we were in the car, I was quiet and Musica didn't plan to speak which made me happy, I can think properly. I don't even know why I didn't say no earlier. I mean i have a right to say no.
"I'm getting married." I said after a long silence.
"Oh okay, what? You're what!?" Nagulat ako ng bigla nitong itinigil ang sasakyan sa gilid, muntik na akong mauntog!
"I said I'm getting married, do you know Llanes?." I ask.
"The campus crush? Of course! Mukhang bibig ni Chanel yon no!" Sabi nito.
2 hours ang naging byahe namin dahil traffic naka tulog din ako sa byahe na ikinatuwa ko dahil wala pa akong tulog, hindi ako naka tulog kanina dahil inasikaso ko sila. Kakausapin ko pa si Yaji mamayang gabi dahil may chismis daw siya.
Siguro sa ex niyang mukhang hunghang? Or maybe a family problem? I don't know.
I'm only wearing a white tank top and high waisted, I'm only going to see Yaji so I didn't bother to wear something elegant. Yaji is not that important.
I was surprised to see Zachary at the table next to where Yaji was sitting, I was surprised to see a woman sitting in front of him. Date? oh god Thalia mind your own business.
"Akala ko ay hindi ka pupunta." Sabi ni Yaji ng maupo ako sa harapan niya.
"Sorry im late, how are you?" Sabi ko.
"I'm fine, you?"
"Getting better."
Nag tatawanan lang kami dahil wala pa sila Musica, hindi ko nga alam na kasama pala sila dito akala ko ay kaming dalawa lang. Tumunog ang pintuan hudyat na may pumasok hindi na ako nag abalang tingnan kung sino ang pumasok dahil sa ingay nila ay alam ko na kung sino iyon.
"Hoy beh, may chinismis saakin si Musica!" Sabi ni Chanel ng makaupo.
"Hindi chismis yon, totoo yon!" Sabi naman ni Kristella.
"Eh bat nandyan? Ano yan? " Sabi ni Chanel kaya napatingin si Kristella sa likod niya, agad na nanlaki ang mata niya ng makita ang lalaki.
Tinaas ko ang kamay para ipakita sakanila ang engagement ring na bigay ni Devin siya daw ang pumili non, meron din siyang suot parehas ang design. Kita kong sumulyap sila sa kamay ni Devin, agad na nanlaki ang mata ni Chanel ng makita ang suot ng lalaki.
"Sabi ko sayo hindi chismis yon!" Medyo malakas na sabi ni Kristella dahilan para mapatingin dito ang babaeng kasama ni Devin.
Nagulat ako ng samaan ako nito ng tingin at padabog na tumayo papunta ito saamin, tangina anong problema nito?
"Miss pinag uusapan nyo ba kami? Alam kong pogi ang best friend ko pero wag nyo naman ipahalatang crush na crush nyo. Ako ang nahihiya para sainyo." Sabi nito ng nakangisi.
"Ayoko ng may girl best friend, Cy! Pwede kong kausapin si tito na wag na ituloy ibalik natin yung engagement ring na suot mo. Hindi mo kailangan yan!" Sabi ni Yaji.
"I'm not talking to you shut your f*****g mouth." Sabi ng babaeng kasama ni Devin, dinuro-duro niya pa si Yaji.
Ramdam ko ang kamay ni Kristella sa braso ko.
"Can you shut up? Una sa lahat hindi ko crush yang 'best friend' mo wala sa mga kaibigan ko ang may gusto diyan, pangalawa ayaw mo palang may nag kaka-crush sa kaibigan mo edi sana kinulong mo sa bahay nyo. Pangatlo ang panget ng ugali mo, kasing pangit ng mukha mo." Sabi ko dito.
"What?" Inis na sigaw ng babae.
"Stop it Anji, sorry for the inconvenience. Let's talk Cy. Hihintayin kita sa labas." Sabi nito bago hawakan sa braso ang babae.
Kinuha niya ang cellphone at wallet na naka patong sa lamesa bago lumabas ng cafe, kita dito na pinasakay niya sa taxi ang babae. Anji daw ang pangalan.
@theaxyl