Kinabukasan ay naka-uwi na rin ako sa aming bahay, sa bahay namin ni Zach. Inalalayan ako ni Nanay na makalabas sa taxi, may benda pa rin ang aking ulo. Hindi naman ito malala sabi ng Doctor. Buti nalang daw ay naagapan at naihatid agad ako sa hospital. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay wala ang aking asawa roon. Napahinga ako ng malalim nang makita ko ang mga kalat para bang hindi ito nagalaw simula nang isinugod ako sa hospital. Siguro ay hindi na umuwi si Zach dito. "Manang, pasensiya na po dahil maraming kalat. Imbis na makapagpahinga ho tayo ay ito pa ang bumugad sa atin. Huwag ho kayong mag-alala tutulungan ko nalang po kayo maglinis." Pagbasag ko sa katahimikan. "Nako, iha. Okay lang iyon. Trabaho ko ito at sanay na ako. Magpahinga ka nalang diyan ako na ang bahala sa mg

