Ilang araw ang lumipas wala pa ring Zach na umuuwi sa bahay. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan ngunit unattended ito. I know he's with Samantha pero sana naman nagtext man lamang siya bilang respeto sa akin dahil ako ang asawa niya. Karapatan kong malaman kung nasaan man siya. Kasalukuyan akong nagluluto ngayon ng almusal, tulog pa si Manang kaya ako na muna ang nag-asikaso ng almusal namin. I was preparing our food nang narinig ko ang ugong ng kotse sa labas. Dali-dali akong lumabas dahil alam kong asawa ko iyong dumating. Napangiti ako nang makita siyang lumabas galing sa kotse ngunit agad naman itong nawala nang makita kong binuksan niya ang pintuan ng passenger's seat at inuluwa si Samamtha na malapad ang ngiti sa labi. She immediately kissed him in the lips. Umiwas ako ng tingi

