Bumuhos ang malalakas na ulan kasabay ng pag-agos ng aking luha sa aking pisngi. Kasalukuyan akong nasa kama at walang ganang lumabas ng kwarto. Hindi na sa akin nagpakita si Zach, gusto ko man siyang hanapin ngunit hindi pa kaya ng aking katawan, puno ng pasa ito at sumasakit pa. Tanging si manang lang umaalalay sa akin, pinaghahandaan niya ako at dinadala nalang dito ang pagkain. Sa bawat rinig ko ng yabag sa labas ng kwartong ito ay umaasa ako na ang aking asawa na iyon, ngunit sa bawat pagbukas ng pinto ay tanging pagkadismaya lamang ang aking nararamdaman dahil si manang lang pala iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagsalita, para bang natrauma ako sa ginawa sa akin ng aking asawa. Tanging pag-iyak lang ang nagagawa ko kapag tinatanong ako ni manang kung ano nga ba ang

