“Michelle!!” sigaw sa akin ni Zach na nagpabalik sa akin sa realidad. Napakurap-kurap ako sa kawalan, hindi ko alam kung bakit iyon ang naimagine ko. Nakakatakot at karumaldumal, hindi ako iyon. Hindi ko magagawang pumatay ng tao. “Michelle! Ano ba!?” sigaw ulit ni Zach mula sa sofa. Napapikit ako ng mariin, ayokong makita silang hubo’t-hubad, ayoko nang makita iyon baka mawalan na ako ng ulirat at mabaliw ako. “Isa!! Malilintikan ka sa akin!” sigaw ulit niya at napamulat ako. Ayokong masaktan puno na nga ako ng pasa tapos madadagdagan na naman. Kaya agad akong lumapit sa sofa at nakita kong magka-akbay si Zach kay Samantha. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita ang pinapanuod nila. Malaswa ang pinapanuod nilang palabas kaya pala may naririnig akong ungol kanina. “Ba’t ang tagal mo

