Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng bodego. Tambak ng kalat at mga gamit dito. Puno ng alikabok at sapot ng gagamba ang nakikita sa loob. Napabuga ako sa hangin imbis na magpapahinga ako ngayon dahil sobrang sakit ng katawan ko dahil sa natamong pananakit ng aking asawa sa akin ay kailangan kong maglinis dahil ayaw kong matulog ng gan'to. Hindi ko na alam ang aking gagawin, susuko na ba ako o ipaglalaban ko pa ang karapatan ko. Hindi ko alam. Tanga at martir man kung iisipin pero kahit na he abused me physically and emotionally ay di ko maitatangging mahal na mahal ko pa rin ang aking asawa. Gan'to siguro magmahal, gagawin mo ang lahat, ibibigay at magsasakripisyo ka without a hope of return. Basta nasa tabi lang ako ng aking asawa, kasama ko sa loob ng bahay at nakikita ko araw

