Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon, sobrang tahimik ng paligid kaya naman ay naiilang ako. Mas mabuti na siguro ito para hindi na niya ako masaktan. Less talk, less mistake and pain. Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa labas ng kotse. Sana ay makakaya pa ng aking katawan ang pananakit ng aking asawa sa akin. Sana ay makakaya rin ng aking puso ang mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya. "I just want to tell you, na lilipat na ng tirahan si Samantha at sa atin siya titira. Know your place, alam mo na ang dapat mong gawin. Once na umangal ka ay malilintakan ka na naman sa akin. Sa bodega ka nalang matulog, naiintidihan mo?" malamig na saad niya sa akin. Tumango nalang ako sa kaniya at hindi na umangal pa. "I want an answer, Michelle." "Y-Yes naiintindihan ko," kina

