"Ang cute-cute naman ng baby mo, Michelle. Kamukha ng tata- ah este nanay niya," wika ni Lance habang karga-karga si Zacchaeus ang aking anak. Sinamaan ko siya ng tingin, alam kong inaasar niya ako, obvious na obvious naman kasi na si Zachary ang kamukha nito, ilong palang, mata at hugis ng mukha ay nakuha niya sa ama niya. Lips lang nga siguro ang kaniyang namana sa akin eh. Pinapanalangin ko na sana hindi niya mamana ang pagkatanga ko sa pag-ibig at pagkababaero ng kaniyang ama. Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang relasyon ni Carl at Zachary sa isa’t-isa. Hanggang ngayon ay hindi na bumalik sa Carl dito sa hospital. Ilang oras na ang nakalipas at paalam niyang bibili lamang siya ng pagkain ngunit hanggang ngayon ay wala pa siya. Kinain na siguro iyo ng tindera. “Lance,” tawag k

