Michelle Kanina pa ako hindi mapakali dito sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Ikot doon, ikot dito. Medyo kumikirot na kasi ang aking tiyan. "Hoy, Michelle! Huwag ka ngang malikot diyan sobrang nahihilo na ako sa iyo kanina ka pa ikot ng ikot. Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Lance sa akin. Yes, nakauwi na si Lance kahapon lang. Mabuti nga't dumating na siya puno na naman ang refrigerator ko. "Mhitz please calm down. Umupo ka nga," saad ni Carl sa akin. Kahit si Carl ay nandito rin. Uminit naman ang ulo ko sa kanilang dalawa. "Tumahimik nga kayong dalawa! Nakakairita kayo!" "Bakit ka naman kasi nagkakaganiyan? Mangangannak ka na ba?" tanong ni Lance sa akin. Umirap na lamang ako sa kaniya. "Hindi kayo nakakatulong. Masakit na nga ang tiyan ko ganiyan pa

