Where it All Started

1089 Words
Katok na malalakas ang gumising sa akin ngayong araw. "Michelle! Ano ba wala pang almusal bumangon ka riyan kung hindi makakatikim ka na naman sa akin!" sigaw ng aking asawa. Siya ang aking asawa, si "Zachary Mathias Monteverdi" ang pogi ng pangalan pero sa kabila ng kaniyang kakisigan kabaliktaran naman sa kaniyang ugali. He is a beast in— "Michelle!? Isa! Sisirain ko itong pinto," sigaw ulit ng aking asawa. "Oo eto na! Sorry." I'm sure sampal na naman ang aabutin ko nito. Naramdaman ko ang sakit at hapdi ng aking pisngi. Hinimas-himas ko ito para mabawasan ang sakit. At hindi nga ako nagkakamali nasampal na naman ako ng magaling kong asawa. "Ang tagal mo! Hindi ba sabi ko sa iyo na huwag na huwag mong ilolock ang pinto??" Sinabunutan niya ako at napakasakit iyon. "S-sorry Zach nakalimutan ko, hindi na mauulit," kinakabahan kong usal sa kaniya. "Ang tanga mo talaga kahit kailan! Mabuti pa si Samantha!" Sabay no'n ang pagtulak niya sa akin. Samantha na naman! Siya lang naman ang ex niya, iniwan na nga siya, Samantha pa rin ang bukambibig nya. "Ano pa bang tinitingin-tingin mo riyan? Maghanda ka na ng almusal, Bilis!" "O-oo." Habang ako ay nagluluto, tumutulo na naman ang aking luha. Bwisit naman kasi, nasasaktan na naman ako. Tuwing naririnig ko mula sa kaniya iyong ex niya, tumutulo nalang basta-basta ang luha ko. Pinunasan ko naman agad ito baka maging maalat pa ang aking niluto baka sampal ang abutin ko. Nang matapos akong magluto ay hinanda ko na ang mga pagkain sa lamesa. Kasalukuyan siyang nagbabasa ngayon ng dyaryo. "Z-Zach handa na ang pagkain," tawag ko sa kaniya. Ibinaba niya ang dyaryo at matalim akong tiningnan. Napayuko naman ako sa mga titig niya dahil sobrang naiilang at natatakot ako. "Ano pa bang hinihintay mo? Umalis ka na sa harap ko bago pa mawalan ako ng ganang kumain." Napagitla ako sa sinabi niya kaya ay dali-dali akong umalis sa kusina at tumakbo papuntang sala. Napaupo ako roon at napabuga sa hangin. Nang mahimasmasan ako ay inihanda ko na ang suitcase niya. Narinig ko ang mga yapak niya mula sa aking likod, napalingon naman ako roon. Inabot ko agad ang kaniyang suitcase at kinuha niya agad iyon. Napansin kong hindi naka-ayos ang kaniyang necktie niya kaya naman ay nilapitan ko siya upang ayusin ito. "Anong ginagawa mo?" tanong niya. "Aayusin ko lang ang necktie mo," saad ko. "Get off your filthy hands on me." Malamig na tugon niya sa akin. "Gu-gusto ko lang na ayusin iyong necktie mo madali lang naman," kinakabahan kong turan sa kaniya. "Puwede ba!? Umalis ka sa harap ko, sinisira mo ang araw ko!" Napaupo ako sa sahig ng itulak niya ako ng malakas. Kumirot ang aking baywang dahil do'n.Naiiyak akong tumingin sa kaniya. "I'm sorry," saad ko. "Tsk! What a slut! Huwag na huwag kang aalis sa pamamahay na ito kapag nalaman kong lumabas ka, makakatikim ka na naman sa akin. Naiintindihan mo!?" Malakas na sigaw niya. Pumikit ako ng mariin at napatango nalang. Nang minulat ko ang aking mga mata ay nakita kong umalis na siya. Pabalibag niyang isinara ang pinto na nagsanhi ng pagkagulat ko. Nakakatakot siya, hindi ko alam kung makakaya ko pa ba ang pakikitungo niya. Hindi ko naman kasalanan na makasal sa kaniya. Muling sumariwa ang nangyari sa amin last year, doon nagsimula ang lahat. "Michelle! halika rito iha may ipapakilala kami saiyo," sabi ni Mommy Trina. Agad akong pumunta sa kinaroroonan nila. It was my mother's birthday party. "Hello po!" bati ko sa kanila. "Hayan, ito pala ang aking anak na si Michelle. Siya 'yong bunso namin and our unica iha," yakap sa akin ni Mommy Trina. "Ang ganda naman pala ng anak mo Trina. Ito naman si Zachary, pangalawang anak namin ni John." "Kay pogi naman pala ng anak mo, bagay sila ng anak ko," sabay tawa ni Mommy sa kumare niya. "O siya maiwan muna namin kayo Michelle at Zach ha, get to know each other," paalam ni Mommy sa amin. Habang kami ay nakatayo sa gilid, nakikita ko sa peripheral vision ko na busy iyong Zach kakatype sa cellphone niya. "Hi! My name is Michelle," nahihiya kong bati sa kaniya. "I’m Zach,” he replied. Iyon lang??? jusko ang tipid naman nitong magsalita. "G-gusto mong kumain??" kinakabahang tanong ko. "Err. Im full," maikling saad niya. "Okay" boring naman at ang awkward ng atmosphere. "Uhh Zach?" usal ko. "What!???" "Tara inom tayo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. “Oh my God! Anong sabi ko? Inom? I’m not good at drinking, mahina ang tolerance ko sa alak. Ano ba ‘yan, napaka palpak naman ng pag aya ko.” "Sure," replied Zach. Omg! Pumayag siya? Im doomed! Sige na nga pagbigyan na. Minsan lang naman eh. Pumunta kami sa bar counter namin kumuha ako ng wine glass at wine roon. This was my favorite wine kaso nga lang madali akong malasing nito. "Here." I gave him a glass of red wine. "Thanks," he replied. "What's your name again?" he asked. "Michelle." Aba! nakalimutan pa pangalan ko, kung di ka lang pogi e sinapak na kita. "Hmm. This wine tastes so good," sabay titig niya sa glass of red wine. Akala ko sa akin. "Yes. This is my favorite," I said. "Oh really? Pareho pala kayo ng favorite wine ni Samantha." "Err if you don't mind, sino si Samantha?" I asked. "She's my girlfriend," he smiled. Lol. May girlfriend na pala. Sayang naman! "Ah. Wow bakit di mo siya kasama ngayon?" I asked. "She was busy," he replied. Ako lang ba, bakit parang ang lungkot ng mga mata niya. Maybe there's something wrong, kanina ko pa kasi siyang nahubuli pasulyap- sulyap sa cp nya. "Is there something wrong?" I asked. "Wala," sabi niya. Tinitigan nya ako ng napakatagal. Hindi ko alam kung bakit. "Don't look at me like that," naiilang na sabi ko sa kan’ya. "Why? naiilang ka ba?" tanong niya. "No" sabay iwas sa tingin niya. Tuloy tuloy lang kami sa pag-inom hanggang sa naubos na namin ang isang bote ng alak. Hindi ko na alam kung ano yung ginagawa namin but it feels so good. Hindi ko lang maintindihan but maybe it was "pleasure". Bahala na bukas kung ano ang mangyayari. After all he got my attention. And I really want him even if he already has a girlfriend. "Forgive me Lord for I have sinned," I whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD