Where it All Started II

1055 Words
Bigla akong nagising sa sigaw ni Mommy at Tita Sabel. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero naririnig kong umiiyak sila. Ano ba ang nangyari? Naaksidente ba ako?? Bat wala akong maalala. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko nga sila. It was heartbreaking when I saw my mom crying in front of me but why?? "Mom? why are you crying?" I asked her. "What do you mean by that? Tingnan mo nga ang sarili mo! Wala kang saplot! " umiiyak na saad ni Mommy Trina. What? Tiningnan ko ang sarili sa ilalim ng kumot at oo nga! Wala nga! Omg Tiningnan ko ang nasa tabi ko and it was a man. Omg! Then I remembered what happened last night! It was estatic. Oh gosh! "May nangyari sa amin ni Zach!?" Bulong ng aking isipan. "Hmmm." Nagsimula nang magising si Zach at ako ay nakatulala lang sa kaniya. Bigla siyang nagulat at napabalikwas, kung wala lang kami sa seryosong sitwasyon baka humagalpak na ako ng tawa rito. His face was epic! But after hearing my mom’s cry, bumalik ako sa realidad. "Mom, I'll explain don't cry," I said. "Hindi po namin alam, lasing po kami. And it was an accident mom," Zach replied. "Aksidente?? Naririnig mo ba sarili mo young man?? May nangyari sa inyo ng anak ng kumare ko at baka nga may mabuo pa kayo! I'm very disappointed anak!" Tita Sabel replied. "I'll make an arrangement of your wedding. Hindi ako papayag na hindi mo papanagutan itong anak ko Zach," Mom replied. God. I was speechless. I can't think. "I have a girlfriend tita. And I love her," Zach replied. "Then break up with her! Sa lalong madaling panahon ikakasal kayo!" Bulalas naman ni Tita Sabel at nag walk out sila ni Mom sa kwarto ko. I sighed. "This is all your fault! Kung hindi ka sana nag ayang uminom. Hindi sana ito mangyayari. Napakalandi mo! " "I will make you suffer," galit na galit na saad ni Zach. Nagsimula akong umiyak. It wasn't my fault after all. Kasalanan din naman nya. Bakit sa akin lahat ng sisi?? At doon nga nagsimula ang kalbaryo ko, simula nang maikasal kami ni Zach. Tinotoo niya talaga iyong I will make you suffer keme niya. Palagi niya akong sinasaktan physically and emotionally. Simula ng kinasal kami wala na akong balita sa kanila ni Sam. Maybe iniwan na siya. Or maybe sila pa rin. At wala akong alam. "Michelle! Tapos ka na bang magluto? Why took you so long?? May pasok pa ako!" sigaw naman ng aking asawa. " Oo heto na," agad kong inihanda ang hapag-kainan. Sasabay na sana akong kumain but naalala kong bawal pala. Ayaw niya pala akong makasabay sa hapagkainan kasi nasusuka siya at nawawalan ng gana tuwing makikita niya ako. Umupo na siya at nagsimulang kumain. Natutuwa ako kasi ang gana gana niyang kumain maybe nasasarapan siya sa luto ko. Kinilig na naman tuloy ako. Nagsimula na rin akong kumain sa kusina. Pasulyap-sulyap ako sa kan’ya baka kasi may iuutos siya.Natapos na siyang kumain at umalis na. Wala man lang paalam sa akin. “Hay hindi ka pa nasanay Michelle! Araw araw ganyan yung pakikitungo nya sayo. Cold as an ice.” "Hay Zachary Mathias Monteverdi kailan mo kaya ako mamahalin?" bulong ko sa sarili ko. Nagsimula na akong maglinis ng bahay at naligo. Wala naman akong gagawin. Linis dito linis doon lang ang peg ko sa bahay na ito. Bawal kasi akong lumabas. Baka magalit si Zach saktan na naman niya ako. Bawal din akong pumasok sa kwarto niya. Naalala ko tuloy noong una akong pumasok para linisin iyong kwarto niya. Tapos na ako sa paglilinis ng bahay pero ‘yong kwarto nalang ni Zach ang hindi pa. 5 months na kaming kasal at lumalaki na rin ang aking tiyan. Yes, I am pregnant pero it was a secret. Hindi namin pinaalam kina mommy, daddy, tito at tita. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Zach sabihin sa kanila. Never din naman akong nagtanong baka sigawan ulit ako. Agad akong pumasok sa kwarto nya para linisin ito. Grabe unang pasok ko palang kita ko na agad iyong malaking picture na nakasabit sa kwarto niya. It was a picture of Samantha. She was so beautiful, walang wala sa kagandahan ko. She’s so innocent and my insecurities sucks. “Ano ba Michelle maglinis ka na nga lang.” Nagpatuloy ako sa paglilinis ng kaniyang kwarto hanggang sa naagaw ng atensyon ko ‘yong picture nilang dalawa, hindi ako nagkakamali sa boracay ito. Selos. Selos ang aking nararamdaman kanina pa. Kinuha ko iyong picture frame at tinitigan iyon. "Bakit ka pumasok sa kwarto ko?" sigaw ni Zach. Bigla akong nagulat at hindi sinasadyang nabagsak iyong frame na hawak ko sa sahig. Oh shoot!! Im doomed. Until I felt that he was dragging me to get out of his room. "Inuulit ko! Ba't ka pumasok sa kwarto ko?" Hinila niya ang aking buhok para magpantay ang aming mga mukha. "G-gusto ko lang naman linisin ang kwarto mo. Im sorry," kinakabahang sagot ko. "At bakit mo pinapakialam ang gamit ko ha!? Wala kang karapatang pakialaman iyon dahil hindi iyon sa’yo! Sinira mo na lahat! Pati ba naman gamit ko!" sigaw niya sa pagmumukha ko. Naiiyak na ako sa sakit ng puso ko. "Z-Zach nagulat kasi ako, hindi ko sinasadya." "Hindi mo sinasadya eh kung ihulog kaya kita rito sa hagdan, hindi ko rin sinasadya!" sabay kaladkad niya sa akin sa hagdan. Nagalala ako sa anak namin baka makunan ako. Oh God! "Z-zach No! Buntis ako at alam mo iyan!" kinakabahan kong sagot. "Mas maigi nga iyon e. Para mawala ka na at ng anak mo!" sigaw nya sa akin. "Aray Zach! Wag naman iyong baby natin!" saad ko. "Ha!!! Baka nga hindi ‘yan sa akin e! Sa kalandian mo ba namang taglay! Pinikot mo nga ako e!!" sigaw niya ulit. "H-hindi Z-Zach it's yours!" Umiiyak kong sabi sa kan’ya. Agad niya akong tinadyakan at tinulak. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari pero nararamdamn kong unti-unti akong gumulong-gulong sa hagdan at nawalan ng malay. Bago ko pa ipikit ang aking mata nagsimula nang lumakad si Zach patalikod sa akin. "Baby Im so sorry. Hindi ka naprotektahan ni Mommy. Hindi ito sinasadya ni Daddy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD