He doesn't care

1005 Words
Nagising ako na nasa hospital na, ang una kong nakita ay si 'nay Nena, siya ang nagalaga sa akin simula bata pa at tinuturing ko na ring pangalawang ina. Mabait si 'nay Nena kaya nga sobra ang aking pasasalamat sa kaniya dahil hanggang ngayon ay narito pa rin siya inaalagaan pa rin ako . Puwede na nga siyang mag-retire eh, kaso nga lang ayaw niya pa rin. "Anak, kumusta na ang iyong pakiramdam?" nagaalalang tanong ni Nay Nena. "O-okay lang po ako. K-Kumusta po ang baby namin ni Z-Zach?" nag aalala kong tanong Nagiwas ng tingin si Nay. Para bang ayaw niyang sabihin kung ano ba ang kalagayan ng aking anak . "N-Nay, s-sumagot po kayo..." "Patawad anak. W-wala na yong baby mo," umiiyak na sagot ni Nay Nena. Bumuhos ang aking luha sa narinig. God. Bakit ang baby ko pa, pwede namang ako nalang. Pasensya na baby at hindi ka naprotektahan ng mommy. Napakatanga naman kasi ng mommy mo at nabasag ko pa iyong frame ng daddy mo. Habang buhay kong pagsisihan ito anak. Sorry sa lahat. Kung hindi sana ako naging pakialamera hindi sana ito nangyari. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog. HINDI ko alam kung bakit napatawad ko si Zach pero simula nang nawala ang aming baby, naging sunod -sunuran nalang ako. Ni hindi nya kinamusta iyong anak namin at alam kong wala siyang pakialam sa amin. Simula noon , ayaw kong nagagalit siya. Tinitiis ko lahat ng pagmumura at pasakit niya sa akin dahil Mahal ko e. Mahal na mahal. Gabi gabi ring napapanaginipan ko ang baby ko, gabi gabi rin akong nagsisisi at umiiyak. Oo alam ko napakatanga at martyr ko— ganoon talaga siguro kapag nagmamahal ka. Alas sais na ng gabi at wala pa rin si Zach. Usually kasi ay alas 5 siya umuuwi siguro na-traffic lang. Maghahanda na muna ako ng Dinner baka saktan na naman ako niya, for sure. I am done with the dinner and it's already 8 pm. Wala pa ang aking asawa. Saan kaya iyon pumunta, nag aalala na ako. Ang tanging magagawa ko lang ay maghintay. Nagising ako sa lakas ng busina sa labas, Omg! Baka si Zach na iyon! Lumabas ako ng aming bahay at hindi nga ako nagkakamali kotse nga ni Zach iyon. Binuksan ko ang Gate at agad agad syang nilapitan para alalayan. "Saan ka g-galing h-hubby??" kinakabahan kong tanong. "Will you stop calling me hubby? Nakakasuka! and dont touch me!" sigaw ni Zach sa akin. Nangingilid ang aking luha, Iiyak na naman ba ako? Hindi na ako nasanay. "S-Sorry," nakayukong bulong ko sa kaniya. "Sorry? Sawang-sawa na ako sa tanginang sorry mo! Wala na bang iba? Sorry ka ng sorry! Hindi naman kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin! Wala kang kuwenta!" Hindi ko na lamang siya pinansin at sinundan siya habang pasury-suray na naglalakad. Pumasok kami sa bahay at dire-diretsong humiga si Zach sa sofa. Sinilip ko iyong maamong mukha niya at unti-unti akong namangha sa taglay niyang kagwapuhan. Ang haba ng pilik mata nya, naiinggit ako.Agad ko siyang inalalayan papuntang kwarto ko para roon nalang siya matulog. Ayoko namang malamigan siya sa sofa. Nakalock iyong kwarto niya kaya sa kwarto ko siya isinama. Nang makarating kami sa kwarto ko, inihiga ko siya at kinumutan. Tumulo ang aking luha dahil sa sitwasyon namin ngayon. Zach kung mahal mo lang ako, baka masaya na tayo ngayon. Tayo ng ating mga supling. Sana talaga balang araw ay matutunan mo ring suklian ang pagmamahal ko sayo. "Hmmmm. Samantha—" bigkas niya. "Kahit sa pagtulog pala, siya pa rin ang nasa isip at bukambibig mo," bulong ko sa aking sarili. Ang sakit naman Zach. Unti-unti kong hinalikan iyong noo niya at maghahanda na sanang lumabas nang napansin kong gising siya. Bigla akong nahiya. "S-Samantha?" bigkas ulit niya Yumuko ako. Grabe ka Zach pati ba naman sa pagtulog. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking mukha at unti unti niyang nilapit ito sa mukha niya. "S-Samantha I miss you. I love you so much. Hindi ko na alam ang gagawin ko, para ba akong mababaliw dahil sa pagka-miss sa iyo," bigkas niya sabay bigay ng isang malalim na halik sa akin. Heto na naman. Palagi nalang gan'to iyong mangyayari, kapag lasing siya, nakikita niya ako as Samantha. Samantha nalang lagi. Michelle na lang please, Zach. Hindi kita iiwan at sasaktan. Pangako. Unti-unti akong nadala sa halik niya, hanggang sa ungol nalang naming dalawa ang naririnig ko sa loob ng aking kwarto. Napakarupok mo Michelle. Kung saan-saan na niya ako hinahawakan hanggang sa naangkin na niya ako ng tuluyan. Ang sakit lang kasi bawat ungol namin, si Samantha ang laging bukambibig niya. Bawat Samanthang bigkas niya, para bang sinasaksak ang aking puso ng paulit ulit. Ang sakit sakit sa dibdib na parang hindi ako makahinga. "Oh Samantha, I miss you so much! Huwag ka na sanag aalis sa tabi ko!" ungol niya. Hingal hingal kaming natapos. Agad siyang tumalikod at natulog. Hindi ko alam kung paano nga ba papapatatagin ang aking loob. Sa sitwasyon namin ngayon, para bang nawalan na ako ng pag-asa. Nawala na nga ang anak namin ngunit wala naman siyang pakialam. Masakit, sobrang sakit na para bang mamatay ako dahil doon. Hindi man lang niya ako niyakap after that, ni hindi man lang niya ako tinitigan matapos niya akong gamitin. Napangiti ako, maybe natauhan na siya. Na hindi si Samantha ang kasiping niya. Nakakatawa lang, wala ba siyang paki? Ni katiting na awa ba ay wala siya? Ang saklap naman bg buhay ko oh! Umalis ako sa kwarto ko, dala dala ang pighati at sakit. Hindi ko alam, pero parang susuko na ako. God, ayoko na! Ang sakit na. Humiga ako sa sofa namin at doon tinuloy ang aking pagdadalamhati. Humagulhol ako ng napakalakas hanggang sa natulog. "He always mentioned her name. For me, it was as if he was constantly squeezing a lemon to my open wound," I said painfully.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD