Nagising ako ng maaga para ipaghain ng almusal ang aking magaling na asawa. Magagalit na naman kasi iyon kapag wala pang nakahain na almusal sa table namin. Alas 9 na ng umaga at tulog pa rin siya.
Actually wala siyang pasok ngayon. Saturday at Sunday ang day off niya.
Habang ako ay nanunuod ng TV, ay naririnig ko ang yapak niya pababa ng hagdan. Agad-agad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya.
"Goodmorning Hubby!" masigla kong pagbati sa kaniya.
"Nga pala, nakahain na iyong almusal mo sa mesa. Kain ka na. May gamot din diyan for your hangover," dagdag ko pa.
"....."
Aba't hindi niya ako papansinin?? Matapos na may mangyari sa amin?
" Uh hubby iyong tungkol kagabi—" hindi pa ako natatapos, sumabat agad siya.
"Wala akong maalala," turan niya at agad naman akong napayuko.
Paano nalang kung may nabuo? Aayawan niya pa din ba ang baby namin? Bahala na nga. Pinagpatuloy ko nalang ang aking panunuod.
-BREAKING NEWS: “SAMANTHA VALDEZ ARRIVED IN THE PHILIPPINES FOR HER UPCOMING GRAND PHOTOSHOOT” -
Bigla akong nanigas matapos marinig ang balita mula sa T.V. Unti-unti kong nilingon ang kinaroroonan ni Zach, siya rin ay napahintong kumain. Maybe he heard it. Ang pinakamamahal niyang si Samantha ay bumalik na. Ang daming katanungan ang nabubuo sa aking isipan, kung ano na ba ang mangyayari, kung babalikan niya ba sya, hihiwalayan niya ba ako? Pero hindi ako papayag! Ako ang asawa, at ako ang may karapatan.
Agad agad siyang tumayo at pumunta sa loob ng kwarto. Pumunta ako sa hapag-kainan at nilinis ang pinagkainan niya. Maya maya ay narinig ko ang mga yapak sa hagdanan na tila ba nagmamadali. Lumabas ako sa kusina at nakita si Zach na nakabihis. May lakad ba siya ngayon?
"S-san ka pupunta?" turan ko.
"None of your business," nagmamadali siyang lumabas ng bahay.
"Z-Zach!"tawag ko sa kaniya.
Pero hindi nya ako pinansin. Nagmamadali siyang pumasok sa kotse at umalis. Napabuga nalang ako sa hangin. Wala talaga siyang pakialam sa akin. I don't know what to do. Maybe he will find Samantha, his lover.
So ano na ang gagawin ko? Tutunga nalang ba ako rito? Napagpasyahan kong lumabas muna para magpahangin. Pupunta akong mall at magliliwaliw. Agad akong nagbihis at nag ayos. Nagmake up ako at nagsuot ng floral dress. Matagal tagal na pala akong hindi nakakagala. Pinagbawalan kasi akong lumabas ni Zach. Pero ngayong araw hindi ko siya susundin. Ngayon lang naman at broken hearted ako.
Nilock ko ang pinto ng bahay at pumuntang Mall. Naglaro ako roon ng arcade at kumain sa paborito kong fast food chain—ang Lollibee. Ang saya-saya ko, lahat ng menu doon ay tinikman ko. Natatawa nga ako at para akong nasa Mukbang show.
Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao but I don't care hindi naman nila ako kilala.
Alas singko na ng hapon nang maramdaman ko ang pagod sa pamamasyal at nagpasyang umuwi. For sure naman wala pa si Zac sa bahay.
Nang makarating ako sa bahay ay halatang wala pang tao sa loob. Wala pa ang kotse ni Zach. Pumasok ako at nagluto na rin ng dinner para mamaya. Hihintayin ko nalang siguro siya. Iyan naman lagi kong ginagawa— ang maghintay.
Maya maya ay narinig ko ang busina ng kotse. Agad akong lumabas at pinagbuksan siya ng gate. Matapos kong maisara ang gate ay nakita ko na may babaeng lumabas sa kotse.
Agad na pumulupot ang babae kay Zach at hinalikan ito sa pisngi. This was the first time I saw Zach smiling. Nakita ko ang mata n’yang nagniningning sa kagalakan. Nang nakita niya ako ay nawala iyong mga ngiti niya. Nagiwas siya ng tingin at pumasok din agad sa loob.
Nakasunod lang ako sa kanila, baka kasi may iuutos si Zach sa akin mas maigi nang ready.
"Uhm babe, who's this?" turo ni Samantha sa akin.
"She's just a maid here babe. She's nothing. Let's go to my room?" turan ni Zach.
"How cheap!" sabi ni Samantha at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"At ikaw paghandaan mo kami ng makakain," dagdag nya pa.
"Y-yes sir", sagot ko sa kanya.
Nanginginig ang aking kamay at unti-unting tumulo ang aking luha. So, ano na gagawin ko? Magpaparaya ba ako? o ipagpapatuloy ang pagiging martir ko? Hindi ako papayag na sulutin nalang ni Samantha ang aking asawa. Kasal kami sa papel, kung maari ay tatakutin ko si Zach na idedemanda ko sila.
Agad akong pumunta sa kwarto ng aking asawa. Rinig ko ang landian nila roon. Rinig na rinig ko rin ang nakakairitang tawa ni Samantha. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa kwarto ni Zach.
"Bakit ka pumasok sa kwarto ko??" naiiritang tanong ni Zach.
"At bakit naman hindi!?" matapang kong sagot.
"Aba't! sumasagot ka na ah!" bigla nya sana akong susugurin pero pinigilan sya ni Samantha.
"Babe what is the meaning of this?" tanong ni Samantha.
"Ako lang naman ang legal na asawa niyang bini-babe mo! Kasal kami at wala kang karapatang pumasok dito sa pamamahay namin!" sigaw ko sa kanya.
"Is this true Zach?? Akala ko ba maid mo sya??" Naiiyak na tanong ni Samantha.
"I-I .. I can explain babe. Im sorry. She's nothing! I love you," paliwanag ni Zach.
"Is she your wife?? ANSWER ME!!?" sigaw ni Samatha sa kanya.
"Yes..." agad na yumuko si Zach.
Agad na nag walk out si Samantha. Umalis siya at binalibag 'yong pinto.
"This is all your fault!" sigaw ni Zach sa akin.
"Ginawa ko lang naman ang tama! I am your wife Zach! Bat naguuwi ka dito ng babae?? Respeto naman bilang asawa mo! No bilang babae pala," umiiyak kong sagot.
"Hindi ka ba naaawa sa akin? Wala bang ni katiting na pagaalala riyan sa puso mo? Manhid ka ba Zach? Lahat naman ginawa ko na. Pinagsisilbihan kita araw-araw, tinitiis ko lahat ng pasakit na binigay mo. Hindi pa ba iyon sapat? Wala naman akong nagawang mali a. Nagmahal lang naman ako. Minahal lang naman kita. Pero bakit kasalanan ko lahat? Bakit sa akin lahat ang sisi? Bakit ako lang yung nagpapakahirap dito?" Hagulhol ko sa kanya.
Nilabas ko na lahat ng sama ng loob sa kanya. Sumusobra na kasi e. Ubos na ubos na ako.
"Tapos ka na ba?" sagot niya.
"P'wes ako naman."
Naramdaman ko nalang ang isang magasawang sampal sa aking pisngi. Muntik na akong mabuwal sa aking kinatatayuan kung hindi lang niya hinila ang aking buhok. Magpapasalamat ba ako? Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit. Hinila niya pala ang buhok ko pababa para maka tingala ako sa kanya.
"Anong pinagddrama mo kanina ha?? Nagpapatawa ka ba?? akala mo ba maaawa ako sa'yo? Manigas ka! Hinding hindi kita mamahalin kagaya ng pagmamahal ko kay Samantha tandaan mo yan! Ikaw ang may kasalanan kaya tayo naandito. Kung hindi mo lang ako pinikot at niyaya uminom, masaya sana kami ni Samantha ngayon!"
Bigla niya akong hinila palabas ng kwarto niya.
Sinara niya ang pinto at hinayaan niya akong nakahandusay sa sahig.
"I'm sorry... Wala akong kasalanan," turan ko bago ako mawalan ng malay