Nagising ako sa ingay sa labas. Hindi ko alam kung nasaan ako ngunit ramdam ko ang pamamanhid ng aking katawan. Napapikit-pikit ako dahil sobrang liwanag ng aking paligid nang makaadjust na ang aking mga mata sa liwanag ay nakita ko ang mukha ni Lucas na nag-aalala sa akin. “Okay ka lang ba, Michelle?” tanong niya sa akin. Mangiyak-ngiyak itong tumingin sa akin. “Iyong baby ko?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala sa akin ang baby ko. Damn! Ang tanga-tanga ko talaga! Bakit kasi pinairal ko pa ang kahibangan ko! Bakit kasi nagtatakbo pa ako, eh alam ko namang buntis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nag-iingat, napaka-i-responsable kong nanay! Kaya ako iniiwan eh. Napahikbi ako sa aking naisip. “Shh, the baby is safe. Buti malakas ang ka

