Nang makapasok ako sa aking kwarto ay halos hindi ko na makita ang aking paligid dahil sa namumuong luha ko sa mga mata, biglang nagpatakan ito sa aking pisngi. Nagseselos ako, oo. Sobrang nagseselos ako dahil hindi man lang nagawa sa akin ‘yon ni Zach. Ang magluhod at tanungin ng “Will you marry me?” Napakaswerte naman ni Samantha, nanloko na nga’t lahat-lahat pinipili pa siya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa atin, nakakatanga. Pareho lang kaming tanga ni Zach sa pag-ibig. Ako, tanga sa kaniya at siya, tanga kay Samantha. Nakakatawa lang, pero mas kaawa-awa ako, walang resultang maganda ang pagiging tanga ko kung ‘di ay saktan lang ako nito. Hagulhol lamang ang aking nagawa, tila ba hindi ko na kayang huminga kaya ay pinagsusuntok ko ang aking dibdib. Sobrang sakit, kailan kaya a

