Paano kung may masamang nangyari kay tatay? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.” “Lorrene, kailangan mo ng pahinga. Ako na lang ang aalis, pupuntahan ko sila sa police station. Tatawagan na lang kita, okay? Baka ma-stress ka.” Iniwan na ni Froilan si Lorrene para puntahan si Nanay Divine at Tatay Ramon sa presinto. “’NAY, a-ano po ang nangyari kay tatay? B-Bakit po siya nakahiga sa kabaong?” Halos mahimatay si Lorrene sa sobrang lungkot. Hindi niya magawang tingnan ang kaniyang tatay na nakaratay sa loob ng kabaong. “Anak, hindi niya na nakayanan. Alam niyang mamamatay na siya, anak. Nawalan siya ng malay pagdating naming sa presinto. Dinala pa naming siya sa ospital pero hindi niya na nakayanan,” puno ng pagdadalamhati na turan nito. “Hindi na siya gumising pa.” “Bakit niya ako iniwa

