First Kiss

2007 Words
PAGDATING nila sa s**o Restaurant. Isang sikat na restaurant sa aming bayan. Na-feature na ito sa TV dahil sa masasarap na dishes nila. Pinagbuksan ako ni Charles ng pinto ng passenger's seat. Namangha ako sa aking nakita. Hindi ko akalain na makakapunta ako sa ganitong mamahaling restaurant. Napatingin ako sa sasakyan na nag-park di-kalayuan sa amin. Napakunot noo ako. Iisa lang ang destinasyon namin? Posible kayang si Luke yun? "Tara. Ano ba ang tinitingnan mo?" 'yaya sa akin ni Charles. Napatingin ako kay Charles. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa restaurant. "Ah wala. Tinitingnan ko lang ang kabuuan ng parking area ng restaurant. Sobrang lawak pala," pagdadahilan ko. Hindi naman pwedeng sabihin sa kaniya na may sumusunod sa amin. Baka magtaka siya at hanapin kung sino iyon. "Magandang gabi po," bati ng dalawang babaeng crew ng naturang restaurant ng makapasok kami. Mararamdaman mo talaga na welcome ka sa eestaurant pagpasok mo palang. Iginiya nila kami sa bakanteng mesa na may dalawang upuan. Hinila ni Charles ang upuan para sa'kin. Umupo ako. Pumunta siya sa katapat kong upuan at naupo. Inabot niya ang menu na ibinigay ng isang lalaking crew. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng restaurant. Sobrang ganda. Napakalawak, napakaganda at napakaliwanag. Talagang mga mayayaman lamang ang pwedeng kumain sa ganitong klase ng restaurant. Hindi ko maiwasang manliit sa'king sarili dahil pakiramdam ko hindi ako nararapat sa lugar na ito. May dalawang lalaki na may dalang violin ang lumapit sa amin at nagsimulang tugtugin ang iyon. Ibinigay na ni Charles ang menu sa naghihintay at itinuro niya ang mga pagkaing oorderin. "Nagustuhan mo ba ang lugar?" Tanong niya sa'kin. Makikita sa mukha niya ang saya. Saya na nakasama ako. Pero bakit hindi ko maramdaman ang sayang 'yun? Iba ang gusto kong makasama ngayon, si Luke. Iwinaksi ko sa aking isipan ang mga bagay na makakasira sa date namin ni Charles. Dapat siya ang pinagtutuunan ko ng pansin at hindi si Luke. "Salamat." Yun lang ang namutawi sa aking bibig. Nang dumating na ang order namin ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain, nagkwentuhan kami ng mga bagay tungkol sa aming sarili. PAUWI na kami ng mga pagkakataong 'yun. Alas syete na ng gabi. Tinatahak na namin ang daan pauwi. Gusto kong ipikit ang aking mga mata dahil sa sobrang pagod na nararamdaman. Madami kasi akong ginawa kanina sa opisina. Nakakahiya naman kasing tanggihan si Charles. Eh, minsan lang niya ako yayain. Isinandal ko ang ulo sa upuan at pumikit. NAGISING ako sa marahang pagyugyog ni Charles sa aking. Agad kong iminulat ang aking mga mata. Nang makitang nasa tapat na kami ng bahay, bumangon ako. "Nandito na pala tayo. Pasensya napasarap ang tulog ko." Hinging-paumanhin ko sa kaniya. "Wala iyon. Nagpapasalamat nga ako dahil kahit pagod ka sa trabaho, pinaunlakan mo ang aking paanyaya. Kaya salamat sa oras na inilaan mo para sa'kin, Athalia," aniya na titig na titig sa aking mga mata. Nag-iwas ako ng tingin. Bigla akong nakaramdam ng pagka-asiwa sa titig niya. "Ayos lang iyon, hindi ko kayang tanggihan ang isang maginoong kagaya mo," aniya at nilingon ito saglit. Ngumiti lamang si Charles saka lumabas ng kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Lumabas na ako at saka isinara ni Charles ang pinto. Matangkad siya. Hindi nagkakalayo ang taas nila ni Luke. Gwapo siya at malakas ang dating pero bakit hindi ko siya matutunang magustuhan? Sabagay, ilang araw palang naman kami magkakilala. It takes time para matutunan ko siyang magustuhan. "Salamat ah. Napuntahan ko rin ang isang sikat na restaurant. Gusto mo bang pumasok muna?" panyaya ko sa kaniya. "Hindi na. Gabi na rin kasi at para makapagpahinga ka agad. Pakisabi na lang kay tita na humihingi ako ng despensa dahil hindi kita naipaalam sa kaniya. Pumasok ka na para makapagpahinga ka agad. Pasensya na rin dahil napagod ka sa byahe imbes na umuwi ka na sana at nakapagpahinga," hinging paumanhin niya. Ngumiti siya rito. Na-touch siya sa pagiging mapagpakumbaba nito. "Ayos lang 'yun. Nag-enjoy naman ako sa biyahe. Pasensiya na rin kanina dahil pinagdudahan kita," aniya at nagbaba ng tingin. Nakakahiya lang kasi na pinag-isipan niya ito ng hindi maganda kanina. "Ano ka ba, ayos lang iyon. Naiintindihan kita lalo at hindi mo pa ako lubos na kilala," anito. "Salamat. Sige na mauna ka na. Papasok ako sa loob kapag hindi ko na natatanaw sasakyan mo." Tumango si Charles at pumasok sa sasakyan. Pnausad niya iyon palayo sa kaniyang kinaroroonan. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya, lumapit ako sa gate para buksan iyon. Akmang bubuksan ko ang gate ng may magsalita sa tabi ko. "Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Charles. Akala ko pa naman pag umuwi ako masusulit ko ang mga taon na di kita nakasama pero nagkamali ako dahil may iba ng kumukuha ng atensyon at oras mo," Lumingon ako para tingnan kung sino ang nagsalita na walang iba kung hindi si Luke. "Luke, anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na magkasama kami? Ibig sabihin ikaw 'yung sumusunod sa amin kanina?" tanong ko sa kaniya. "Oo. Sinundan ko kayo dahil gusto kong makasiguro na ligtas ka. Wala akong tiwala sa lalaking yun." Lumapit si Luke sa akin. Anong gagawin niya sa akin? Napasandal ako sa may rehas ng gate. Itinukod niya ang mga kamay sa gate at tinitigan ako sa aking mga mata. "Luke, anong gagawin mo?" kinakabahan ako sa gagawin niya. Kabang may kasamang excitement. "Namiss kita Athalia. Kulang na lang hilahin ko ang taon para makabalik agad dito sa Pilipinas para makasama at makita ka. Kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sa'yo." Tinitigan niya ang aking labi. Matagal ang pakakatitig niya roon. Napalunok ako. Hahalikan ba niya ako? Hanggang sa dahan-dahan niyang inilapit ang labi sa aking labi. Nang maglapat ang aming mga labi, nakaramdam ako ng kiliti sa puson ko. Iba ang epekto ng halik ni Luke sa'kin. Ganito pala ang pakiramdam ng unang halik. Nakakapanghina at nakakawala ng urirat. Napakalambot ng labi niya. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking bibig at hinayaang samsamin niya ang labi ko. Dahan dahan niyang ipinasok ang dila sa loob. Pagkatapos, bumaba ang labi niya sa leeg ko at hinalikan iyon. Naalarma ako. Nasa daan kami, baka may makakita sa amin. Gamit ang buong lakas itinulak ko siya. Bigla nawala ang init na nararamdaman ko ng humiwalay siya sa akin. "Baka may makakita sa'tin Luke. Nasa tabi tayo ng daan," sabi ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. "Pumasok ka na sa loob. Gumagabi na. Good night," aniya. Naglakad siya patungo sa kotse niya at pinaharurot iyon paalis. Tinanaw ko ang sasakyan niya hanggang sa mawala sa aking paningin. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nadatnan ko si inay na nagtutupi ng mga damit namin. "Saan ka nanggaling? Sino naghatid sa'yo pauwi?" tanong niya sa akin. "Galing kami ni Charles sa s**o Restaurant, 'nay. Si Charles din po naghatid sakin dito." "Anak, kung gusto kang ligawan ng tao dito muna sa bahay. Hindi sa kung saan saannka niya dinadala. Hindi mo pa siya gaanong kilala," payo ni inay sa akin. Umupo ako sa tabing upuan niya. Sa mesa kasi siya nagtutupi. Naiintindihan ko si inay. Nagmamalasakit lamang siya sa akin dahil ako nalang ang mayroon siya. Niyakap ko siya. "Pasensya na po, 'nay. Hindi po ako nakapagpaalam. Sa susunod magpapaalam na po ako at dito sa bahay ko na po siya papupuntahin," hinging-paumanhin ko. Hinagod niya ang aking likod. "Ayos lang 'yun. Basta huwag mo na uulitin, huh? Umakyat ka na sa itaas para makapagpalit at makapagpahinga ka na. Tatapusin ko na rin itong ginagawa ko at matutulog na rin ako." Hinalikan ko sa pisngi si inay at saka ako paumanhin sa itaas. Pagkabihis ko ay nahiga na ako sa kama. Hinawakan ko ang labi na hinalikan ni Luke. Unang halik ko iyon. Ganoon pala ang pakiramdam kapag hinahalikan. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata kaysa mag-isip ng kung ano-ano. Dahil sa pagod agad akong nakatulog. GUMISING ako ng mga alas syete ng umaga. Pagkababa ko ay nakahain na ang pagkain sa mesa. Salamat kay inay na laging naghahanda ng pagkain para sa amin. "Magandang umaga, 'nay. Pasensya po tinanghali ako ng gising. Dala siguro ng pagod kaya napasarap ang tulog ko." "Ayos lang 'yun anak. Masaya ako na nagagampanan ko ang tungkulin ko bilang iyong ina, ikaw nalang ang mayroom sa'kin anak kaya masaya ako sa ginagawa kong ito," aniya habang nakatitig sa'kin ng buong pagmamahal. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Salamat, inay. Maraming salamat po sa lahat." "Halika na kumain na tayo at baka lumamig pa to," biro niya. Sabay kaming nagtawanan at sabay na din kumain ng almusal. Nag-commute ako papuntang opisina. Nagtext si Charles na hindi niya ako maihahatid dahil may emergency meeting daw siya sa mga kliyente niya. Pagdating ko sa opisina, agad akong binati ng mga katrabaho ko. "Good morning din," bati ko sa kanila. Umupo ako sa swivel chair ko at may nakita akong bouquet ng bulaklak sa mesa. "Grabe. Iba din manliligaw mo, ah. May pabulaklak talaga." Si Ate Melissa ang nagsalita na kapapasok pa lamang. Ngumiti ako sa kaniya. Inamoy ko ang bulaklak. Ang bango. May liham ito na nakalagay sa bulaklak. Mamaya ko na iyon babasahn. May inilapag si Ate Melissa na folder. "Basahin mo iyan. Liham iyan galing sa CEO natin na si Mr. Michael Lereño. Mukhang may meeting ka kasama siya." Inilapag niya ang folder sa mesa ko at umalis na. May sari-sarili kaming opisina lalo na kapag mataas ang posisyon sa kompanya. Binuksan ko ang folder. Ang nakalagay sa liham ay, "Miss Ramos. Iniimbitahan kita sa isang meeting kasama ang isang business partner ko. At, may magandang balita ako sa'yo. Dahil ikaw ang napili niya na maging secretary tatlong araw sa isang linggo. Pag-uusapan natin ang magiging schedule mo. May good news ulit ako. Pag-usapan natin lahat mamaya. Ang meeting ay mamayang 4pm. Ipapasundo kita ng 3:30 pm." Magiging secretary ako? Kanino? LUNCH BREAK. Papunta ako ngayon sa canteen ng gusali kung saan ako nagtratrabaho. Mag-isa kong nilalakad ang hallway papunta sa canteen. By batch kasi ang lunch break. Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako at nakita si Ate Melissa na papalapit sa kinaroroonan ko. Huminto ako para hintayin siya. "Pasensya na ate akala ko kasi magkaiba tayo ng time." hinging-paumanhin ko sa kaniya. Kami lagi ang magkasamang kumain kapag lunch basta sabay ang oras namin. "Ayos lang 'yun. Hindi ko rin alam na ito 'yung time ko kasi na-promote ako!" tuwang-tuwa niyang balita sa akin. "Talaga ate? Anong position?" excited kong tanong. Nasa canteen na kami at umupo na sa bakanteng mesa. Lumapit sa amin si Ate Sally. Ang tagalista ng mga order. "Hello. Good afternoon sa inyo mga magandang dilag. Ano order natin ngayon?" tanong niya sa amin. "Chicken curry po sa'kin," aniya. May baon akong kanin. Sayang naman kung pati kanin ioorder ko pa. Lalo mahal ang kanin rito. Hindi kasi pwede kumain sa iba ang mga empleyado dahil nagrerenta din ang may-ari. "Pakbet po at isang kanin," ani Ate Melissa. "Anong position ba ang tanong mo kanina Athalia?" tanong ni Ate Melissa sa'kin. Tumango ako. Magaling kasi siya at matagal na rin sa kompanya. Dalaga palang siya ay dito na siya nagtratrabaho hanggang sa makapag-asawa. "Marketing Manager na ako! Marketing Assistant lang ako dati tapos ito Marketing Manager na." tuwang-tuwang balita niya sa'kin. "Masaya ako para sayo ate." Nagpasalamat siya sakin. Simpleng empleyado lang ako noong pumasok ako dito. Hanggang sa napromote ako na maging Marketing Staff Holder. Ito 'yung nagustuhan ko sa company. Na pinaghihirapan ang promotion, hindi 'yung porket graduate ka ng mataas na kurso o may karangalan kang natapos. Mataas na magiging posisyon mo. Kailangan mong pagdaanan ang proseso. Magsisimula ka sa ibaba hanggang sa tumaas ka pero dapat tumataas din skills mo. Dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. "Alam mo ba hindi ko gusto ugali 'nung girlfriend ni Luke. Yung si Mickaela. Masyadong clingy kay Luke. Akala mo mag-asawa na sila," sabi niya habang nilalantakan ang pagkaing in-order niya. Ano nga bang ugali mayroon si Mickaela?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD