Chapter 1

1595 Words
Dorothy's Pov There's this infamous saying that each and everyone of us has a secret we can't tell anyone about, at sa kaso ko hindi isang kasalanan o kung ano pa man ang aking pilit na itinatago kung 'di ang aking mismong pagkatao. Hindi dahil may supernatural power ako kung hindi dahil bunga ako ng isang kasalanan na magiging kasiraan ng aking mga magulang kung sakaling may ibang makaalam. "Dorothy Belle!" Halos takbuhin ko na ang ilang hakbang na layo ng aking kwarto papunta sa kusina kung saan nagmumula ang malakas at matinis na pagsigaw ni Mama, mukhang lasing na naman s'ya. "Po?" Magalang na tanong ko at katulad ng aking hinala, isang walang laman ng bote na naman ng gin ang kaniyang kaharap.  "Akin na 'yong pera galing sa magaling mo Papa," pasigaw na sinabi n'ya kasabay ng paglahad n'ya ng kaniyang palad sa 'king harapan. Ang mga mata ko'y nanatiling nakapako sa kaniyang palad bago ako tumungo at kinakabahang humawak sa laylayan ng lumang t-shirt na 'king suot-suot.  "Hoy! May hinihingi ako di ba?" Muli n'loyang sigaw at sa pagkakataong ito lumipad na sa direksyon ko ang walang laman na bote ng alak. Mariin akong napapikit at napatakip sa 'king mukha kaya naman ang braso ko lang ang tinamaan ng bote. Ganoon pa man nagdulot pa rin 'yon ng sakit na aking ikinangiwi. Sakto sa pagdating ni Lola ay ang pagtama ng bote sa sementong sahig na gumawa ng ingay dahil sa pagkabasag.  "Belinda! Ano ba 'yan, ba't ba pinagdidiskitahan mo na naman ang anak mo?" Anas ni Lola atsaka ako hinila papunta sa likod n'ya. "Hindi ko pinagdidiskitahan ang malas na 'yan, Nay. Hinihingi ko 'yong perang isinusustento sa kaniya ng magaling niyang Ama. Ano nasaan na?" Aniya na idinirekta sa 'kin ang huli nitong sinabi. Mariin akong napakapit kay Lola dahil sa takot na nararamdaman kahit na kinagisnan ko na ang ganitong pangyayari sa nakalipas na labing-tatlong taon.  "H-hindi pa po ako nakakapunta kay Papa," mahinang sinabi ko dahilan para sunod sunod na mapamura si Mama. "Bwisit! Wala ka talagang silbing bata ka, sana pinalaglag na lang kita," saad n'ya at nangagalaiti pa 'kong dinuro-duro bago s'ya tuluyang lumabas ng bahay. Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa 'king mata dahil sa sakit ng sinabi ng sarili kong Mama. Lagi namang ganito kaya hindi ko alam kung bakit ba hindi na 'ko nasanay at lagi pa rin akong umiiyak. My own mother just hate my existence to the core that she didn't even mind giving me a proper name, si Lola Medina ang nag-asikaso ng lahat para sa 'kin ang tangi lang nagawa ni Mama ay ang ipanganak ako at saktan nang paulit-ulit.  "Dorothy apo, pagpasensyahan mo na ang Mama mo lasing lang 'yon kaya n'ya nasasabi ang bagay na 'yon," kalmadong sinabi ni Lola habang pinapalis ang mga luha sa 'king pisnge. I smile weakly at her.  "Sanay naman po ako," I mumbled.  Kagaya ng parating nangyayari, may malungkot na ngiti akong bumalik sa kwarto na para bang walang nangyari at nagpatuloy sa paggawa ng proyekto ko para sa paaralan na naudlot dahil sa naging pagtawag ni Mama kanina. "Pupunta ka na kay Manuel?" Tanong ni Lola nang makita akong lumabas sa kwarto suot ang isang disente ngunit may kalumaan na rin na bestida. I nodded slowly and smile at her as I place a butterfly pin Papa gave me last December. "Umuwi ka rin kaagad, delikado sa daan kapag madilim na," pahabol niyang bilin na hindi ko na tinugunan at dire-diretso na lamang na lumabas mula sa maliit na tarangkahang yari sa kawayan na ano mang oras ay maari na ring bumigay dahil sa kalumaan. I can't help but plaster a smile on my face at that thought that I'll be able to see my Papa once again. Palagi kasi siyang busy at madalas ay nasa Manila para sa iilan niyang negosyo.  T'wing unang linggo ng bawat buwan ko lamang s'ya nakikita at nakakasama madalas ay hindi pa 'yon tumatagal ng isang oras dahil bukod sa abala s'ya ayaw din ng asawa n'ya na namamalagi ako sa kanilang bahay. I fathomed where do her hatred towards me coming from.  Sino nga ba naman kasi ang gugustuhin na makita ang bunga ng kataksilan ng asawa nila? Wala naman di ba? Hindi man ako ang personal na nakagawa ng kasalanan sa kaniya, ngunit ang mismong paghinga at pagtapak ko sa mundong ibabaw ay magpapaalala sa kaniya na minsan ang sarili niyang asawa'y nakagawa ng matinding kasalanan sa kaniya at kanilang pamilya. I am the bastard, the unwanted child, their family's hidden secret. "Manang, nand'yan po ba si Mr. Ycaza?" Magalang na tanong ko sa Mayordoma ng bahay na sumalubong sa 'kin sa harap na magara at malaking bahay ng aking Papa.  "Nand'yan s'ya Dorothy kaya lang kausap n'ya pa si Don Alexano Montefiore. Maghintay ka na lang muna dito," aniya nang mahinto kami sa sala ng bahay. I smiled at her and nodded.  Ilang saglit pa'y umalis na rin s'ya at ang mga mata ko ay napako sa portrait ng pamilya nila, si Papa, ang asawa nya at ang nag-iisa nilang anak lahat sila ay masayang nakangiti, larawan ng isang perpektong pamilya. "Talaga? Siguro'y pwede tayong magkita kapag nakabalik ka na sa Paris," kaagad akong nag-angat nang tingin nang marinig ko ang boses ni Ate Harlene na may masayang tono.  I was about to greet her good afternoon when I saw a good-looking man whose about her age enter the house as well. "We'll see about that," tugon nito gamit ang banyagang lenguahe. Mabilis kong itinuon ang mga tingin ko sa ibang direksyon nang makita kong lumingon ang lalaki sa 'king direksyon sa hindi malamang dahilan bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba. The sweet smile fade from Harlene's lip as she saw me standing steps away from there, mas lalo akong kinabahan. "Dorothy, pinapatawag ka ni Madam," ani ni Manang. Saglit pa 'kong sumulyap kay Ate pati na rin sa lalaking kasama n'ya bago ako sumunod kay Manang na patungo sa maliit na silid-aklatan ng mga Ycaza.  "Pumasok kana," anas ni Manang bago ako tinalikuran. I heaved a sigh as I gathered all my strength before I did knock on the door.  Dalawang may kalakasang pagkatok ang ginawa ko bago ko maingat na hinawakan ang seradura ng pinto at binuksan 'yon. Bago pa man ako makapagsalita at tuluyang makalapit sa kaniya ay inihagis na ni Mrs. Ycaza ang puting sobre sa 'king harapan na nahulog sa carpet na kinatatayuan ko. Kaagad na nakita ko ang tig-iisang libong laman non. "100 thousands, isang buong taong sustento na 'yan sayo ni Manuel, ayoko nang makita ka pa sa pamamahay ko at lalong ayokong mababalitaan na makikipagkita ka pa sa asawa ko," masungit niyang sinabi bago nagsalin ng alak sa isang magarang basong nasa harapan n'ya. "P-pero-," "Tanggapin mo na ang pera at umalis Dorothy, hindi ako tatanggap ng kahit na anong pero mula sa bastaradang katulad mo. Umalis ka na bago ko pa maisip na ipakaladkad ka palabas o ipahabol sa alaga naming aso," taas kilay na pagbabanta n'ya. Like always, I was left with no choice but take the money with a heavy heart and walked out from the library silently, without buts, and whine. Sa murang edad maagang tinuro sa 'kin ng buhay na maraming bagay sa mundong 'to ang hindi ko pwedeng almahan lalo na't isa lang naman akong pabigat.  I was born out of my parents sin, and live to follow both of their biddings, karapatan kong mabuhay pero hindi ang magreklamo sa klaae nang pagtrato na natatanggap ko mula sa magkabilang panig. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa 'kin atsaka maingat na hinawakan ang sobreng galing sa asawa ni Papa at patakbong sinuong ang malakas na buhos ng ulan.  Kung bakit ba kasi nakalimutan kong magdala ng payong. I was hoping that somehow the rain will eventually stop, ngunit iba ang nangyari sa inaasahan ko ng mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan at may kasama na 'tong pagkulog at pagkidlat. Natigil ako sa paglalakad sa gitna ng lubaklubak na kalsada para sana maghanap ng p'wedeng masilungan ngunit walang kahit na ano sa paligid.  It was just me, this rough road and the heavy rain. But sometimes, miracle do happen just like now, the rain finally stop or atleast that's what I thought when raindrops stops hitting my entire body. Mabilis akong tumingala at lumingon sa 'king likuran nang mapagtantong may kulay itim na payong ang nakatapat sa 'kin.  There I saw the man earlier standing a step away from me with an umbrella in his right hand while the other one is kept in the pocket of his jean as he stare at me without a trace of any emotion in his brown eyes yet still it is breath-taking to look at the pair of his hazel brown eyes. How can someone's eyes be so beautiful though it look so lifeless?  "Kunin mo, mas kailangan mo 'to," aniya gamit ang kaniyang baritonong boses na marahil ay hindi na kahit na kailan man malilimutan ng aking utak. I was too shock to do such move and I was just staring at him, ang dibdib ko'y mabilis na kumalabog nang hawakan n'ya ang kamay ko at sapilitang ipinahawak sa 'kin ang payong. He put his hoodie on and starts walking back in the Ycaza's house as if nothing happen. Probably this will be my favorite moment in my thirteenth age, when a knight in black hoodie help me in the middle of the heavy rain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD