bc

Sinful Kisses

book_age0+
2.9K
FOLLOW
23.8K
READ
billionaire
possessive
age gap
submissive
student
doctor
drama
like
intro-logo
Blurb

"Do you know why people fail to have a perfect life and love story?" Tanong n'ya sa isang estranghero na nakatabi sa dalampasigan habang malungkot na nakatingin sa hangganan ng mundo, kung mayroon mang ganoon.

The man's brow arched as he seem to be confused at her sudden question. "Because we are not perfect as well," she mumbled and rose to her feet before she leave as if nothing happened.

chap-preview
Free preview
Prologue
Wala na 'kong ibang nagawa kung 'di ang maglakad na lamang ulit pabalik sa bahay. Mariin akong napapikit. Bumuntong hininga saka iminulat muli ang aking mata para tingnan ang nababalot na ng putik na puting bestidang suot-suot ko nang matalsikan ako ng mga 'yon sa pagdaan ng isang hindi pamilyar na sasakyan. "Dorothy, ikaw na ba 'yan?" Maagap na tanong ni Lola Medina nang marinig n'ya ang ingay na dulot nang pagbukas ko sa maliit naming tarangkahang gawa sa kawayan na bibigay na rin ata ano mang oras ngayon. "Hindi ba't sa birthday party ni Harlene ang punta mo ba't ang bilis mo naman atang nakabalik?" Dagdag tanong n'ya pa nang tuluyan na 'kong nakapasok sa bahay. Hindi n'ya pa napapansin ang aking damit at mukha na halos nababalot na ng putik. "Ay jusko kang bata ka! Anong nangyari sa'yo?" Natatarantang tanong n'ya saka binitawan ang bilaong hawak-hawak kanina kung saan ito nagtatahip ng bigas. Nag-aalalang lumapit s'ya sa 'kin. "Kasi naman La, may dayo ata na papunta rin sa party nina Harlene medyo maputik ang daanan dahil sa naging pag-ulan. Hayoon natalsikan ako ng hindi man lang nila lalaman," Bumitaw s'ya sa pagkakahawak sa kamay ko at naging hudyat naman na 'yon para sa 'kin na pumasok sa cr at linisin ang aking sarili. Nakakainis lang!  Ang tagal-tagal kong naghanda para sa party na 'yon tapos hindi lang rin ako nakapunta dahil sa nangyari.  Badluck loves to stay on my side. "Dayo? Nakita mo ba kung sino?" Aniya pagkalabas ng palikuran habang kinukuha n'ya sa 'kin ang suot-suot kong bestida kanina na ngayon ay mukha ng ewan.  "Hindi po, sarado 'yong bintana ng sasakyan pero mukhang mayaman na mayaman sila napaka-gara kasi ng kotseng 'yon," namamanghang sinabi ko bago tuluyang pumasok sa maliit na kwartong nakalaan para sa 'kin. Papalubog na ang araw ngunit may kung anong nagtulak sa 'kin na pumunta sa dalampasigan kahit na medyo may kalayuan 'yon mula sa 'ming bahay. Lampas kalahating oras din kung lalakarin ko 'yon.  Pakiramdam ko kasi kailangan kong pumunta roon kaya naman pagkatapos kong makapagpalit ng mas simpleng damit ay lumabas ako ng bahay at nagsimulang tahakin ang daan papunta roon. A smile crept into my face as I feel the cool breze and the salty smell it has. Pakiramdam ko sa t'wing naririnig ko ang hampas ng alon ay napaka-laya ko kahit na hindi naman ako literal na nakakulong.  Ewan ko ba. At the age of thirteen I already realize that life is unfair, very very unfair.  Maingat akong naupo sa pinong buhangin ng dalampasigan at nakatingin lamang sa guhit na parang pinagdudugtong ang langit at dagat, kahit na alam kong optical illusion lang 'yon at horizon ang tawag ng nakakarami hindi ko pa rin maiwasang isipin na may magic na taglay 'yon kaya ganoon. Naramdaman kong mayroong ibang taong naupo sa may dalampasigan, mahigit tatlo o apat na hakbang ang layo sa 'kin. Hindi ko na nagawa pang titigan kung sino man 'yon ang alam ko lang may kakaiba itong aura, nakaka-intimidate at ramdam na ramdam ko 'yon.  I gathered all my guts to mumble a senseless question in my mind. "Do you know why people fail to have a perfect life and love story?" Gaya ng inaasahan nanatili siyang tahimik, malamang ay walang pakialam sa kung ano mang sinasabi ko. "Because we are not perfect as well," I uttered in monotone and rose to my feet without even looking at that someone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
970.9K
bc

A Night With My Professor

read
497.1K
bc

My Godfather My husband

read
269.5K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook