Dorothy's Pov Sa kalagitnaan nang mahimbing kong patulog ay nabulabog ako bigla ng ingay na dulot ng aking telepono. Pikit ang mga matang kinapa ko ang side table kung saan ko 'yon ipinatong at maagap na itinapat sa 'king tenga nang mapindot ko na ang answer button. "Stan, anong oras na oh hindi ka pa rin ba natutulog?" I mumbled half-awake, biglang bumalik sa 'kin ang diwa kong papunta na dapat sa dreamland nang magpakilala ang aking kausap mula sa kabilang linya. Si Henry. "Dorothy, may nangyari kasi kay Lola Medina mo nasa ICU s'ya ngayon." Napabalikwas ako nang bangon kasabay nang pagtahip ng labis-labis na takot at pangamba sa 'king dibdib. "H-ha? P-papunta na 'ko, Henry wag mo iiwan ang Lola ng mag-isa hangga't hindi pa ko nakauuwi d'yan ah." Bilin ko at kaagad nang n

