Dorothy's Pov "Ohhh! Jealous Stan." Nakangiting hirit ni Creed habang binubuksan ang isang canned beer. Dahil na rin sa labis na hiya mula sa atensyon nakukuha ko at ng magkahawak naming kamay ay binitawan ko na kaagad 'yon at nanatili na lamang sa gilid n'ya. "I never expect that this day will happen. My lil brother is growing up so damn fast." Aeious murmured using his melo-dramatic voice, and it's cringe-worthy. "You can all leave the two of us and f**k yourselves." Masungit na untag ni Stan sa iba pang mga Montefiore na bagama't nagtawanan dahil sa sinabi n'ya ay sumunod pa rin naman at naiwan na kami sa lounger kung saan komparteble siyang naupo habang ako naman ay nanatili pa ring nakatayo at hiyang-hiya sa mga nangyari. Mula sa gilid ng aking mga mata'y kitang-k

