Dorothy's Pov "Dorothy Belle!" Mula sa tapat ng arrival's area sa may na NAIA ay bumulabog na kaagad sa 'kin ang boses nina Patricia bago pa man ako makatawag sa kanila para sabihing nakapag-landing na ang eroplanong sinasakyan ko. I immediately walked towards them and hug them with all of my contained excitement. "Mamamia, look at her now, she really looks like someone who will rock Harper's Bazzar Magazine." May malapad na ngiting puna ni Keanna bago ako inalalayang umikot. "Tigilan mo nga 'ko, creative director ako ng Harper's Bazzar at hindi model." Pagtatama ko sa sinabi n'ya na ipinagkibit balikat lamang nilang tatlo bago ulit kami nagyakapan. Mabilis na pinanlakihan ako ng mata ni Patricia ng lumapit sa 'min si Sancho, isa sa mga creative director nang Philomela

