Prologue: Ang huling misa ni Padre Gabriel
Ang unang beses na nakita ko siya, akala ko multo.
Basang-basa sa ulan, nakatayo sa gitna ng simbahan ng San Lorenzo, alas-tres ng madaling araw. Walang tao. Walang ilaw. Tanging kandila sa altar at ang buwan na sumisilip sa stained glass ni San Miguel Arkanghel.
Naka-itim siyang bestida na halos tela na lang. Dumidikit sa katawan niya, nagpapakita ng bawat kurba na hindi dapat tinitingnan ng isang pari na katulad ko. Mahaba ang basang buhok, nakatabing sa kalahati ng mukha niya. Pero yung isang mata — Diyos ko, yung isang mata niya.
Walang buhay. Para siyang patay na naglalakad.
"Miss?" tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin.
Kakatapos ko lang magdasal ng "Liturgy of the Hours". Mag-isa lang ako dapat dito.Dahil ang simbahan ay sarado na ng alas-nuebe ng gabi.
"Paano ka nakapasok dito?"
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa krus sa itaas ng altar. Tapos dahan-dahan, lumuhod siya. Hindi sa pew. Hindi sa kneeler. Sa mismong sahig na marmol, sa gitna ng aisle, kung saan tumutulo ang tubig-ulan mula sa butas ng bubong. Mabuti na lang hindi natumba ang timba, kundi natapon sana ang tubig.
May sugat ang tuhod niya. May pasa ang braso. May dugo sa labi.
At sa unang pagkakataon sa loob ng sampung taon kong pagkapari, nakalimutan kong pari ako.
Tumakbo ako papunta sa kanya. "Anong nangyari sa'yo? Sinong gumawa saiyo nito?"
Paglapit ko, naamoy ko siya. Amoy alaknat putik.
Tumingala siya sa akin.
"Tapos na ba?" tanong niya. Basag ang boses. "Tapos na ba akong parusahan?"
Hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Ako ba? Ang Diyos? O ang sarili niya?
"Ano'ng pangalan mo, anak?" Tanong ko, at inabot ko yung kamay ko para tulungan siyang tumayo.
Tiningnan niya yung kamay ko. "Wala na akong pangalan." Tapos tumawa siya. Walang tunog at walang saya. Lungkot sa kanyang mga mata ang makikita mo. "Tinanggal na nila ang pangalan ko. Kasama ng lahat ng meron ako."
"Sinong nila?"
Hindi na siya sumagot. Sa halip, tumayo siyang mag-isa, nanginginig. "Pwede ba akong matulog dito? Kahit sa sahig lang. Kahit sa ilalim ng pew. Hindi ako hihingi ng pagkain. Hindi ako mag-iingay. Gusto ko lang..." Naputol yung sasabihin niya.
"Gusto ko lang matulog na hindi ako nasasaktan."
May kung anong kumurot sa dibdib ko. Sa sampung taon ko bilang pari, narinig ko na lahat ng kumpisal. Pumatay. Nagnakaw. Nangalunya. Pero ito — yung pagod sa boses ng babaeng ito — ito ang unang beses na gusto kong suntukin ang Diyos at tanungin, Bakit? Bakit may isang katulad nitong babae ang nasasaktan ngyaon8sa harapan ko? Bakit may Isang babae ang nakakaranas ng paghihirap katulad nito? Anong kasalanan nila? Bakit mo sila hinahayaang parusahan ng kapwa naming tao.
"Hindi ka pwedeng matulog sa sahig," sabi ko. "May kwarto sa kumbento. Para sa mga bisita. May malinis na kama at kumot."
Umiling siya ng ulo sa akin. "Hindi ako bisita. Wala akong pambayad."
"Hindi mo kailangan magbayad. Bahay ito ng Diyos. At ang bahay ng Diyos ay bahay ng lahat ng naliligaw na katulad mo."
Tumingin siya sa akin, diretso sa aking mga mata. At sa unang pagkakataon, may nakita akong emosyon. Hindi luha. Hindi takot. Kundi ang pagkadismaya.
"Ang Diyos mo," sabi niya, mahina pero malinaw, "matagal na akong iniwan."
Hindi ako nakasagot. Dahil paano mo kokontrahin ang isang taong sinasabi ang totoo?
"Huwag mong sabihin 'yan. Ang lahat ng naranasan mong sakit, ang lahat ng 'yan ay may dahilan ang panginoon.
Ngumisi siya sa akin. "Kung talagang may diyso, hindi sana niya ako pinabayaan na wasakin ng Isang halimaw. Sana hindi ko naranasan ang pagmalupitan ng asawa.
Hindi agad ako nakapagsalita. Matahimik ako.
"Halika, sumama ka sa akin ng makapag pahinga ka na. Bukas natin pag-usapan ang problema mo.
Dinala ko siya sa kwarto para sa mga madre na dumadalaw. Binigyan ko siya ng tuwalya, ng tuyong damit na galing sa donation box — isang simpleng puting bestida na may burda ng rosas sa laylayan. Iniwan ko rin ang isang tray: mainit na sopas, pandesal, at tubig.
"Bukas na tayo mag-usap," sabi ko bago ako lumabas. "Magpahinga ka muna."
"Salamat, Father," bulong niya.
Iyon ang unang beses na tinawag niya akong Father. At ewan ko ba, pero parang may kung anong mali. Parang hindi bagay. Parang... kulang.
Lumabas ako at isinara ang pinto. Pero hindi ako umalis. Nakatayo lang ako sa labas ng kwarto niya, nakasandal sa pader, nakikinig. Isang minuto. Dalawa. Hanggang tatlo.
Wala akong naririnig na kahit anong ingay sa loob.
Yung klase ng katahimikan na mas masakit pa sa sigaw. Yung klase ng katahimikan ng taong nakalimutan na kung paano umiyak.
Nalaman ko ang pangalan niya kinabukasan. Mula sa pulis na dumating, hinahanap siya.
"Amara dela Cruz," sabi ng officer. "Takas sa asawa. May kaso ng pagnanakaw. At..." Tumingin siya sa akin na parang may sinasabi. "Prostitusyon, Father."
Tiningnan ko yung litrato...
"Wala dito ang hinahanap ninyo. Walang naligaw na babae na pumasok dito kagabi." Sagot ko. Ito ang unang beses na nagsinungaling ako.
Hindi nagtagal ay umalis ang mga pulis, pero alam kong babalik sila at iisa-isahin ang mga taong nagsismba.
Pagkatapos ng isang linggo, kinukumbinsi ko na siya na magsalita. Pero ayaw niya. Ang tanging sinasabi niya: "Ligtas na ako dito. Huwag mo na akong paalisin. At hindi ko nga ginawa dahil may kung ano na pumipigil sa akin para huwag kong gawin.
Binigyan ko siya ng trabaho. Maglinis ng simbahan. Mag-alaga ng mga bulaklak sa hardin. Magturo ng dasal sa mga bata tuwing Linggo — kahit siya mismo, hindi na naniniwala na unti-unti na nabuhay ang muli niyang pagkatao dahil narin sa tulong ko.
Nagsusuklay na ng buhok. Ngumingiti na sa mga matatanda. Tumatawa narin, minsan, kapag nadadapa yung batang si Lucas habang naglalaro ng piko sa labas ng simbahan.
At unti-unti... ako naman ang namamatay.nDahil araw-araw, nakikita ko siya. Nakikita ko yung peklat sa kilay niya na natatago ng bangs niya kapag umiihip ang hangin.
Nakikita ko yung paraan ng paghawak niya sa rosaryo — mahigpit, desperado, na parang iyon na lang ang pinanghahawakan niyang sandata sa mundo.
Nakikita ko yung pagtingin niya sa akin kapag nagmimisa ako, na parang ako ang sagot sa lahat ng dasal na hindi niya sinasabi.
At sa gabi, sa loob ng kwarto ko, lumluhod ako. Hindi para magdasal. Kundi para humingi ng tawad.
"Ama namin, sumasalangit Ka," bulong ko, pero ang nakikita ko ay siya. Nakaluhod sa sahig ng simbahan, basang-basa sa ulan.
"Sambahin ang ngalan Mo." Pero ang ngalan na binubulong ng puso ko ay Amara.
"Mapasaamin ang kaharian Mo." Pero ang kaharian na gusto ko ay yung nasa pagitan ng braso niya. Diyos ko, patawarin mo po ako dahil ako po ay nagkakasala.
Sa ikatlong taon ng gabi, hindi ko na kinaya.
Kumatok ako sa kwarto niya. Alas-dose ng hatinggabi.
Pagbukas niya ng pinto, nagulat siya ng Makita ako. Nakasuot siya ng puting bestida na binigay ko pa noon sa kanya noong gabi na una ko siyang makita na basang-basa sa ulan. Mahaba ang buhok, nakalugay. Walang kolorete. Walang takong. Walang kahit na ano sa katawan, pero maganda parin. At sa unang pagkakataon, nakita ko siya. Hindi bilang babaeng inaabuso. Hindi bilang parokyano. Kundi bilang isang mamahaling babae na dapat iniingatan na huwag mabasag.
"Father?" tanong niya, na naka kunot ang noo "May problema po ba?"
Gusto kong sabihin, Oo. Malaki. Ikaw ang problema ko. At ikaw ang sagot sa problema. Ikaw ang unang kasalanan ko na hindi ko kayang ikumpisal.
Pero ang sinabi ko, "Pwede ba kitang... makausap?"
Pinatuloy niya ako. Umupo kami sa maliit na mesa. May isang kandila lang sa gitna.
"Amara," sabi ko. Ang unang beses na binanggit ko ang pangalan niya nang walang 'Miss' o 'Anak'.
"Bakit ka napunta sa simbahan ko noong gabing iyon?"
Tumingin siya sa kandila. "Wala na akong mapuntahan. Lahat ng pinto, sarado. Lahat ng tao, tinakwil ako. Sabi ko sa sarili ko, kung totoo ang Diyos, bakit Niya ako hinahayaang masaktan? kaya sinubukan kong pumasok dito ng gabing iyon para subukan ang Panginoon kung mahal niya ba ako.
"At ngayon?" tanong ko. "Naniniwala ka na?"
Umiling siya. Tapos tumingin sa akin. "Hindi sa Diyos, Father... Sa'yo."
Parang may kung anong bumagsak sa loob ko.
"Hindi mo ako dapat..." Hindi ko na tinapos.
"Ano?" tanong niya. Lumapit ang mukha niya. "Hindi dapat ano, Father?"
"Mahalin." Pero hindi ko sinabi. Tumayo ako bigla, muntikan pang matumba yung upuan. "Matulog ka na. Pagod ka na."
Lumabas ako na parang hinahabol ng demonyo. Dahil iyon ang totoo.
Hinahabol ako...Ng tukso. Ng kasalanan. Ng isang pag-ibig na ipinagbabawal ng lahat — ng Diyos, ng simbahan, ng mundo.
Kinabukasan, nagmisa ako.
Iyon ang huling misa ko bilang pari na buo pa ang pananampalataya. Dahil paglingon ko sa mga tao, nakita ko siya. Nakaupo sa pinakahuling pew. Nakasuot ng puti. Hawak ang rosaryo habang nakatingin sa akin.
At sa gitna ng Kordero ng Diyos, sa gitna ng Pari: Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ang tanging naisip ko:
Ako ang kordero. At siya ang kasalanan na hindi ko kayang alisin.
Mapapatawad Mo ba ako, Ama? Dahil sa tingin ko... mahal ko na siya. At doon nagsimula ang lahat.
Doon nagsimula ang kasalanan ko.