Chapter 34 "Gising na! Gising na!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Ash habang pinapatunog ang hawak niyang bell. Naiinis na kinamot ko ang aking ulo. Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Isang linggo na rin akong namamalagi sa bahay na ito. Naging mas malapit naman ako sa tatlo. Sa isang linggong yon. Walang humpay ang pag-agos ng aking mga alaala. Noong una ay akala ko panaginip lang pero noong nagtagal ay nasiguro kong isa iyong mga alaala. Napangiti naman ako ng may sumaging alaala sa akin. Iyon ang araw na nalaman ko kung nasaan ang batong hinahanap ko. Iyon ang araw na naglaro kami ng habulan ni Vyzon. "Luh! Nababaliw kana Yngrid" usal ni Ysha habang nakatingin sa akin. Sinimangutan ko naman siya. Tumawa naman ang dalawa na abala sa pagkain. Nasa hapag kami. Tinapay at kape lamang ang l

