Chapter 13 Nasa detention room na kaming anim. Hindi normal na room ito dahil pinalilibutan kami ng matibay na metal na magsisilbing pader ng detention room. Wala kang makikitang bintana. Tanging upuan lang na mag-kakalayo ang nandito kaya kahit gustuhin ko mang isubsob ang mukha ko ay hindi ko magawa dahil walang desk. Si Jake, Hestia at Kate ay magkakatabi lang kahit one sit apart ang bawat upuan dito. Nasa pinakadulo ako dahil hangga't maari ayokong mapalapit kay Yuan at Vyzon na nasa bandang gitna. Hindi sila magkatabi. Nasa magkabilang dulo sila. Nasa unahan naman ang tatlo. Kung may bintana lang sana ang detention room kanina pa ako tumakas at tumalon para makapunta sa cafeteria. Kanina pa ko nakakaramdam ng matinding gutom. Sabi ni Amanda ay kailangan kong magpahinga at matulog

