Chapter 12 Naalimpungatan ako ng bigla akong makaramdam ng gutom. Napansin ko naman na nasa infirmary parin ako. Kinusot ko ang aking mata bago umupo sa kama na hinigaan ko. "What happened to you Yuan?" Narinig kong tanong ni Amanda. Hindi agad ako umalis sa aking pwesto dahil narinig ko ang pangalan ng lalaking si Yuan. Baka maisipan na naman niyang pagtripan ako. Hindi nila ako kita dahil sa kurtinang humaharang sa akin. "Nasapian na naman ng masamang demonyo si Vyzon kaya pinagsusuntok ako" Natatawang pahayag ni Yuan. Agad nangunot naman ang aking noo. Alam kong may ginawa ang Yuan na yon na ikinagalit ni Vyzon. "Maswerte ka dahil binugbug ka lang niya gamit ang kanyang kamao. Baka isa ka ng abo ngayon pag nagkataon" Rinig kong sabi naman ni Amanda kay Yuan. "Hindi rin. Kita

