Chapter 11 Nasa library ako ngayon. Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ko na ulit makita ang librong nakita ko tungkol sa crystalline diamond stone. Binalikan ko na kung saan ko iyong nahulog at nakita pero nabigo lang ako dahil wala na don ang bagay na iyon. Hindi ako sumuko sa paghahanap dahil iyon nalang ang tanging naiisip ko na pwedeng makatulong sa akin. Baka nailagay lang sa ibang shelf kaya dapat kong ayusin ang paghahanap. Nang mapagod ako sa paghahanap ay umupo muna ako sa isa sa mga upuan dito sa library. Kita ko ang maliit na librarian na kanina pa nagtatakang nakatingin sa akin. Kung magtatanong ako sa kanya baka paghinalaan niya ako. Hindi ako makakapayag na mangyari yon. Nakita ko si Thea at Theo na magkasamang pumasok ng library. Agad nila akong nakita at sabay silan

