Chapter 10 Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising nalang ako dahil sa isang nakakarinding busina na nanggagaling sa speaker na nasa loob ng dorm namin. Iyon ang speaker na konektado sa buong paaralan at hindi lang sa dorm namin meron non dahil lahat ay may ganon sa kanilang mga kwarto sa buong hallway. Napaupo ako sa kama at nakita ko rin na nagising na si Helena. Kinusot ko ang aking mata. "To all students. Proceed to the gymnasium right now" Napatingin naman ako kay Helena. "Pupunta ka?" Tanong ko dito. Tumango naman siya. Mabilis kaming naligo at nagbihis ng uniform. Humihikab akong naglakad palabas ng dorm. Napansin ko naman na kami nalang ni Helena ang nandito sa dorm. Lahat siguro ay nasa gymnasium na. Inaantok pa ako at ganun din naman si Helena. Wala ak

